I want you to answer this questions guys :))
Sino ang inaasahan niyong makatuluyan ni Cris? Bakit?
Happy Ending or Sad ending?
Kamsa! Chapter 18 coming uuuuup! ;)) And nga pala, dadagdagan ko ng isa o dalawang chappie to para mas masaya xD Haha, para mas maintindihan ang ENDING.
~
Cris' POV
Naglalakad ako ngayon pauwi. Sobrang gulo ng isip ko. Gulat pa din ako hanggang ngayon sa mga pangyayari na naganap kanina. Feeling ko, mababaliw na ako.
Malayo na ang nalakad ko, pero wala pa sa kalahati ang nararating ko. Tss. Ayoko naman sumakay sa jeep o taxi dahil wala pa ako sa sarili ko, baka kung saan pa ako dalhin.
Hindi ba dapat expect ko na yun? Kasi di ba yun din naman ang hahantungan ng lahat ng to? Yung aalis siya.
Shet naman. Alam niyo yung inexpect mo na masasaktan ka pero mas masakit siya kesa sa inexpect mo? Masakit lang talaga.
Habang naglalakad ako, naalala ko yung mga bagay na ginawa namin magkasama.
Kahit isang linggo ko lang siya nakasama, mukhang di ako masasanay ng wala siya.
Naalala ko nung una ko siyang nakita. Yung magkayap kami. Hahahaha. Hindi ko maiwasang matawa pag naaalala ko yun.
Naaalala ko din yung tatlong rules na binigay ko sa kanya.
1)Don't go out the apartment without permission.
2)Help me to do household chores.
3)Never forget about me.
Natuwa ako kasi pinirmahan pa niya. Pero, hindi kaya niya ako makakalimutan? Sana nga, sana.
Pero kanina, nagtataka ako kasi bakit may media? Maingat naman ako sa pagtago ko kay Kai, hindi kaya may nagreport sa Sment? Kung may nagreport, sino?
Sa kakaisip ko kung ano ang mga sagot sa tanong ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa apartment ko.
Naalala ko noon, nung may sakit ako. Ibinababa ako ni Kai jan mismo sa harap ng pintuan at dun niya sinabi na siya masaya siya dahil siya lang daw ang tumatawag sa akin ng Ein.
Hayyy.. Ayokong umiyak.
Binuksan ko na yung pinto at bumungad naman sa akin yung sofa. Yung lagi niyang tinutulugan. Hindi ko maisip na napagtiisan niyang matulog jan. Hahaha.
Umupo ako dun sa sofa at pumikit.
Inaalala ko kung kelan siya huling umupo dito sa sofa. Naalala ko na, huli siyang umupo dito nung hinihintay niya akong lumabas sa kwarto ko.
Tumayo na ako dun sa sofa bago pa tumulo ang luha ko. Halos kanina pa ako iyak ng iyak di ko na kaya kung iiyak pa ako.
Pumunta naman ako sa kusina, naaalala ko yung huling hapunan naming magkasama. Yung nagmamaang-maangan siya tungkol sa sinasabi ko.
Pumunta ako dun sa ref at kumuha ng tubig. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.
Nung paupo na ako dun sa dining table, may napansin akong sobre na may nakasulat dito na Read me at may smiley face.
Biglang bumois ang takbo ng puso ko. Hindi ko alam kung anong dahilan, kaba? saya? takot? Hindi ko alam.
Nung kinuha ko yung sobre nakita ko na ang laman nito ay pera at isang sulat. Bakit may pera? Kay Kuya ba to galing? Ano to? Kanino to galing? Para saan to?
Tinuon ko na lang ang attensiyon ko sa sulat na hawak ko ngayon.
Nagulat ako nung buksan ko yun. Kasi naka-hangul siya, ibigsabihin hindi siya galing kay Kuya. Isa lang ang pumapasok sa isip ko na may bigay nito, si Kai.
Sinimulan ko na siyang basahin.
