TW (FanFic) 20

181 16 7
                                    

I hope my nagbabasa pa nitoooo xD Haha. Sorry sa laaaate update, kasi busy sa school. Hehe, Vote vote vote.<3

~

Cris' POV

*BOOOOGSH!!!

=

Ang sakit ng ulo ko at di ko magalaw ang mga kamay ko. Binuksan ko ang mata ko. Pag mulat ko, para akong nasa budega. Ginalaw ko ang kamay ko pero nasa likod ko ito at nakatali. May takip din ang bibig ko.

Asan ba ako? Bat ba ako nandito? Ang naaalala ko lang, pag kalingon ko may sumuntok sa akin at nawalan na ako ng malay.

Pinilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko. Kailangan kong makatakas dito.

Biglang bumukas ang pinto sa harap ko,kaya tinigil ko muna ang pag tanggal ko ng tali sa kamay ko.

May pumasok na isang babae, isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa pa... TEKA?! Ang dami nilang pumasok. Naka maskara silang lahat at may hawak na... pamalo?

Nagsisigaw ako pero walang lumalabas sa labi ko dahil nakatakip nga ang bibig ko.

Lumapit ang isang babae sa akin. Yung unang pumasok kanina.

"Ano?"Tanong niya at lumapit pa siya sa bibig ko na parang papakinggan ang sasabihin ko.

"Hindi kasi kita maintindihan eh."sabi niya habang iniikutan ang upuan ko.

"CRIS."sabi niya at sinabunutan ako.

Gusto kong lumaban kaso nakatali ang kamay at paa ako. Iniinda ko na lang ang sakit.

"Tanggalin mo ang takip niya sa bibig, ng marinig naman natin ang boses niya."utos niya sa isang babae at tinanggal ang pagkakasabunot sa buhok ko.

Tinanggal naman nung isang babae ang takip sa bibig ko.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" Sigaw ko. Yun na ang una kong sinabi, baka sakaling may makarinig sa akin.

"Walang makakarinig sayo dito. Tanga ba kami para ikulong ka sa isang lugar na madaming tao?" sabi nung babae na sumabunot sa akin.

"OO! Tanga kayo! Sa lahat ng kikidnapin niyo ako pa?! Wala kayong mapapala sa a---"

*PAAAAAAK!

Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay sinamapal na ako nung babae. Sa sobrang lakas ng sampal niya sa akin muntik na akong matumba. Feeling ko sobrang pula ng pisngi ko.

"Una sa lahat, ikaw ang tanga dahil itinago mo si Kai, at pangalawa gusto ko lang malaman na ngayon na ang katapusan mo."sabi niya. Sumenyas naman siya sa dalawang babae sa likod niya.

Ha? Ano? Anong ibigsabihin nito? Sabi ko na eh, simula pa lang alam ko na. Alam ko nang simula ng dumating sa buhay ko si Kai, gulo na ang idudulot niya sa akin.

Ngayon, imbis na matakot ako na pinagbabantaan na nila ang buhay ko, nagagalit ako. Kumukulo ang dugo sa galit kay Kai. Lagi na lang akong nasasaktan dahil sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi niyo?! Sino si Kai?" sabi ko sa kanila. Wala akong kilalang Kai.

Tinanggal nung dalawang babae ang tali ko at pinatayo ako.

"Sinungaling!"sabi nung babae at sinuntok ako sa sikmura.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sakit. Kahit babae siya, ang sakit pa rin ng suntok niya.

"YOU-ARE-A-FVCKING-LIAR!" sabi nung babae at hinila ang buhok.

"YOU-ARE-FLIRT"sabi niya at sinampal ang kanan kong pisngi. Sa sobrang lakas nito ay tumilapon ako sa sahig.

Nauntog ako sa sahig. Hinawakan ko ang ulo ko at duon nakitang may dugo, duon na din ako nagsimulang umiyak. Bakit? Bakit sa akin pa?

"Hindi pa tayo nagsisimula tumba ka na agad?!"sabi nung babae at umupo pa sa tabi ko. Gusto ko siyang suntukin kaso wala akong lakas.

Hinila niya ang buhok ko at pinilit akong itayo. Sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko na kaya.

Sinandal niya ako sa isang pader. At bigla niyang sinampal ang kaliwa kong pisngi.

"Ayan! Pantay na ang blush on mo? Masaya diba?! DIBA?!" sabi niya.

"Para mas masaya, tanggapin mo pa to! Dahil sa pagpapahiya mo sa akin sa campus at pag tago mo kay Kai!"sabi niya at sinuntok ang sikmura ko. Napaupo naman ako dahil sa sakit.

Teka, ano? Si Natahalie ba to?

Tinayo niya ako at sinadal uli sa pader.

"Na-Nathalie?" sabi ko ng medyo ngumingiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Sinakal niya ako. Hindi ako makahinga. Tuloy-tuloy ang luha ko sa pag agos.

"May sinasabi ka Cris?" sabi niya at mas diniinan ang pagkakasakal sa akin.

Feeling ko mamatay na ako ilang sandali. Hinahabol ko ang hininga ko.

"Kayo na ang bahala sa kanya."sabi niya at tinanggal ang pagkakasakal sa akin. Tumumba ako at hinahabol ko ang paghinga ko.

Hindi ko na kaya, tama na.

Pinipilit kong tumayo.

Papalakad na sana ako dun sa punto ng biglang may pumalo sa likod ko, at natumba na naman ako.

Pag katumba ko, puro palo, sipa, suntok, tadyak ang natanggap ko. Hindi ko na kayang lumaban dahil sa andami nila at wala na akong lakas. Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak.

"Umalis na tayong lahat! May nakaalam sa ginagawa natin!" narinig ko. Hindi ko alam kung sino dahil hindi ko maimulat ang mata ko. Duon lang din tumigil ang pagpalo at pagsipa nila sa akin.

Wala na akong ibang narinig kundi mga yapak nilang mabibigat at nagsisitakbuhan. Naiwan ako doon.

Pinilt kong tumayo, ng makatayo ako ay pinilit kong makarating sa pintuang pinaglabasan nila. Kailangan kong humingi ng tulong, pag bukas ko ng pintuan ay may biglang bumato ng bote sa ulo ko at natumba na ako.

Ngayon, sigurado na akong mawalan ako ng malay.

Pero bago iyon may narinig akong boses.

"Cris! Cristof! Ein! Shit, No!"

~

Naka-update na sa wakas! *insert fireworks* xD Ayokong mangyari yan kay Cris kaso kailangan xD VOTE kayo haaaaa? Comment din haaaa? xD Lab youuu all!

DyoSsa<3

~DOntGoSummer~

The Wish • exo kaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon