The next day came and ngayon na ang first official classes ko with the other freshmen. I looked at thyself in my body length mirror na nakalagay sa aking kwarto. My outfit for the day is a black and white striped shirt, covered with my denim jacket and isang black skinny jeans.
Pagkatapos magmasid sa aking sarili, agad kong kinuha yung aking everyday class schedule. Too bad first subject agad yung Mathematics, hindi naman sa hate ko 'to. Di ko lang talaga feel yung Math, pero sometimes nakakaaliw siya. Especially kung nakakaaliw yung teacher.
Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa lamesa, the three of them are now eating breakfast. Thankful ako dahil nagprepare si Lindsay ng breakfast. Ika nga ng karamihan, a good way to start your day is by a good breakfast!
"Oh Ina, kumain ka na. Okay lang ba sa'yo to?" Pag-aya ni Lin sa akin. Served at the table are some pancakes, milk, toast at kung ano pa.
"Oo naman, eto lang din naman kinakain ko basta't breakfast. So by the way, ano pala first subject niyo?" I asked them saka kumuha na ng pancake at nilagyan ito ng syrup.
"Math sakin eh, si Kath and Jeanine din. Ano sa'yo Ina?" Sagot ni Lindsay para sa kanya at para din sa dalawang ganang gana ang pagkain.
"Ay sakto Math din! Sabay nalang tayo tutal parehas lang naman tayo ng classroom diba?" Napatango lamang silang tatlo at nagpatuloy sa pagkain.
After naming kumain, lumabas na agad kami ng dorm at naglakad papunta sa locker area. Na kung saan nakalagay yung aming mga school bags.
Kukunin ko na sana yung bag at mga gamit ko nang may tumawag sa aking pangalan. "Czarina!" I turned my head and found Azrael. I knew it.
"Um Ina, mauuna na muna kami? You two better talk. Bye!" Tumawa ang tatlo at kinindatan ako habang papalapit si Azrael. Naalala ko yung sabi sakin ni Ccing so I continued to walk down the hallway.
"Oy Ina! Sandali naman." Dinalian kong maglakad pero tumatakbo na siya kaya niya ako nahabol. Here we go.
"Ba't ba ang bilis mong maglakad?"
"I have classes." Diretso kong sagot.
"Oh? Meron din naman ako ah, siguro sinabi nanaman ni Rivero na huwag mo akong kausapin no?"
"Meron nga akong klase at ayokong ma late, at ano namang pakialam mo kung sinabi niya yun? Kaano-ano ba kita? I just met you pero based on what I found about your history, you're not a nice person. I'm sorry to judge you early than you expected but that's what you did. So, aalis na ako."
Iniwan ko siyang nakatingala sa akin pero hindi parin siya nagtitigil.
"Aw come on. I just want to get to know you."
"And I don't want to."
"Sus, sabihin mo nahihiya kalang sabihing gusto mo ako." Kinindatan niya muli ako, ano bang gagawin ko sa taong to? Help.
"Alam mo, ang hangin no? No wonder humangin nung dumating ka eh. San ba yung mga babae mo ha? Saan sila at ginugulo mo ako ngayon?"
"Anong sinasabi mong mga babae? Wala akong babae no, ikaw lang sapat na." I rolled my eyes and continued to walk again, de baleng nakasunod parin to sa akin.
"Alam ko na yang mga ganyanan, that's the old style. Kaya kung ako pa sa'yo, mag aral ka nalang ng mabuti since nasa isang pretihisyosong paaralan ka naman. Huwag mong ipairal yung mga ganyanang pagpapahangin mo. Sayang gwapo ka naman din, hindi mo lang ginagamit utak mo. Alis na talaga ako." I waved my hand without looking at him para makapasok na.
"I like you okay!" Umiling na lamang ako sa kanyang sinabi at tuluyan nang pumasok sa classroom. I don't get it, pero parang hindi tumabla ang sinabi ni Ccing sa'kin kahapon. Parang may mali.
After 4 hours of listening to my new professors, tumunog na yung bell signaling it's time for lunch. As I packed my things, nag vibrate yung phone ko and I quickly looked at it. It was a message from Ricci.
Binuksan ko iyon and it was something I was not sure of. Hindi ako sigurado kung pupunta ba ako o hindi.
Riccing💚:
Quadrangle ASAP.At first I hesitated, pero feel ko kailangan ko talagang pumunta kung asan si Cci ngayon. So ang ginawa ko, naglakad na ako patungo sa Marian Quadrangle. Nag o-overthink na nga ako sa maaaring mangyari pag nakarating na ako doon. But I erased all of them and calmed myself.
Nang tuluyan na akong nakaratin, nakita ko si Ricci na naka upo sa bench na usual naming inuupuan and again, facing his back on me.
"Cci.." I called softly. He turned around facing me, with a very strong face. Something's not right. Oo naman! Kita mo na nga sa mukha nang tao no, wag tanga Ina. Yan sabi ng isip ko.
"Ano to?" Pinakita niya yung phone niyang naka log in sa Twitter. It was a picture of me and Azrael walking together sa hallway. It was from earlier, nung kinukulit niya ako.
"It's nothing, really. Nangungulit lang siya sa 'kin, I tried not to pero-"
"Pero you didn't do it well! Ina diba sinabi ko naman sa'yo na huwag mo siyang kausapin diba? Pero di mo nanaman ako pinakinggan! Ano ba naman ito!" Kumunot yung noo ko nung sinabi niya yun.
Why is he really mad at me, na wala naman akong ginawa masama?
"Teka nga, bakit mo ba akong sinisigawan ha? Wala akong ginawang masama Cci-"
"Stop calling me that stupid nickname right now Ina! It's distracting me." Matigas parin yung kanyang tono nung pinagsalitaan niya ako nun.
"Bakit mo nga ba akong sinigawan ha!? Sinabi ko naman sa'yo diba na huwag kang maniwala agad sa mga nakikita mo diyan Ricci! Tell me why!" I spat back, and wished I'd never questioned him why.
"It's because I'm falling in love with you Ina! And I can't tell you why because I'm just your best friend! Ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil nito pero ayaw ko ring makita kang masaya sa piling ng iba! That is why Ina, that is why!" And with that, umalis siya sa aking harapan.
Tama nga yung nabasa ko sa isang libro noon, don't ask questions if you don't want to hear the answers.
---
wieee naka update narin. sooo watchutink? don't forget to vote po and leave a comment for anything :)) thankyou so muchhh💚
YOU ARE READING
The Playlist // Ricci Rivero Fanfiction (On-Hold)
FanfictionCzarina Kayelle Montalbo, a student from DLSU-D. Has very nice grades and the typical girl that boys would love to have. Bukod sa siya'y maganda at matalino, mabait pa. Isa pa, siya'y kapatid ng isang Green Archer na si Kib Montalbo. Ricci Paolo Ri...