Pagkatapos kong mabasa yung notifications sa Twitter, dali dali akong tumakbo and looked for Ricci, ang problema nga lang is saan ko siya hahanapin? Kay laki laki ng campus nato tapos first day ko pa! What a nice situation to begin my first day!
Nagpunta ako sa mga lugar na mga napuntahan namin ni Ccing before ako nag-aaral dito. Sa SJ Walk, Henry Sy Building, Covered Court, Marian Quadrangle and sa Razon. Pinuntahan ko lahat yan pero hindi ko parin siya nahanap.
Patuloy akong naglakad under the heating sun when I bumped into someone. It's Brent, thank the heavens!
"Sorry- Ina? Oh ba't parang may problema ka?" He asked, talagang may problema ako. Tumingala muna ako kay Brent bago sumagot.
"Um, kasi kanina nakasalubong namin ni Ricci yung Azrael. Tapos, nagpakilala siya then nag pakilala naman din ako. Hindi ko alam-"
"Ano? Azrael Monteverde?" Tumango tango ako and he said na magptuloy sa sinasabi ko. Eh siya naman kasi, ang oa maka react. Hahaha, just kidding.
"Oh, so yun nga. Medyo nagka-initan silang dalawa sa locker area kanina and ngayon di ko na mahanap si Ccing. That's why andito ako in the first place." Natapos ko yung pag e-explain ng mga ganap kanina. "Would you care to inform me na anong ganap sa kanila Brent?" Dagdag ko pa.
"I don't think I'm the one to tell you that Ina. It should be Ricci, he's in the Quadrangle. Dun siya palaging tumatambay." I gave him a puzzled look. Pumunta ako dun kanina ah? Ba't di ko siya nakita? Baka he's hiding from me? Hindi naman siguro, napaka immature nun.
"Sige Brent. Thank you ah, I owe you."
"Sus wala yun. Go find tuo amore." Napailing nalang ako sa kanyang sinabi.
I ran the distance of the SJ Walk papuntang Marian Quadrangle. Di ko na inalala na baka magka asthma attack ako dahil sa pagtakbo and sa pabalik-balik. Ang importante ay makita ko si Ccing. Gladly, I found him sitting one of the benches with his back turned against me.
"Ccing.." Pagkasabi ko nun, he immediately turned his head. Nung nakita niya ako, bigla siyang napatayo and gave me an alarmed look.
"Ba't ganyan mukha mo!? What happened?" Ah ikaw pa yung may ganang magtanong ng ganyan? Pero I said that in my head. Sinabi ko sa kanya ba't di ako makahinga ng maayos.
"Shit. I'm sorry."
"Di, okay na ako. Can you just tell me bakit ganun ka nag react ng ganun when Azrael introduced himself to me?"
Pagkasabi ko nun, his expression quickly switched from soft to hard. Ganon ba talaga kalaki kasalanan ni Azrael na hindi mabitiwan ni Ricci? Kasi kung ganon talaga, I need to stay out of this.
"You really want me to say it to you? Yung problema I mean?" I just nodded and ushered him to continue saying what he's meant to say. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Back in High School, matalik na magkaibigan kaming dalawa ni Azrael. Morning classes magkatabi kami, sa lunch palagi kaming magkasama and every other time of the day. Classmates kasi kami since 1st year.
Isang araw in 4th year, may nakilala akong babae. She's pretty and the type of girl I like, her name is Angela. Gusto ko siya sobra kaya I decided to court her for months. Pumayag naman siya, hanggang isang araw nung nasa hallway ako bigla nalang niya akong sinampal.
She explained it to me kung bakit niya ginawa yun. Nasabi kasi raw ni Azrael na nililigawan ko siya nang dahil sa isang pustahan, pero hindi yun totoo. Hinding hindi ko yun magagawa and alam niya yun.
Pero still, hindi niya ako pinaniwalaan and stuck with what she heard in the first place. Tinigil ko nalang ang panliligaw sa kanya. Tapos with Azrael, hinarap ko siya at sinabi kung ba't niya ako siniraan ng ganun. Sabi niya, inaamin niyang kasalanan niya yun.
Nasabi niya raw yun dahil mahal niya si Angela. He expected me to forgive him pero hindi ko yun ginawa. Masakit sa aking parte yun, hindi lang dahil nawala yung babaeng mahal ko, nawala pa yung ang matalik na kaibigan ko. Pero wala na yun, I have you now."
I feel guilty. Naguilty ako dahil nagpadalos dalos ako sa aking mga action nang hindi nalalaman ang ibang mga nagaganap.
Tumango ako after ma proseso yung kanyang mga sinabi. Oo, I'm very thankful to have him too. I'm thankful to have a best friend like Ricci Rivero. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, naramdaman kong muntik na siyang naiyak and immediately, I comforted him.
"Thank you." He said out of nowhere as we broke the hug.
"For what?"
"For being you. For being my best friend. For being there at my side. For everything, and please promise me na hinding hindi ka aalis sa aking tabi. Okay?"
"Okay!"
"Nuòyán?" (Promise? in Chinese)
"Nuòyán!" I said happily and held up my pinky. Sinungkit niya yun gamit ang kanya at tumambay lamang kami sa Quadrangle for a short period of time. Orientation lamang kasi ngayong araw na 'to.
YOU ARE READING
The Playlist // Ricci Rivero Fanfiction (On-Hold)
FanficCzarina Kayelle Montalbo, a student from DLSU-D. Has very nice grades and the typical girl that boys would love to have. Bukod sa siya'y maganda at matalino, mabait pa. Isa pa, siya'y kapatid ng isang Green Archer na si Kib Montalbo. Ricci Paolo Ri...