Chapter 20.

236 9 8
                                    

AC.

"Bakit naman gagawin ni tita Danah yun?" Tanong ko kay Kyle habang kumakain kami ngayong break time. Absent si Ylona at si Darren naman ay pumunta sa mommy nya.

"I don't know. Kilala mo naman si tita, di 'ba? Ayaw nun sa mahihirap." Sagot nya. Napakunot naman ako ng noo.

"Ha? Paano mo nalaman na kilala ko talaga personally ang nanay ni Darren?" Tanong ko. Napaangat sya ng tingin.

"Kinwento ni Darren." Sagot nya lang, tapos ay tuloy sa pagkain.

"Di nga?" Hindi makapaniwalang sagot ko.

"Oo nga. When I was in Canada dati, alam ko lahat ng nangyayari dito. Kaya nga may gusto agad ako sayo diba?" Sambit nya tapos ay natawa. Nabilaukan naman ako at hindi nakahinga. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nya tapos agad akong inalalayan at pinainom ng tubig.

Nang makarecover na ko, well mejo umuubo-ubo padin, pinalo ko sya sa braso nya. "Baliw ka talaga Kyle! Talagang naipasok mo pa yang feelings mo ha!" Angal ko. Napa pout nalang ako, tapos ipinagpatuloy ang pagkain.

"Why? That's the truth, AC. Why don't you just like me instead nalang kasi?" Reklamo nya na parang bata. Kumuha ako ng fries at sakto ng pagbukas ng bibig nya ay pinasok ko yun. Hindi naman na sya nakapagsalita.

Ang daming sinasabi, hindi naman totoo. Sorry, Kyle. I got trust issues because people got lying issues. I feel like na lahat iiwan ako. Not now, but soon. That's what always happen.

Ylona.

"Oh, Ylona!" Sabi ng lola ko. "Bakit hindi ka pumasok?" Tanong nya.

"Ah, sasamahan ko po kasi si mama eh. Check up nya po ngayon diba?" Half true, half lie.

"Oo, pero sana ako nalang yung sasama. Naabala pa tuloy pati pag-aaral mo." Sagot nya pa.

"Hindi naman po, la. Isa pa, ngayon ko nga lang po masasamahan si mama eh. Ibalato nyo na po sakin to. Hehe." Paglalambing ko kay Lola tapos ay niyakap ko sya.

"Hay nako, Ylona. Oh sya, sige, magluluto nalang muna ako ng tanghalian natin." Aniya tapos ay pumunta na sa kusina.

Ang totoo nyan, hindi ako pumasok kasi napag-usapan namin ni Darren at ng mga kaibigan nya na wag muna akong magpakita sa school. Syempre umayaw ako! Maaapektuhan kaya nun yung scholarship ko. Pero at the end sya/sila parin yung nanalo kasi nga may 'plano' daw sila.

Sinabi kasi nila na kakausapin daw muna nila ng maayos yung nanay ni Darren. Tapos kapag ayaw, which is ang expected ng lahat, Darren will pretend na wala na kami and eventually spill the bomb pag graduate na kami.

Sobrang weird noh? Fake lang naman ang relasyon namin tapos kailangan pa namin ipeke miski ang break up. Hindi ko nga gets eh. Hindi nya ko magawang hiwalayan. Ayaw nya eh. Ewan.

After school daw, dadaanan nya ako tapos punta kami sa hideout. Ewan ko dun bakit kailangan dun pa mag-usap. I mean, obviously pag sinundo nya ko, makikita ko na agad sa mukha nya kung pumayag ba or what. Ewan. Napaka gulo.

Pero ako ang mas magulo. BAKIT KO PINASOK TO? AT BAKIT HINDI KO NA KAYANG LUMABAS?

"Ms. Garcia, kailangan nyo paring inumin ang mga medicines nyo kahit naoperahan na kayo. It would've be worse kapag hindi nyo iyon ginawa." Frustrated na sabi ng doctor kay mama.

"Eh doc, masyado hong mahal ang mga gamot na inireseta nyo. Hindi po namin kayang bilhin yun. At isa pa, malakas na ho ako.."

Kanina pa sila nagtatalo about sa gamot. Paano naman kasi, etong si mama, NAPAKAKULIT!!! Sabi na nga ng doktor na kailangan nya paring inumin yung gamot, pinipilit parin yung gusto nya.

"Bahala ho kayo, misis. Kapag hindi nyo ho pinagpatuloy ang pag-inom nyo ng mga gamot nyo, maaaring lumala at bumalik ang sakit nyo. And worse than that? Mas mapapahal pa ho kayo sa dami ng check ups at gamot nyo." Impatient na paliwanag ng doktor.

Hinawakan ko naman si mama. Nagpasalanat kami sa doctor at lumabas na.

"Narinig mo ba yun, ma? Umayos na ho kasi kayo. Ako naman bumibili ng gamot nyo eh. Hindi nyo na kailangan mag-alala sa pera." Paliwanag ko pa sakanya habang hinihintay naming bumukas ang elevator.

"Yun na nga, Lona eh. Ikaw nga yung gumagastos. Ang mahal kaya ng mga gamot na yan, paano naman kung kailanganin mo yung pera para sa school mo?" Giit naman nya. Ang kulit.

Bumukas ang elevator at pumasok kami doon. Pinindot ko ang ground floor.

"May ipon naman ako ma, hindi nyo na ko kailangan alalahanin." Giit ko rin. "Basta, kahit anong sabihin nyo, kailangan nyong uminom ng ganun." Seryoso kong sabi na para bang ako ang nanay saaming dalawa.

Tapos ay lumabas na kami. Naramdaman ko ang pag vibrate ng telepono ko kaya agad ko itong tiningnan. May text galing kay Darren.

Psh, what's with the endearment and the emoji? Ano bang nangyari? May masamang feeling ako dito ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Psh, what's with the endearment and the emoji? Ano bang nangyari? May masamang feeling ako dito ha.

AUTHORS NOTE.

SORRY SA NAPAKA SABAW AT NAPAKA IKSING UPDATE. WALA NA TALAGANG LUMALABAS SA ISIP KO PARA SA CHAPTER NA TO PERO BAWI AKO SA SUSUNOD. :)))

Fake Relationship.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon