Chapter 7.

275 6 0
                                    

Ylona.

Nanlaki yung mata ko dahil pag tingin ko sa cellphone ko ay 5:30 na!! 5am yung usapan eh. Buti na nga lang ginising pa ko ni mama kung hindi lagooot!! Nag alarm naman ako pero napasarap talaga tulog ko eh!

Nagmadali akong kumilos kahit late na ako. Nakapag impake naman na ako kagabi ng gagamitin kong damit eh. Naligo, nagbihis at nag ayos. Mabilisan lang ang lahat. Pagtapos ay bumaba na ako, hindi na ko kumain dahil sobrang late ko na at baka naiwanan na ako ng sasakyan. Huhuhu, wag naman sana. Excited pa naman ako eh!

Nagpaalam na ako kila mama tapos ay lumabas na ng bahay. Sumalubong sakin ang napaka lamig na hangin. Nag tawag agad ako ng tricycle at nag pahatid sa restaurant kung saan magkikita kita.

Pagdatin ko doon, nagbayad agad ako sa tricycle. Umalis na yung driver at ako naman ay tumakbo papalapit sa pinto ng resto. Hala!!! Naka lock na! Umalis na siguro sila.

Naghintay ako ng konti at nung wala na talagang pag-asa ay unti unti na kong naglakad pauwi. Nagulat ako nang biglang may humintong sasakyan sa harap ko at binuksan yung bintana.

"Ylona! Sakay na." Nabuhayan ako ng loob nang makita si tito Arthur! Hala ommggg!! Nandito pa syaaa???

Agad akong pumasok sa passenger seat at nakita kong nandun din si Darren. Teka, kasama nya? Anak ng! Bat lagi ko syang nakikita!!?!!!

"Nandito ka?!" Sigaw ko. Napa takip naman agad ako ng bibig dahil na realized kong nandito pala si tito Arthur.

"Malamang anak ako ng may ari, duh." Maarte nyang sagot. Tss, sungit na naman.

"Actually si Darren nga yung nag suggest na balikan yung resto kasi baka may naiwan and sakto nandun ka!" Sagot ni tito Arthur. Napatingin naman ako kay Darren at nag smirk lang sya. Tss, salamat yabang!

Nag simula nang mag byahe. Tahimik lang naman sa sasakyan. May radyo namang naka bukas pero mahina lang ito. Sya nga pala, my driver din pala sila. I mean, hindi si sir Arth yung nagda drive instead is yung driver nga. Bale yung driver of course nasa driver's seat tapos si Tito Arthur nasa shotgun seat, tapos kaming dalawa ni Darren ay nasa likod which is yung passenger seat nga. Tapos yung mga gamit nila slash namin ay nasa likod.

"Patulog ah." Out of the blue'ng sabi ni Darren tapos ay bigla biglang humiga sa balikat ko. What the heck? Muntik na kong mapatalon sa gulat.

Namula yung mukha ko at parang uminit. Gusto kong tanggalin yung ulo nya pero ewan, basta. Tulog na ata eh, naawa naman ako.

Tumingin ako sa harap at narinig na naghihilik na si Tito Arthur at mukang tulog narin. Napatingin naman ako sa driver pero buti nalang ay wala naman syang pakelam samin basta busy lang sya sa pag ddrive.

Napaisip naman ako since senti senti lang tayo. Ano kayang nagustuhan ni AC kay Darren at ganun nalang yung galit nya sakin? I mean, hindi ko naman gusto si Darren, pero bakit ganun? Anong nakita nya kay Darren? Eh first impression ko nga dito ay yabang eh. Tapos masungit, moody, daig pa babae. Hindi rin naman close si Darren at AC so hindi nya maikakatwiran sakin na mabait naman pala si Darren pag nakilala. So bakit nga? Hindi naman pwedeng gwapo lang si Darren kasi hindi naman ata ganong babae si Ac na naiinlove sa looks or wealth 'di ba?

Pero okay, hayaan na nga. Sumasakit lang ulo ko kaka problema sa ibang problema. Natulog nalang din ako. Atleast, nakapag pahinga pa.

Nagising ako na ako nalang mag isa sa sasakyan. Hala, asan na sila? Bakit hindi man lang ako ginising? Naman eh!!

Bumaba ako ng sasakyan at nakita kong nasa malapit sila sa pool. Agad akong tumakbo papunta dun at nag sorry dahil late ako.

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon