Chapter 28.

63 3 0
                                    

AC.

"Kamusta ang tests, Ylo?" Tanong ko sa best friend ko nang matapos namin ang first day ng examinations.

Grabe, I can't believe na we're just one month away from saying goodbye to high school. College student na kami... Oh my gaaaaah.

"Ayos naman. Medyo nahirapan lang ako sa accounting." Sagot niya habang sabay kaming nagliligpit ng gamit.

"Accounting lang?" Reklamo ko. "Eh ako nga halos lahat! Sa earth and life, sa marketing, at kahit sa Probability and Statistics!" Inis kong pahayag.

Gosh, bakit ba kasi nauso ang mga subjects na 'yun? Ang hirap hirap kaya.

Tumawa si Ylona habang nagpapatuloy sa ginagawa, "Okay lang 'yan, besh. Ganiyan talaga." Tapos ay nagpatuloy pa siya sa pagtawa.

Natigil lang ang kwentuhan namin nang lumapit sa'min sila Kyle. Inakbayan ako ni Kyle habang si Darren naman ay tumabi lang kay Kyle sa tapat ni Ylona. Andrew just keep his distance watching us.

"Kain tayo sa labas. Libre daw ni Darren." Masiglang pahayag ni Kyle.

"Really?" Excited kong sabi. "Sige ba! Tara sama tayo Ylo." Payag agad ako.

"Uhm... pagod na 'ko, Eys, eh. Puwede bang mauna na akong umuwi?" Nakita ko ang pag-iwas ni Ylona sa mga mata ni Darren.

Napailing na lang ako dahil dito. What the hell naman kasi Darren Lyndon! Alam naman ng lahat kung sino talaga ang gusto mo pero ang napaka duwag mong tanga ka!

"Ha? O sige, kung hindi ka sasama, hindi na rin ako sasama." Sagot ko.

I want her to talk to him pero kung hindi pa siya handa ay hindi ko siya pipilitin. She's my bestfriend and I highly respect her decisions.

About Darren, kaibigan ko rin siya pero bahala siya sa buhay niya. Siya naman ang may gustong magsinungaling kaya magdusa siya diyan.

"Hoy sumama na kayo." Ngumuso si Kyle habang ang kamay ay nakaakbay pa rin sa'kin. "Ylona, please? Kain lang talaga. Ilalayo kita kay Darren. Sige na please?"

Si Ylona na ang kinulit niya dahil alam niyang sasama ako kapag sumama si Ylona. Natawa na lang ako sa isip ko. Kilalang kilala talaga 'ko nitong si Kyle Echerry.

"Uhm... ano kasi..." Gusto pang gumawa ng excuse ni Ylona para lang hindi makasama pero mapilit talaga si Kyle.

"Sige na, please? Ship ko kami ni AC 'diba?" Humilig siya sa balikat ko kaya nagulat ako doon. "Edi let us have our time together. Please, Ylo? Team KyDree ka 'diba?"

Tinulak ko ang ulo niya palayo kaya bumasangot siya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag ka ngang manggagamit, Kyle! Kung ayaw ni Ylona, huwag mong pilitin." Pangangaral ko.

"Please..." Agad kaming natahimik nang siya na ang nagsalita.

Sabay kaming napalingon ni Kyle sa nakayuko na ngayong si Darren dahil malamang ay hiyang hiya sa pagmamakaawa.

"If you want me to keep distance, I will... but uhm... please, come with us."

Dahan dahang gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa mga sinasabi ni Darren. Taray naman ng boy bestfriend ko! Lumelevel up na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon