Chapter 1.

596 20 5
                                    

Ylona.

Bagong araw na naman. Bagong araw na walang pera, bagong araw na walang pagkain, bagong araw na walang baon, bagong araw na pagod, in short BAGONG ARAW NA NGANGA na naman.

"Ylona, kain na!" Tawag sakin ng lola ko mula sa labas ng aking kwarto.

"Opo." Magalang na sagot ko naman.

Ako nga pala si Ylona 'Lona' Garcia. Mayaman ako, sa kahirapan. Wala yung mga magulang ko, este yung papa ko lang palaa. Actually broken family ako kaya mas lalong malungkot. Kasama ko lang dito sa bahay si mama, kaso lagi syang wala dahil nagtatrabaho. May isa akong kapatid, si Nico. Ang nag-aalaga samin ay yung lola ko. Im a happy go lucky person after all. Kahit na mahirap sa buhay, palagi parin akong positibo at palaban sa buhay. Nag-aaral ako sa napaka sosyal na school sa buong bansa, Xiaming University, napaka Exclusive ng school na yan! Lahat ng tao dyan is brat, mayabang and other thumbs down attitude. Wala nga akong friend dyan eh.  Grade 12 na ako sa pasukan. Paano ako nakapasok dyan? Scholar. May utak naman ako 'no, and I don't let my scholar be just a dream. Kaya nga never kong pakakawalan ang scholar ko. Boyfriend? Wala. Wala nga akong makain, maiisip ko pa ba yon? Syempre focus ako sa pag-aaral. Bestfriend? Wala rin. Hindi naman kasi ako malapit sa mga tao sa eskwelahan ko. Mayaman sila, mahirap ako. Bully sila, at hindi ako pumapatol. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Gusto ko kasing makapagtapos ng high school tapos kung sakali, pag iipunan ko nalang ang kolehiyo ko.

"Ate ano ba? Wala ka bang balak bumaba?" Sigaw sakin nung kapatid ko na halatang naiinis na dahil ang tagal ko.

"Eto na nga! Sige na, mauna ka na." Sagot ko sakanya. Mabait naman akong ate, actually pati si Nico, minsan lang talaga nag-aasaran kami. Wala kaming pasok ngayon, actually sa lunes pa, e friday palang naman ngayon, kaya makakapag hanap pa ako ng trabaho.

Bumaba naman na ako at nadatnan ko naman yung mama ko dun na ubo ng ubo.

"Oh ma, ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sabay abot ng tubig.

"Okay lang ako Ylona! Nga pala kelan ang pasok mo?" Tanong nya matapos inumin ang tubig na binigay ko.

"Sa lunes pa po ma. Wag na po muna kayong mag trabaho! Ako na po muna, mukang may sakit po kayo e." sabi ko.

"Hindi okay lang ako anak!" Sagot nya kahit na ang totoo ay hirap na hirap na sya.

"Ok lang nay! Keri ko yan." patawang sabi ko.

"O sige, sabi mo. Basta wag kang magpapapagod ha?"

"Oo naman po ma. Sige magpahinga na po kayo." Sagot ko at inalalayan syang pumunta sa kwarto nila ni Nico.


Kumain na ako tapos naligo para humanap kahit part time job lang. Mahirap talaga ang buhay kaya kahit katulad kong estudyante, kailangan magtrabaho. Napabuntong hininga na lang ako. Ganito na ba talaga ang buhay ko?


Pumunta ako sa isang mamahaling restaurant. May signage kasi dito na naghahanap sila ng part time waitress.

"Hi miss, table for?" Tanong ng waiter na nagbukas saakin ng pinto.

"Ay hindi po. Pwede ko po bang maka-usap yung manager nyo?" Tanong ko.

"Ah sige. Sandali lang po ha." sabi nang waiter tapos pumunta dun sa counter. may tinawagan siguro.

Maya-maya pa, bumalik na sya. Nakangiti saakin.

"Miss, akyat po kayo sa taas. Tapos may apat room po doon, doon po sa kanan, nandoon po yung office ni sir." Aniya.

"Okay. Maraming salamat po." sagot ko at pumunta na sa itinuro nya.

Sobrang ganda ng restaurant na ito. Puro chandeliers na mamahalin. Miski ang hagdan ay halos gawa ata sa mga ginto. May mga rooms din dito sa loob ng restaurants na sa tingin ko ay para sa mga VIP guests.

Ginawa ko naman na yung sinabi nya. Pumunta ako sa nag-iisang kwarto na nasa kanan. Kumatok ako at nung may narinig akong nagsabing 'Come in' ay pumasok na ako.

"What can I do for you miss?" Sabi nung manager sa isang malalim na boses. Mas lalo naman akong kinabahan.

"Well, I saw the sign outside, and it says that you need an extra waitress? Im applying for the job po." I fluently answered. Para saan pang nag-aral ako sa napaka sosyal na paaralan kung hindi ako marunong mag-ingles, 'di ba?

"Have an experience?" He asked. Binigay ko ang form ko at binuksan naman nya ito.

"Yes po." Yun kasi dati kong trabaho eh -- Waitress. Kaso I resigned kasi lumipat kami ng bahay.

"Ah, so you're a working student?" He asked while scanning my resumé.

"Yes po sir." Magalang na sagot ko.

"At sa Xiaming University ka pa pala nag-aaral? same school kayo ng anak ko!" Masigla nyang pahayag. "By the way, paano ka nakapasok dun?" Tanong nya na para bang na-amaze na dun ako nag-aaral. Well, im not quite surprised. Bakit nag-aapply ng trabaho ang isang estudyanteng galing sa Xiaming U.?

"6 years scholar na po ako doon. Mula nung nag grade 7 po ako." Naka ngiting sagot ko.

"Ah okay. Napakatalino mo naman pala. Sya nga pala, sa Monday pa pala ang pasok nyo 'di ba? You can start, at Monday also pero pang-gabi ka, 5pm to 9pm, is it okay to you? Alam ko kasi na may pasok ka, hindi naman pwedeng magpuyat ka? Okay lang ba?" Tanong ni Sir. Whoa, is this real?

"Oo naman po sir. Maraming salamat po." Tuwang tuwa kong sagot.

Ngumiti lang sya,

"You can call me Tito Arthur na lang since malapit naman ako sa mga kagaya mo. Yun bang kahit nag-aaral, nag tatrabaho parin para sa pamilya. I salute you, Lona." sabi nya pa. Wow, sobrang bait naman nya! At yung nickname ko pa talaga ginamit nya. Ang cool!

"Sige po sir— este Tito Arthur. Maraming maraming salamat po talaga." Masayang bulalas ko habang ang ngiti ay abot sa tainga.

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon