Chapter 6.

238 5 0
                                    

Darren.

"Bakit ba ang init ng ulo mo bro? Si Ylona pa napagdiskitahan mo." Nandito kami ni Kyle ngayon sa bar sa extra house/clubhouse/hideout namin. Syempre kasama yung dalawang unggoy. Well, hindi naman talaga 'to bar. It have drinks and alcohols pero hindi sya public and full of girls and noisy sounds. Just you know, slight.

Iniwan ko na si Ylona kasama yung kaibigan nya. Alangan namang makinig pa ko sa usapan nila diba. Tss.

"Nakakainis kasi sa bahay." Simpleng sagot ko sabay lagok ng Wine. Bawal pa kami ng hard eh.

"Ano na namang nangyari, bro? Nakapili na ba si Tita at Mama?" Pang aalaska ni Shawn.

"Tss. They changed their strategy.." Tapos napailing ako habang inaalalq yung scenario sa bahay kaninang madaling araw. "I have to find a girl before High School ends or else I'll be engaged and married to that Michiko.

"Ohh. So straight, bro." Sagot ni Andrew na gulat na gulat. "So what did you say?"

They are all looking at me like they're gonna eat me if I don't answer. Woah chill. "I haven't answered yet, but I know they are dead serious. So I have to find a fake girlfriend to be with a fake relationship before this month ends." Seryosong sabi ko tapos ay inubos na ang inumin ko.

"Pero seriously, Tita and Mama still have contact with Mich? I mean, after what she did to you.."

"Yep. They still have. And they're all playing with me."

--

Ylona.

"AC, bat ngayon ka lang pumasok? I mean mag uwian na ahh." Tanong ko sakanya. Nandito kami sa field, to be specific, sa bench. Almost 4pm na at may last class pa ko, pero sabi nya ay mag usap daw kami.

"Do you like him?" Nanliit na mata nyang sabi. Ano daw?

"Huh? Sino?"

"Si Darren."

"Hindi no!" Mabilis kong sagot. Gusto kong matawa sa tanong nya pero sobrang seryoso nya. "Bakit ka nga ngayon lang pumasok?"

"Then why are you smiling so much while teasing him and trying to hold him?" Hindi nya parin sinagot yung tanong ko sa halip ay nagtanong din sya.

"Eh kasi namumula yung tenga nya—"

"Bakit kayo magkasama?" Ano ba tong si AC, ang daming tanong.

"Eh kasi pumunta kaming principal's office eh." simpleng sagot ko.

"BAKIT NAGAWA MO SAKIN TO, YLONA?" Bigla syang tumayo at umiyak. Halos napatingin samin ang lahat ng tao sa field dahil sa lakas ng boses nya.

Ano bang problema ni AC? Bakit galit na galit sya? At bakit mukang sobrang stress nya?

"I already admit my feelings for him to you, pero binaliwala mo! Sinabi kong gusto ko sya pero bakit nakikipag harutan ka sakanya? I know I can't stop you guys from being friends pero sana... sana naman Ylona!" Aniya at tumakbo paalis habang humahagulgol.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na rin pala ako. So totoo pala? Totoong gusto nya nga talaga si Darren? Bakit ganun? Bakit si Darren pa ang nagustuhan nya? Ibig kong sabihin, gwapo naman si Darren, mayaman, pero hindi nya deserve yung kabaitan ni AC. Masyadong loko loko si Darren para kay AC. At ako, ang sama kong kaibigan dahil hindi ko man lang sineryoso yung sinabi nya at sinaktan ko pa sya. Shocks, anong gagawin ko? Sobrang bait sakin ni AC at hindi naman sya nagpakita ng hindi maganda sakin. Bakit ko sya ginanito?

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon