Chapter 25.

290 10 3
                                    

[Before reading, please put your feet in Ylona's shoes. Sobrang sarap sa feeling kapag kasama mo yung barkada mo na magtravel so imagine na ikaw si Ylona at sila Darren at AC ang mga kaibigan mo. Imagine that the sceneries are real and you're the one experiencing it.]

Ylona.

Nakasakay na kami ngayong lahat sa van nila Jeremy. Well, yung van na to is for travel talaga and 18 seater sya. Sakto lang sya kahit 10 kami kasi yung mga bagahe pa. 3 days kaya kami don noh. And about sa driver, may kinontak si Kyle na kakilala nya from Baguio na pwede nang magtour samin and at the same time ay driver narin namin. This whole trip is brought to you by the one and only, Mr Darren Espanto.

"Oh, san nyo una gustong pumunta?" Excited na anunsyo ni Kyle. Naghiyawan naman kaming lahat. Wow, this is really it.

Bale since 18 seater to, pwedeng 3 ang nasa harap. Pero dahil hindi naman kami ganun karami, si Kyke nalang ang pinaupo dun. So sa second row, si Heaven - Andrew - Donny. Tapos sa third row, bale tatlo din yung upuan pero dalawa lang permanent kasi yung isang upuan is pwedeng isara. So ako - AC - Lala. Tapos sa fourth row is sila Darren - Edward - Jeremy. Tapos sa pinaka likod is puro bagahe and all that. Nakakaloka nga eh. 3 days lang kami dun pero dahil ang yayaman nitong mga to ay isang luggage na de-hila ang dala. Sosyal diba.

 Sosyal diba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Hotel." Inaantok na sagot ni Darren.

"What? I thought we already agreed na pasyal na muna?" Hindi maipinta ang mukha ni Kyle. Mukang gustong gusto nang gumala eh.

"Im tired, Kyle. I mean we all are, and even you, kahit hindi mo aminin. Hindi naman tayo makakatulog ng maayos sa van na ito. I told you kasi na yung bus nalang namin yung dalhin edi sana walang problema." Sagot nya pa. Yes, he insists kasi na yung bus nalang nila yung dalhin.

And gaano ka-sosyal ang bus nila? Pwedeng ihiga ang bawat seats. No, wala pala syang seats, instead, kama ang meron na parang nasa kwarto ka. Yes, you heard— este you read it right. Yung bus na yun is like a bahay. Pinakita nya kaya samin yun. Kaya lang kasi hindi yun yung ginamit is because nahihiya na sila kay Darren. I mean, look. Darren will be the sponsor of the whole trip, including the hotel for 3 days, foods for 3 days and all expenses all for 3 days. Imagine how rich he is? Just to add something to that, lahat ng gagatusin nya ay ginto because he won't settle for less. So sabi nila, kahit man lang daw sa sasakyan at sa gas ay sila naman ang gumastos. Masyado kasing galante tong si sungit.

"Fine, Mr Sponsor pero dapat 8 nakapag breakfast and ready na tayo ha. I want to explore Baguio na. Na miss ko yun." Alma naman ni Kyle.

Nag-thumbs up naman kaming lahat. I just want to sleep sana ang ingay lang nitong si Kyle.


"Ylona, gising. Last stop over." Napadilat ako nang yugyugin ako ni AC. Nakita kong nasa Petron station kami. Bumaba na silang lahat at practically, kaming dalawa nalang ni AC ang nandito. "Let's go." Aniya nang makitang gising na ako.

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon