So un na nga. Every week lng ako mag uUD kasi nga, priority ko ang studies hehe. XD Pero pag konti lng homework at di ako pagod, try ko mag-ud. Okay ba un? :)) Keep supporting!
~
Cris' POV
Ang sakit ng ulo ko. Puro puti ang nakikita ko. Tapos masilaw pa. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?
Nang naidilat ko na ng tuluyan ang mata ko, dun ko lang nahalata na nasa ospital ako. Mukha siyang private kasi sobrang lawak, may T.V, may aircon at napakadaming pagkain.
Sino naman kaya ang mayaman na tao nagdala sa akin dito?
Kainis naman. Wala akong pambayad sa private hospital eh.
Pinilit kong umupo kahit masakit ang buong katawan ko. Tinignan ko ang sarili ko. May benda yung ulo. Yung left na hita at braso ko din. May mga gasgas at pasa ako. May sugat ako sa right side ng labi ko.
Kainis talaga! Si Kai ang may kasalanan nito! Lahat ng 'to!
Biglang may pumasok. Di ko masyadong maaninag ang mukha niya, wala yung salamin ko. Naiwan siguro dun sa budega.
Matangkad siya. Lalaki at nakasalamin. Sabi na eh, siya lagi ang nandyan para sa akin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Renz.
"Uy, bat nakakunot yang noo mo?" tanong niya. Umupo siya sa gilid ng kama.
"Di ko kaya maaninag yang mukha mo. Wala kaya akong salamin." sabi ko sa kanya sabay turo sa mata kong walang suot na salamin.
"Malay ko ba, akala ko nagtataka kung bakit hindi si Kai sumagip sayo." sabi niya. Nagulat ako, hindi ko ine-expect na iniisip yan ni Renz. Hindi sa isang tulad niya.
"Kai? Siya nga nagpunta sa akin sa sitwasyong 'to eh, sa tingin mo mag aabala pa siya sa pagsagip o pag isip kung okay ako? Siguradong hindi." sabi ko kay Renz na may halong galit.
Hindi na nag abala si Renz na makipagtalo sa akin. Alam naman niyang ayokong napag uusapan si Kai. Alam naman niyang ako ang mananalo sa pagtatalo namin.
Mga ilang oras din na di kami nag-usap ni Renz lalo na at binuksan niya ang T.V. Duon na nakatuon ang attensyon namin.
Dahil nga sa kagabi pa ko di kumakain, kinuha ko na yung mga prutas sa tabi ko at simulan itong kainin. Habang iyong si Renz di magkaundagaga sa paglipat ng mga chanel.
"Wala ka na bang ibang gagawin kundi pindut-pindotin yang remote? Nakakahilo kaya!" sabi ko kay Renz habang pinipilit kong agawin sa kanya yung remote.
"Teka lang! May hinahanap akong cha-- Ayun sa wakas!" Pfft. Myx lang pala hinahanap nito. Di na lang tinanong sa akin, tutal alam ko naman.
"Adik." sabi ko sa kanya.
May MV ailang pinatugtog, slow song na kanta ni Taylor Swift. Di ko alam Title. Di ako Swiftie eh.
"Anong balak mo dun sa mga nambugbog sayo?" pambubukas na topic ni Renz.
BINABASA MO ANG
The Wish • exo kai
FanfictionThis is my story. Wag kayong magtaka kung boring siya, kasi that word exactly describes my life. But my life started to have color and became happier when I began to enter a fandom. Everything was perfect but I realised that I'm just a fan and he's...