Chapter 5.

251 5 0
                                    

Ylona.

Nagtatrabaho ako ngayon. Balik eskwela narin dahil lunes na. Alam nyo, mabuti nga ay hindi ako pinansin ni Darren ngayong araw eh. Tahimik lang sya, at buti rin ay hindi sya nakipag agawan sa upuan! Si Kyle at Andrew lang yung madaldal. Absent kasi yung isa pa nilang kaibigan.

About naman samin ni AC, okay naman. Ginagamit ko yung mga binigay nya pero everytime na nakikita ko yun ay nahihiya ako, ang mamahal nya teh!! May price tags pa.

"Ylona, for table 5 oh." Sabi ni Jane, katrabaho ko na mejo matanda sakin.

Close ko naman yung mga co workers ko at sobrang bait samin ni Tito Arthur. At hindi ko sure pero may outing ata syang pinagpaplanuhan para sa mga staffs. Excited nga ako kasi if ever na matuloy, syempre sasama ko.

Mabilis lang naman lagi ang oras pag busy ka kaya ngayon ay nagliligpit nalang ako para makaalis at makauwi na. Buti nga ay hindi ako masyadong nakakakita ng mga kakilala ko, or yung mga nakikita ko sa school, dito sa resto eh. Although, may mga taga Xiaming na pumupunta at kumain dito, hindi ko naman sila lahat kilala. Hindi naman sa nag iinarte ako o ano pero mas gusto ko kasi na hindi ako naiilang pag nagseserve ako sakanila.

"Una na ko ha." Paalam ko sa mga katrabaho ko na nagliligpit nalang din. Ngumiti sila at nag wave.

Paglabas ko ng resto ay sumalubong sakin ang malamig na hangin. Brr, lamig. At sobrang dilim. Naalala ko na naman yung nangyari nung nakaraan. Actually, nakalimutan ko na yun eh. Tsaka nilakasan ko nalang yung loob kong maglakad the next night, kasi paminsan minsan naaalala ko parin at natatakot ako.

What if may mga lasing na naman? What if may mangyaring masama sakin? What if...

Nagulat ako nang parang may sumusunod sakin. Naririnig ko kasi yung mga yapak nya. Binilisan ko yung lakad ko pero bigla nyang hinawakan yung braso ko kaya napasigaw ako.

"AHHHHHHHH" sigaw ko tapos dahil sa gulat ay nasapak sya ng malakas. Napadilat naman ako at tiningnan yung lalaki.

"PARA SAN YON?" Singhal nya. Humarap naman sya sakin at nakita ko yung lalaking nagligtas sakin nung nakaraan. Ano ngang pangalan nya? Brei? Bril? Bryle? Ahh oo. Si Bryle!

"Hala sorry sorry..." Sincere kong sabi. Nilapitan ko sya at tiningnan ko yung muka nya. Shems, pulang pula at halatang magkakapasa!! Anong nagawa kooooo?! Patay!

Inalis nya yung kamay ko at hinawakan yung pisngi nya, nakita ko namang may dugo kaya nanlaki yung mata ko sa gulat at kinuha yung panyo ko at pinahid yun sa gilid ng labi nya. Ano ba to, Ylona?! Anong ginawa mo?

--
Nakaupo kami ngayon ni Bryle sa isang upuan dito malapit sa park. Maraming tao dito at maraming nagtitinda kaya maliwanag din.

"Sorry talaga, di ko naman kasi alam eh.." mahina kong sabi. Seryoso, di ko talaga sinasadya yun. Kung alam ko lang naman na sya yun, edi sana...

"Pssh, sino ba akala mo?" Masungit nyang tanong habang nilalagyan ng binili kong yelo na binalot sa panyo yung pisngi nya.

"Eh akala ko kasi yung mga goons nung nakaraan eh." Nahihiya kong sabi at napatingin ako sakanya. Pero teka nga, bat ngayon lang nagpakita to? Bigla biglang sumusulpot?

"Don't ask me questions!" Sabi nya na para bang nababasa nya yung laman ng utak ko. "Alis na ko." Sabi nya tapos ay tumayo na at nagsimulang maglakad.

"Bryle." Tawag ko, lumingon naman sya, "Thank you, tsaka ano.. sorry." Sabi ko, tumango naman sya at umalis.

Teka, bat ako nag thank you?

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon