Halos dalawang oras kaming nagkwentuhan ng lalaki. Nagkukwento lang siya tungkol sa namatay niyang girlfriend habang ako naman ay kino-comfort siya. Niyayakap ko siya kasi kitang kita ko kung gaano siyang nasasaktan sa nangyayari sakanya. Umiiyak siya habang kayakap ko siya.
Buti nalang at kasabay ko yung lalaki pauwi. Magkatabi lang sila halos ng unit. ANG KASO, DI KO ALAM YUNG PASSWORD NUNG CONDO UNIT NI GIO!!! Tae naman! Kung minamalas ka nga naman. Malas! Malas! Malas!!!
Paulit-ulit kong dino-doorbell yung unit niya pero parang hindi niya pinapansin! Grr baklang Gio!
Inis na inis na ako at napapadyak na talaga ako grr!
"Mukhang di mo alam yung password?" Biglang sulpot nung lalaki kasabay ko.
"Anak ka ng bakla- nagulat naman ako sayo. Wag kang nanggugulat ng ganun. Magugulatin ako." Inis na sabi ko sakanya.
Tumawa niya at nagpigil nalang ng makitang naiinis ako. "Okay, okay. I'm sorry. Ang cute mo kasi pag nagugulat ka." Feeling ko nagblush ako sa sinabi niya.
"Tara muna sa unit ko? Kain ka lang doon saglit. Tutal, kinomfort mo ko kanina. Tsaka mukhang di ka makakapasok oh. Di naman binubuksan ng boyfriend mo yung pinto. Kung okay lang sayo?" Halos nasamid ako ng sabihin niyang boyfriend ko si baklang Gio. Woah.
"Unang una sa lahat, di ko boyfriend si Gio! Pangalawa, di ako nagugutom." Pero pahamak tong tyan ko kasi tanghali na, di pa ako nakakain. Ayon, nag-ingay ang mga bulate. Psh.
"Naririnig ko na yung alaga mo oh? Di boyfriend? Bat kasama mo siya lagi?"
"Kase--"
"Girlfriend ko siya." Biglang sulpot ni baklang Gio. WhUt?
"G-ganun ba? P-pasensya ka na, Gio." At mabilis na naglakad papunta sa unit ng lalaki.
"Pumasok ka na, Yuri." Mahina pero nakakapanindig balahibo niyang sabi. Bat siya galit?
"Bakit mo sinabing girlfriend mo ko?" Medyo mataray kong tanong sakanya.
"Wala kang kilala sa mga tao dito, Yuri." Bored na sabi niya. Umupo siya sa salas at nanood.
"E kaya nga nakikipag-kilala diba? Para makilala yung di ko kilala. Jusko, Gio." Medyo gigil kong sabi.
"Wag mo nang tangkaing makipagkilala sa mga tao dito, Yuri." Medyo gigil na din siya. Aba, sasabayan pa ako!
"Ano naman sayo kung makipagkilala ako?!" Medyo napasigaw ako. Feeling ko kasi binastos niya yung kausap kong lalaki kanina eh!
"Kase babaero siya, womanizer, whore! Ano pang gusto mong malaman?! Kung paano niya kinukuhanan ng pagka-virgin ang babae?! Ha?!" Sumugod siya sakin at ako naman ay parang medyo natakot. Nakakatakot siyang magalit.
"S-sorry, Gio. D-di ko a-alam. So-sorry." Medyo naiiyak kong sabi dahil sa takot.
Medyo nagulat pa siya ng nakita niya yung luhang pumatak sa mata ko. "S-sorry." Sabi niya at umalis. Umiiyak pa din ako dahil sa takot.
Napa-upo ako at pinunasan yung luha ko. Sobrang hina ko naman. Bat ako umiyak sa harap ni Gio dahil lang sa natatakot ako sakanya? Hays.
Nag-luto nalang ako para sa tanghalian namin ni Gio. Naglinis na din ako ng bahay para kahit papaano ay mawala ang stress ko sa katawan.
Medyo napagod ako dahil sa malaki ang unit ni Gio. Napaupo ako sa salas at nagpahinga saglit at pumikit. Pero hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sofa dahil na rin siguro sa pagod.
Pagkagising ko ay nakahiga na ako at may unan. May kumot pang nakalagay. Paanong...
Malamang nakuha ko bago ako makatulog. Pero hindi eh, ang naaalala ko ay nakatulog ako pagkatapos maglinis. Imposibleng si Gio dahil hindi naman siya ganong ka-sweet na tao. Ay hindi ko alam! Basta!
Napatingin ako sa orasan at alas-siyete na pala ng gabi. Kailangan ko na mag-luto.
Nang makapunta ako sa dining area ay may nakahapag ng pagkain. Chicken cordon bleu. Yan sana yung lulutuin ko ngayon eh. Tinikman ko yun at hmm... Masarap. Masarap palang magluto si Gio. Nagluluto pala si Gio?
Para marelax ako ay pumunta akong terrace. Nakita ko Gio pero ng sakto namang napaharap siya. Wala namang expression ang mukha niya.
"Anong ginagawa mo dito, Yuri?" Tanong niya habang nakasandal. Nakakatakot baka mahulog siya!
"W-wala naman. Mag-re-relax sana." Sabi ko. Iniiwasang tignan siya dahil kahit madilim ay nakikita ko yung mukha niya. Ang lakas ng dating niya kahit naka sando lang siya at pajama. Makikita mo yung magandang katawan niya. Hindi siya payat pero hindi din siya ganong ka-macho. Sakto lang kumbaga. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Come. Join me." Sabi niya at humarap ulit sa kawalan. Nakatingin sa Namsan Tower.
Tumabi naman ako sakanya kahit na naninigas ako. Ewan ko ba kung bakit pero kinakabahan ako pag malapit ako sakanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Anong bagay ang talagang pinagsisihan mo?" Tanong niya sakin.
"Hmm... Yung dapat matagal ko ng ginawa pero dahil sa takot, hindi ko agad nagawa." Ang tinutukoy ko dun ay yung pagpapakulong sa tatay kong adik. Kung sanang agad kong pinakulong yun ay hindi kami sobrang maghihirap ng ganito. Na kahit si Trixie ay kailangang magtrabaho para sa kinabukasan niya. Masakit at mahirap. Yan ang bagay na pinagsisihan ko.
"Ikaw ba? Anong bagay ang talagang pinagsisihan mo?" Balik tanong ko sakanya.
"Nagmahal ng sobra." Napatingin naman ako sakanya. Talagang malungkot ang mga mata niya. Deretso lang siyang nakatingin sa Namsan Tower. Nakakaawa siya.
Pareho kaming natahimik saglit. Pareho kaming nakatingin sa malayo. Hindi ko alam pero hindi ako na-a-awkward. Parang kino-comfort namin ang isa't-isa gamit lang yung presensya namin.
Naunang lumabas sa terrace si Gio at naiwan akong mag-isa. Tinitignan ang bituin at buwan. Ang ganda talaga nilang tignan.
Pagkababa ko ay nakita ko yung TV na nakabukas at nanonood ng basketball. Nakahiga naman si Gio.
Nang silipin ko si Gio ay nakatulog na to kaya pinatay ko na yung TV.
Umupo ako sa flooring, katapat ang mukha niyang maamo pag tulog. "Hindi masamang magmahal, Gio. Wag lang sobra. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, malalampasan mo din yan. Nandito ako, bilang kaibigan at hindi bilang maid mo lang. Kakambal talaga ng magmahal ang masaktan. Kaya mo yan, ikaw pa. Tutulungan kitang makabangon hanggang sa kaya mo na ang sarili mo. Maraming nagmamahal sayo at isa na ako doon." Ngumiti ako sakanya at pumunta na ng kwarto ko para matulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/134609465-288-k246643.jpg)