"Ma, may nag-offer sakin na mangibang bansa." Sabi ko kaagad sa aking nanay pagkauwing pagkauwi ko."Ano?!" Sabay na sabi ni Nanay at Trixie.
"May nag-offer sakin na mangibang bansa." Pag-uulit ko.
"Omy gassshhh, ateee!!! Yayaman na tayoooo!!!" Masayang ani Trixie.
"Manahimik ka nga jan, Trixie! E magkano naman ang bayad?"
"50,000. Lahat lahat na nun ng papeles ko, siya na ang gagawa."
"50,000?! Saan naman tayo makakakuha nang ganong halaga?!" Gulat na sabi ni nanay.
"Ate, pag nagibang bansa ka na, bili mo ko madaming sandals and dress and make-up--"
Pak!
"Arayyyy!!! Bakit mo ko sinapok nanay!!! My hair... Huhu. My haiiiirrr!!! Yung brain cells ko!!!" Umiiyak na pumuntang kwarto si Trixie. Pabebeng bata.
"Bayaan mo na siya, anak. Yuri, saan tayo makakakuha ng ganoong halaga? Tsaka mapagkakatiwalaan ba yang recruiter mo?" Nag-aalalang tanong ni nanay.
"Oo naman, nay! Mukha naman siyang mabait na tao." Pangungumbinsi ko.
"Aba'y hindi mo mahuhulaan ang ugali ng tao base lamang sa itsura nila. Baka manloloko yan. Napakalaking halaga ng hinihingi niya! Ni isang libo ay di ako nakahawak niyon."
"Nanay, hindi. Mabait na tao yun. Binigay nga niya yung pangalan at number niya eh. Eto oh! Kaya nay, wag ka na mag-alala ha? Akong bahala dito!" Pangungumbinsi ko ulit.
"Osiya! Ikaw ang bahala! Saan ka naman kukuha ng 50,000?"
"Doon po sa Doña jan. Mangungutang muna ako."
"Anak, alam mo ang ugali nila! Matapobre! Mapang-liit! Huwag doon! Huwag ka nalang umalis, anak!"
"Nay, pumayag ka na kanina. Yun yung susundin ko. Mangungutang ako jan. Kakapalan ko mukha ko." Dali-dali ay pumunta agad ako sa kwarto at naglock ng pinto.
Humiga ako at tumitig ako sa kisame. Habang nakatingin ako sa kisame ay iniisip ko ang mangyayari kung sakaling makapag-trabaho ako sa ibang bansa. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog...
Zzzzzzzz....
*Kriiiiiing!**Kriiiingg!*
Goodmorning!
Pagkagising ko ay binilisan ko ang paglilinis ng aking katawan at maagang umalis para puntahan ang Doña na maaari kong utangan.
Welcome to Terviana Mansion
Yan agad ang bumungad saakin sa labas ng gate.
"Hello. Pwede po ba akong pumasok?" Tanong ko sa guards.
"May appointment po ba kayo kay Mrs. Terviana?" Tanong ng guards. Nakakatakot boses nila.
"No. Gusto ko lamang siyang makausap kuya. Please?" Pagmamakaawa ko sa guard. Sana umipekto!
"Sorry, but we can't let you in." Sabi ng guards. Argh.
"Please kuya! Papasukin niyo na ako! Gusto ko lang siya makausap!" Pagmamakaawa ko pa.
"What is this noise all about?!" Iritang tanong ni Mrs. Terviana.
May binulong ang isang guard sakanya.
"Ok. Come in, ija" Sabi ni Mrs. Terviana. Bakit parang ang bait ng boses niya? Nakakatakot tuloy lalo!
Pinapasok nila ako sa gate at...
"Wow!" Di ko na naitago ang pagkamangha dahil sa aking nakikita. Totoo ba ito?!
Pagkapasok na pagkapasok mo palang ay may makikita ka ng isang fountain na kulay puti at sobrang linis nito.
