Chapter 14.

280 9 1
                                    

Ylona.

"You look... beautiful." Nagulat kaming lahat nang biglang sabihin iyan ni Darren habang nakatingin sya saakin. Actually, nakatitig pala. Agad akong umiwas ng tingin dahil nagulat ako sa sinabi nya at namula ang mukha ko.

"Ahm... I mean, you guys. B-bagay sainyo yung new look nyo." Tapos ay nag look away sya.

Huminga naman ng maluwag si AC at Kyle na para bang hindi makapaniwala sa unang sinabi ni Darren.

"You done, girls? Gutom na ako eh." Ani Kyle at lumapit kay AC.

Tumango naman kami parehas ni AC at natawa. Lumabas kami ng booth at pumunta sa cashier. AC wants to pay it all pero Darren insisted. Nahihiya nga ako kay ateng nasa cashier eh. Kasi naman nagtalo pa yung dalawa kung sino magbabayad samantalang ako 'tong inayusan at pinaganda. Tsk.

"Darren, dadalawin ko pa si mama." Sabi ko kay Darren. Napatingin naman silang tatlo sakin.

"What happened to your mom?" Mukhang worried si Kyle nung tinanong nya yan.

"Ahm, nasa hospital kasi sya. Naoperahan sya nung nakaraan dahil sa cancerous thing sa lalamunan nya." Paliwanag ko.

"Ah yah, tita Abbie. Can I go with you? I want to visit her eh. And miss ko narin si Nico." Masiglang sambit ni AC. Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Yeah. We were supposed to visit Ylona's mom first before going to mall sana pero you guys insisted na mag double date.. tsk." Hindi ko alam kung naaasar ba 'tong si Darren o ano eh. Pero sya naman ang nag-insist 'di ba? Napakagulo talaga ng lalaking 'to.

"Ahh. Okay, sama narin ako." Sabi ni Kyle, "But first let's eat. Im really starving." He joked and we laughed.

"Okay, so paano mo napapayag si Ylona na maging girlfriend mo, bro?" Nakakalokong tanong ni Kyle pagtapos naming umorder ng makakain sa isang mamahaling restaurant.

Magkatabi kami ni AC at magkatapat naman kami ni Darren.

"She can't resist my charm kasi, bro." Pangloloko ni Darren kaya agad ko syang sinipa sa paa.

"Assuming mo." Tapos ay nagtawanan kaming tatlo.

Napansin ko namang tahimik si AC kaya nilingon ko sya.

"Okay ka lang?" Tumango naman sya at ngumiti... ng pilit.

"Nga pala, Darren, may event daw tayong pupuntahan next week?" Baling ko kay Darren dahil naalala ko yung sinabi ni AC kanina.

"Ah yes. You'll meet my parents." Nanlaki yung mata ko sa biglang sinabi nya. Teka, ano daw?

"ANO?" Natural reaction ko. Im shook guys, come on.

"Why are you so shook? Didn't you expect this? I mean, why are we even pretending if it's not for my family?" Well, fair point.

"Tss. Alam ko naman yun. Kaya lang, Until now, I still can't understand why they're forcing you to get a girl. We're still in High School kaya." Sabi ko.

"They are clearly not forcing me to get a girl. It was me who made that up. See? Hindi mo parin alam yung buong storya kasi you're always busy." Wait, what?

"Ano? Lagi naman akong sumasama sayo kapag nagyaya ka ah. Nung binigay mo yung rules, bakit hindi mo kinwento sakin?" Nainis talaga ako sa sinabi nya. What the heck? Lagi ko nga syang pinipili over anything else tapos ganito maririnig ko mula sa kanya? Sobrang nakakapantig ng tenga.

"You never asked. Isa pa, you don't have to know." Mas lalong nag-init yung ulo ko nang banggitin nya yang mga salita na yan. I don't have to know? What the heck? Paano ko sya matutulungan kung hindi ko alam?

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon