Chapter 4.

301 4 0
                                    

Ylona.

Napatanga ako sa tanong ni Darren. Huh, ako daw may ano?

MAY GUSTO SA KANYA? Ang kapaaaaal.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya. What the heck? Ang kapal nya grabe!!

"Ang kapal naman ata ng mukha mo, Mr Darren Espanto." Sabi ko at akmang aalis na pero nagsalita ulit sya.

"Bakit hindi ba totoo, Ms Ylona Garcia?" Tapos ay tumayo at naglakad papalapit sakin. Natakot naman ako kaya umatras ako ng umatras. Hindi ko napansin, na corner nya na pala ako. Shookt.

Attention seeker talaga tong ungas na to eh. Pinagtitinginan na naman kami dahil sa ginagawa nya eh.

"O-oo." Hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa ginagawa nya. Pano naman kasi sobrang lapit nya tapos hinaharang pa ko ng dalawang braso nya.

"If you say so." Sabi nya at tumawa ng nakakaloko. Umalis narin sya sa harap ko at akmang babalik sa table nila pero nagsalita ako.

"Hindi lahat gusto ka, Darren." Sabi ko at umalis na. Narinig ko namang nagulat lahat ng tao sa cafeteria at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bakit, may mali ba dun?

Narinig kong tinatawag ako ni AC pero hindi ko sya pinansin. Hinabol nya naman ako at tinapik sa likod, hindi sya nagsalita bagkus ay sumabay lang sakin sa paglakad. Nakarating kamu ng room at umupo na ko sa upuan ko. Konting minuto nalang kasi ay magsisimula na yung klase namin.

Nakahinga ako ng maluwag ng makaupo na ako. Phew, kinabahan ako sa Darren na yun ah. Kung ano anong pinagsasasabi, pwe.

Dumating na yung teacher at dumating narin silang mga ungas. Hindi sila nag ingay o nagsalita. Hindi rin ako kinulit ni Kyle o ni Andrew o ni Shawn. Yes, you guys read it right. Miski yung ibang friends ni Darren ay FC na din.

Mabilis na lumipas ang mga araw at day off ko ngayon. Yes, pag Saturday at Sunday ay wala akong pasok. Ang bait talaga ni sir Arthur noh? Hehe.

Tinawagan ako ni AC. Ililibre nya daw akong mag shopping. Syempre knowing myself, I decline. Alam nyo naman ako, ayoko ng ganyan at hindi naman ako sanay. Pero again, sobrang kulit po ni AC Bonifacio kaya napapayag na naman ako. Pumunta kasi dito sa bahay, yep, hindi lang sya tumawag, pinaalam pa nya ako kay mama. Si Nico naman mukang nainlove kay AC dahil sa reaksyon nya nung lumitaw si AC. Si lola naman ay pumayag din, gustong gusto nya si AC na maging kaibigan ko kasi ang bait nga ni AC. Oo diba, binibenta na ko ng pamilya ko at gustong gusto nilang buyer si AC.

"What now, Ylona? Bakit antagal mo?" Nagulat ako ng biglang pumasok si AC sa kwarto ko. Hays, eto talagang babae na to.

"Eto na nga!" Inis kong sabi at tinulak na sya palabas at nalaglag sya at ayun ang kinamatay ni AC charot lang. Tawa kayo.

Lumabas na kami ng kwarto. Pag baba namin, agad kaming nagpaalam sa matatanda para makaalis na at makauwi narin ng maaga. Gusto ko sanang magpahinga ngayon kaya lang ay makulit tong babaeng to.

Sumakay kami sa kotse nya. In fairness ha, marunong nang mag drive si loka. Pinaandar nya ang kotse at tinahak ang daan.

Napaisip naman ako, everytime na magkasama kami ni AC, lagi naming ginagamit yung kotse nya. And I fear that I might get used to everything that AC offers to me. I mean, wala akong kaibigan sa anim na taon, tapos bigla syang sumulpot from nowhere and pinilit yung sarili nyang maging kaibigan ko. Sa totoo lang, it is not AC herself that I fear. Ang kinakatakot ko is baka masanay na ko sa lahat ng bagay, like yung mga pang lilibre nya and of course HAVING HER, tapos ay bigla lang mawala ang lahat. Ayoko naman sana ng ganun, okay sana kung ngayon aalis na sya. Para hindi na ko masanay at masaktan pa.

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon