Chapter 19.

285 8 2
                                    

Ylona.

Tunigil ang sasakyan ni AC sa tapat ng bahay namin. Hindi agad ako lumabas doon.

Alam nyo, sa totoo lang ha, naiinis ako kay AC. Napagtanto ko na na talagang magkakaibigan sila noon pero hindi man lang nya sinabi sakin yun. Pati yung sa ex ni Darren.

"Sorry... Ylona." Napatingin ako sakanya. She looks apologetic.

"Alam mo, AC, wala naman akong karapatang magalit sainyo eh. Kasi hindi nyo naman kasalanan na hindi ako part ng past nyo... Pero sana kasi AC, you told me na magkakaibigan na pala kayo dati pa diba? Kasi nagmukha akong tanga eh." Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas sa bibig ko yan.

"Sorry, Ylona. Hindi ko naman talaga intensyon na itago sayo yung nakaraan eh." She almost cried.

"Whoo." Paghinga ko ng malakas. "Hindi ko na alam ang mga mangyayari pagtapos nito. Siguro I'll quit being Darren's fake girlfriend." Tapos ay akmang lalabas na sana ako pero pinigilan nya ako.

"No, Ylo. Just continue being with Darren's side. She needs you." Aniya.

"Bakit nya pa ko kailangan? Eh nandyan ka naman na bestfriend nya?" Hindi ko maiwasang magmaldita especially pag naiisip ko yung nangyari.

"I am not his bestfriend anymore." Seryoso nya ring sabi.

"Alam mo, AC, nagsisi ako na pumasok ako sa buhay nyo. Mukhang nagkagulo kayong lahat dahil sakin eh." Sabi ko at tuluyang lumabas ng sasakyan nya.

Pumasok ako sa loob ng bahay namin at doon naiyak. Lahat ng nangyari ngayong gabi ay biglang nag flashback sa utak ko. Simula sa kung paano umiyak si Darren hanggang sa insultuhin ako ng nanay at lola nya at hanggang sa dumating ang ex nya. Pati narin yung pagsisi nya sakin dahil pinagtanggol ko yung relasyon namin at pati yung sa pagpapauwi nya sakin ng mag-isa despite knowing na madaling araw na.

Umakyat ako sa kwarto ko. Naghugas ng katawan at nag-ayos ng sarili. Hinubad ko na ang suot kong gown at nilapag nalang ito. Nakakapagod. Sobra.

Humiga ako sa kama ko, at huminga ng malalim. Hay, what a chaotic night. Binuksan ko ang cellphone ko at napatitig nalang sa lockscreen ko.

"Bakit ba selfie ka ng selfie sa cellphone ko? Mas maganda nga cellphone mo eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Bakit ba selfie ka ng selfie sa cellphone ko? Mas maganda nga cellphone mo eh." Rant ko kay Darren. Nandito kami sa hideout nila, nandito rin sila Kyle at Markus.

"Ehh, wala ka na dun." Sabi nya tapos ay nagpatuloy sa pagipicture. Lumapit naman ako sa kanya. "Tsaka anong mas maganda? Parehas lang tayo ng phone. Duh."

"Daming alam. Picture tayo hoy." Sabi ko kasi ayaw akong isama sa picture.

"Ayoko, panget mo kaya." Pang-aasar nya. Binatukan ko naman sya.

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon