Chapter 10.

222 4 1
                                    

Ylona.

"Will you be my girlfriend?" Parang nabingi ako sa sinabi nya. Hindi ako nakapag salita at hindi ko gustong magsalita. AC pahiram lang ng line mo ah, pero WHAT THE HELL?

"Ahmm.. I know its kinda fast and unexpected... it is also shocking, but can you—" pinutol ko sya dahil nag burst out na lahat ng thoughts ko.

"Oo. Talagang nakaka gulat at napaka bilis. HOY DARREN." Sigaw ko. "Hindi mo ko makukuha sa mga pagganyan mo ha. Kung nangloloko ka man, pwes di ako natutuwa. At kung seryoso ka man wala akong balak sagutin ka!!!" Para na akong baliw dito na nagwawala. Paano naman kasi ini-stress nya ko.

"Calm the heck down!" Ngayon ay mejo naiinis na sya. "Patapusin mo muna nga ako!" Maarte nya pang dagdag. Napanguso naman ako at tumango dahil parang hinihintay nya ang sagot ko. "First, stop pouting. You aren't cute." Insulto nya. Wow ha. "Second, I want you to be my fake girlfriend, not a real one. Because the feeling is mutual, I don't like you too." Ano daw?

"F-fake girlfriend?"

"Yes. I need you to pretend my real girlfriend so that my mom and lola won't pressure me on something I didn't like."

Hindi parin nag sisink in sakin ang mga sinabi nya kaya tahimik parin ako. Ano? Di ko kasi magets eh. Bakit ako pa? Bakit hindi nalang yung iba nyang babae, like yung mga babae sa CR? Im sure naman willing yung mga yun na magpanggap na girlfriend nya noh.

"Will you help me? hmm?" Tapos ay nag pa cute pa at hinawakan ang kamay ko. Wow nag paawa pa ha.

"Ayoko." Madali kong sagot at umirap. Niyugyog nya naman ang tuhod at kamay ko tapos ay ngumuso.

"Please?" Tapos ay nagmakaawa.

"Ayoko."

"Sige na..." pilit nya pa at parang nag isip para makumbinsi ako. "Lalakad kita kay Andrew." Napangiwi naman ako napakunot noo.

"Anong Andrew pinagsasasabi mo jan?"

"Diba gusto mo si Andrew, nakita kaya kita kanina sa cafeteria nakatitig sakanya." Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi nya. Jusko, ano daw? Hahahahah.

"Hahahahaha, tangeks! Tinitingnan ko sya kasi bagay talaga sila ni Heaven. Kala mo ha. Ayoko nga." Tapos ay tumawa, bumusangot naman ang mukha nya.

"How about kay Kyle? Crush mo rin yun diba? Pumayag ka pang maging partner nya ha." Tapos ay tinusok ang tagiliran ko dahilan para matawang muli ako. Hahahahqhq joker din pala to.

"Alam mo, ang funny mo. Hahahah. Pumayag ako kasi wala naman akong kapartner. Sus, di ka man lang marunong mag observe." Inirapan kong muli sya.

"Sige na kasi. Tutal naman ay friends naman na tayo diba?" Pagpupumilit nya pa. Wow, friends? Big word ha. Pinahiya nya nga ako nung una sa Drug store 'di ba?

"A Y O K O." Madiin kong pang sabi. Ang kulit naman netong yabang na to.

"Eh kasi—" hindi nya natapos ang sasabihin nya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinenyasan ko syang tumahimik muna dahil si mama ang tumatawag.

"Hello? Ma?" Kinabahan na naman muli ako. Kapag tumatawag kasi sya ay diretso salita agad pero ngayon ay mejo tahimik. Hindi kaya....

"Hello, is this Ms Ylona Garcia?" Bumilis na ang tibok ng puso ko at namutla. Napatayo rin ako nang marinig na naman ang buong pangalan ko sa taong hindi ko na naman kilala.

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon