"Hoy lalake! Sinong namangga sa'tin dalawa?! Sinong hindi titingin-tingin sa daan?! HA?!" sigaw ko dun sa lalake. Badtrip 'tong lalaking to ah?
"Urrrgh. Sh*t! Sino sa tingin mo ang kinakausap mo?!" Sigaw din ng lalaki sakin.
"Aba, aba, aba. Ikaw 'tong namangga tapos ako sisisihin mo?! Kung sipain kaya kita ng ikaw sisihin ko kung bakit kita sinipa?!" Nanggigigil na sagot ko don sa lalaki.
"Argh!" Sabunot niya sa buhok niya. "Look, I don't have time to argue with you. Lalo mo lang akong bina-badtrip! Aish!" Sigaw nung lalaki tapos ay umalis na.
"Aba. Sipai--" isisigaw ko sana sa lalaki ng bigla akong hinablot ni Chyra.
"Tama na. Ako naman. Hoy lalaking panget na mukhang matsin! Mukha ka talagang unggoy!!!" Sigaw naman ni Chyra dun sa lalaki.
"Hahaha. Sabi mo tama na? Psh. Tara na nga at makauwi na. Natapunan din ako sa paa. Ang lagkit!" Pagmamadaling sakay namin sa kotse.
Habang nasa kotse ay walang tigil kaming nagtatawanan dahil sa dami ng pinagkwentuhan namin. Minsan nga ay tinitignan ko yung driver kung naiinis na eh. Pero parang hindi naman. Actually, nakikitawa pa nga siya samin eh.
"Naaaaaay! Andito na ako!" Pagpasok ko sa bahay.
"Oh. Kamusta kayo? Nasan si Chyra?" Tanong ni Nanay.
"Ate! Maganda ba dun? Huhu. Mukhang masaya dun eh. Huhu." Natawa nalang ako sa hitsura ng kapatid ko. Mainggit ka lang. Hahaha! Joke!
"Umuwi na po si Chyra, Nay. Oo naman. Masayang masaya nga dun eh. Ang daming pwedeng sakyan. Tapos ang saya-saya pa. Tapos kumain din kami don. Hihi." Masayang sabi ko sakanila.
"Mabuti naman at nag-enjoy ka don, Yuri. Mabuti pa't magpahinga ka na. May trabaho ka pa bukas diba?
"Opo. Sige. Tulog na po ako. Goodnight." Sabay halik ko kay Nanay.
"Ate! Ate! Sa susunod, libre mo ko dun sa pinuntahan m-- ARAY KO NAAAY!" sigaw ni Trixie dahil hinila ni Nanay ang buhok ni Trixie papunta sakanya
"Ang sabi ko, matulog na. May pasok ka pa bukas diba?"
Natatawa akong iniwan sila sa sala habang ako ay papunta ng kwarto ko.
Kinabukasan
*Kriingg**kriinggg!!!*
Goodmorning!
"Ahhh!!!" Pag hikab ko at nag-unat unat.
"GOODMORNING!"
"AY KABAYONG BAKLA!" sigaw ko dahil sa gulat.
"What? Kabayong bakla? Haha! Ngayon lang ako nakarinig non. Tsaka di ako kabayong bakla. Kabayong dalaga no to!" Sabi ni Chyra na habang tumatawa.
"Nanggugulat ka kasi ang aga aga. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang tumatawa?
"Hmmm.... Wala lang. Tatambay lang ako dito. Nakakaburyong sa bahay eh. Ako lang mag-isa. Magshopping tayo?" Excited na tanong ni Chyra sakin.
"Haha. Sige si--" natigilan ako dahil sa cheque na nasa side table ko. Oo nga pala. Tatawagan ko nga pala si Elezie.
"Sorry, Chyra. Di ako makakapunta ngayon. May gagawin pa kasi ako eh..." Malungkot na sabi ko kay Chyra.
"Ganun ba? Tutal, bakasyon naman, tutulungan kita." Masayang sabi parin ni Chyra.
"Ano kase..." Nahihiyang sabi ko.
"Sige na! Sasama ako sa ayaw at gusto mo! Tapos pagkatapos niyan, magsa-shopping tayo hmm? Okey na! Let's go!" Sabay hila sakin ni Chyra.
"Uy sandali! Maliligo lang ako!"
"Eto na ba yon, Yuri?" Tanong sakin ni Chyra. Naikwento ko kase sakanya na nagtatrabaho ako sa isang karenderya. Pero hindi ang karenderyang ito ang pinagtatrabahuhan ko.
>>>Flashback<<<
Pagkatapos kong maligo ay pumunta muna ako sa kama ko. Habang tinitignan ang cheque na galing sa kapal ng mukha ko. "Makikipag-meet ba ako ngayon? Wag nalang kaya? Paano kung tama si Nanay? Na Manloloko siya?" May pag-aalinlagan kong sabi sa sarili.
Pero sa huli, ay kinuha ko pa rin ang cheque at buo na ang desisyon kong mangibang bansa.
>>> End of Flashback <<<
"Uhh. Hindi eto yun. Actually, may kakausapin ako dito." Sabay pasok namin sa karenderya.
"Yuri Anee?" Tanong ng babae.
Nilingon ko ang babae." Ma'am Elezie! Tatawagan ko palang naman kayo. Siya nga po pala si Chyra. Kaibigan ko." Pakilala ko kay Chyra kay Elezie.
"Hello po." Nahihiyang bati ni Chyra.
"Hello din, ija. O ano? Payag ka na ba sa offer ko sayo, ija?"
"Opo. Eto na nga po yung cheque na saktong halaga ng hinihingi niyo." Kinuha ko sa bulsa yung cheque ngunit pinigilan ako ni Chyra.
"Yuri! Alam mo ba pinaggagagawa mo?! Bakit ka nagbibigay ng pera?!" Tinignan ni Chyra yung cheque. "50,000?! Baliw ka na Yuri Anee Mariano?! Bat ka magbibigay ng ganyang kalaking halaga ng pera?!" Galit na bulong ni Chyra sakin.
"Chyra, eto na yun. Eto na yung chance para maka-ahon na kami sa hirap. Tsaka tignan mo si Ma'am Elezie! Mabait siya! Di niya ako lolokohin." Paliwanag ko sakanya.
"Ano ka ba?! Hibang ka na ba?! Wag kang magpapaloko sakanya, Yuri. Wag!" Pagpigil sakin ni Chyra.
"Ehem. Ija, Yuri. Ano nang desisyon mo? Ibibigay mo ba sakin yung cheque?" Pagmamadaling sabi ni Elezie.
"Wag mong ibibigay yan, Yuri. Maniwala ka sakin." Sabi ni Chyra.
Nakatingin lang sakin si Elezie ng may panghihinayang.
Sa huli, ay ibinigay ko kay Elezie ang pera at siya na daw ang bahala sa papeles ko papuntang ibang bansa.
Nakauwi na kami ng bahay at dumeretso kami sa kwarto ko. "Yuri! Bat mo binigay sakanya!? Paano kung niloloko ka lang niya?! Paano na niyan?! Paano mo makukuha yung perang ibinigay mo sakanya, Yuri?!" Kanina pa ako sinesermon ni Chyra tungkol sa pera na yon.
"Ano ka ba! Huminahon ka nga! Di masasayang yun! Dahil alam kong mabait si Elezie!" Sagot ko sakanya.
"Mabait?! Dahil lang sa MUKHA siyang mabait, dapat ay wag ka ng mag-alinlangan sa pinapagawa niya?! Oh my god, Yuri! Ano ba yang iniisip mo?! Kahit ako ay kayang kaya kong maging mabait para manloko, Yuri." Sabi sakin ni Chyra
"Oo na! Ako ng mali! Ako na! Kase naman, mahirap lang kami! Kaya kahit anong ipagawa nila sakin, okay lang kasi mahirap kami at kailangan namin ng pera! Di ako katulad mo na mabibili ang gusto mo, Chyra. Pasensya na at makitid ang utak ko sa pag-iintindi sa sinasabi mo kase wala akong pinag-aralan! Pasensya na kase naibigay ko yung perang yon dahil sa desperado na akong makaahon kami sa hirap... Pasensya na kase naging kaibigan mo ang isang tulad ko, Chyra." Di ko na napigilang umiyak dahil sa sobrang frustation na nararamdaman ko. "Alam mo ba Chyra, ayoko na... Tinitiis ko nalang mabuhay para lang may makasama si Trixie at Nanay... Para may makain sila sa araw-araw at wag ng makasama ang walang kwenta kong ama! Kung maaari lang sana... Kung maaari lang sana... Matapos na lahat ng to sa isang iglap... Kaso imposibleng mangyare yun lalo na't mahirap lang kami! Wala kaming kapangyarihan!" Naiiyak na sabi ko kay Chyra.
"Im sorry, Yuri. Im sorry. Im so sorry kung nakadagdag pa ako sa problema mo. Im so sorry." Bigla ay niyakap ako ni Chyra na umiiyak din.
Sana, matapos na lahat ng problemang to sa isang pitik ko lang. Sana... Sana...