May nakapalibot na mga halaman sa fountain. Purong damo naman ang paligid ng dadaanan.
Pagkapasok ko pa lamang sa loob ay may nakahilerang mga maids na ang suot ay dark blue na may apron na hanggang baywang lamang. Meron ding silang suot sa ulo na kulay puti na kadisenyo ng apron.
"Halika, maupo ka rito, ija."
Nahihiya akong umupo sa harapan ng matanda. Kailangan kong tatagan ang loob ko! Para sa future namin to nila nanay!
May maid na naghain ng juice at cake sa mesa.
Nagpasalamat ang matanda at tumingin sakin.
"Ano ang sadya mo rito, ija?"
Kinakabahan. Yang una kong naramdaman ng tanungin niya sakin. Kinakabahan na nahihiya. Bat ba kase pumunta pa ako rito? Nakakahiya ka Yuri Anee Mariano!
"Ayos ka lamang ba, ija? Ano ang sadya mo dito?"
Bigla ay natauhan ako. Napatitig ako sa mabait na mukha ng matanda.
Nahihiya man ay nilakasan ko ang loob ko at lumuhod sa harap ng matanda.
"A-ako po si Y-Yuri Anee Mariano. N-nakatira po sa kabilang Barangay. A-ako po ay sumadya d-dito para sana mang-hiram ng p-pera sa inyo. Babayaran ko din h-ho iyon nang h-hulug-hulugan." Pagkatapos kong magsalita ay para bang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. Di ako makahinga ng maayos.
Nagulat ang matanda at biglang sumungit ang mukha nito.
"Anong nga ulit ang pangalan mo, ija? Yuri?" Tanong ng matanda sa nakakatakot na boses. Ayoko na. Uwi na po ako.
Tango nalang ang naisagot ko at napatitig sa sahig dahil sa kaba at kahihiyan. Hinog na kamatis na ang kulay ng mukha ko siguro nito.
"Ilang taon ka na, Yuri?"
"17 po."
"Labing-pitong gulang?! Paano kung hindi mo mabayaran ang inutang mo sakin?! Ipapakulong kita? Di maaari sapagkat ika'y isang menor de edad pa lamang! At anong gagawin mo kapag hindi mo mabayaran ang utang mo?! Lalayasan mo ko?!" Galit na aning matanda at napatayo siya.
"H-hindi ho! Hindi ho ako ganon! Magsisilbi ako dito ng libre sa buong panahon na aking kailangan! Hanggang sa mabuo ko ang aking utang sa iyo!" Sabi ko sa matanda.
Napatigil ang matanda at napangiti.
"Sige. Iyan ang ating usapan. Manang! Ibigay sakin ang kontrata! Kapag hindi mo nabayaran ang utang mo ay ikaw ang magiging Personal Assistant ng aking anak." Nakangiting sabi ng matanda saakin. Lalo lamang akong natatakot sa tuwing ngumingiti ang matanda sakin. Para bang may gagawin siya di kaaya-aya.
Inabot ng isang maid ang papeles at pumirma ang matanda sa isang papel.
"Pirmahan mo ang kontrata na ito na nagpapatunay na ikaw ay sang-ayon sa usapang ito. Hindi mo ako matatakasan kung sakali dahil sa marami akong pwedeng i-hire na pulis para mahuli ka."
Kinakabahan man ay tumango nalang ako at binasa ang nasa kontrata.
"Ano po?! Personal Maid ng anak niyo?" Gulat na tanong ko.
"May angal ka, ija? Kung ayaw mo ay kailangan mong magbayad."
"H-hindi po! Nagulat lang po..." Pipirma? Hindi? Pipirma? Hindi? Hindi nalang! Oo! Dapat hindi! Babayaran ko ito! Ayokong mag-alaga ng bata! Di ako marunong!
Yuri Anee Mariano- Signed.