Hello. How are you, Ms. Li? Or should I call you, Ein? I hope everything is going well for you. I'm sure you're thinking that I like you. Well, guess what? Everything that happened the whole week we were together was just a big show. Surprised? Yeah, you should be. I probably deserve an award as best actor. And by the way, about you're rule number 3. I wont have any trouble forgetting about you, because you never know, maybe later you're just a stranger to me. Take the money, that's my payment for living in your low class apartment. And just to inform you, I'm not the kind of person who takes relationships seriously. Everything was a game. Fall for me? Well unlucky for you. I'm Kim Jong In, don't you know?
Yun yung nakasulat at may pirma pa ito sa baba niya. Pirma ni, ni---, K--- Ka---, pirma ni Kai.
"Hindi, hindi siya nagsulat nito."pilit kong kumbinsi sa sarili ko. Hindi ko na mapigilan ang iyak ko.
Hindi niya magagawa to sa akin? Sabi niya mahal niya ako. Sabi niya ako ang prinsesa niya. Sabi niya ako ang hiling niya. Pero, andito na ang lahat ng ebidensiya.
Palabas lang ang lahat? Ang tanga ko! Ang tanga tanga tanga ko! Minahal ko siya, bakit? Bakit ganito?
Nakita ko sa may loob din ng sobre ang isang punit-punit na papel. Inilabas ko ito at nalaman kong iyon ang rules na ginawa ko, yung pinirmahan ni Kai. Mas lalong umagos ang luha ko. Binitawan ko agad yung sobre at nagkalat ang mga pera sa sahig. Bakit Kai? Bakit?!
"Bakit mo ginagawa sa akin to k...k... Kai?!"hagulgol ko. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak. Pero ano to? Ano to?!
Ng patayo na ako, natabig ko yung baso ko napinag iinuman ko kanina. Nabasag ito.
Pinupulot ko ang mga bubog habang umiiyak ako.
"Ang tanga ko talaga! Ang malas ko, ang tanga ko!"sabi ko habang umiiyak.
"Aaaah!"ang tanga ko talaga.
Tinitigan ko ngayon ang kamay kong may malaking hiwa at ang dugo kong patuloy na umaagos.
Umupo na lang ako sa sahig. Ang hiwa sa kamay ko, walang pang katiting ng hiwa at sakit na iniwan ni Kai sa puso ko. WALA.
=
~School~
Pagdating ko sa school, mainit na usapan si Kai.
"Grabe! Dito pala siya napunta?"
"Bat di man lang natin nalaman?"
"Oo nga, Para nakita sana natin si Kai."
"Saan kaya siya tumira?"
At madami pang iba. Mabuti na at di nila ako binalita, dahil hindi ko matatanggap na mapahiya ako dahil kay Kai.
Ang buhay ko, bumalik lahat sa dati. Hindi na ako yung palaban. Hindi na ako yung maingay. Hindi na ako si Ein, nagbabalik na si Cris.
Naglalakad ako nagyon sa corridor pa punta sa department namin. Naaalala ko yung sinundo ako ni Kai. Shet naman! Ayoko na siyang alalahanin! Kung kaya niya akong kalimutan, kaya ko din! Anong akala niya sa akin?
Kainis! Nagsisimula na naman akong maging emosyonal. Nagsisimula na naman akong umiyak.
"Uy, Cris sandali!"Narinig ko mula sa likod ko. Kilala ko ang boses na yun. Si Renz.
~
VOTE kayooo ha? :)) Comment whut you feel haha. Thanks for supporting my storyyyy! Sorry sa wrong typos.
DyoSsa<3
~DOntGoSummer~
BINABASA MO ANG
The Wish • exo kai
FanfictionThis is my story. Wag kayong magtaka kung boring siya, kasi that word exactly describes my life. But my life started to have color and became happier when I began to enter a fandom. Everything was perfect but I realised that I'm just a fan and he's...