Pagkatapos kong mag-linis ay nagpahinga muna ako sa pwesto ko. Iniisip ko pa rin kung bakit ganun ang reaction niya sa picture na yun? Ang swerte nga niya may pictures siya ng BadGirls eh. Sana sa near future ako din.
Halos buong magdamag nagkulong ng kwarto si Baklang Gio. Ni hindi man ako makarinig ng kahit ano sa kwarto niya. Kahit nung dinner ay hindi niya din ako pinatawag para kumuha akong pagkain niya.
Nang papaalis na ako ay nakasalubong ko si Mrs. Terviana. Napayuko ako.
"Bakit hindi lumabas ng kwarto si Gio, Yuri?" Nag-aalalang tanong niya.
"N-nakita ko po kase yung picture na kasama niya po yung paborito kong banda, yung BadGirls po."
Napa-sigh nalang si Mrs. Terviana at napatingin sa taas. "Hindi pa talaga siya nakaka-recover. Osige, Yuri, pwede ka nang umuwi. Pa-hatid ka nalang sa driver para safe kang umuwi." Binigyan naman ako ng isang matamis na ngiti ni Mrs. Terviana. Pumunta naman siya sa taas para siguro kausapin si Baklang Gio.
"Ma, nandito na ako." Sabi ko at napa-upo ako sa upuan. Napa-'aray' naman ako dahil medyo matigas dahil gawa ito sa kahoy.
"Dahan-dahan kasing umupo. Nandon si Chyra sa kwarto, hinihintay ka."
Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kwarto. "Chyra!" Niyakap ko siya dahil namimiss ko na talga siya.
"Na-miss kita, Yuri! Sobra ka kasing busy eh! Wow, ganda ng suot mo ah? Ang cute-cute mo hahaha." Namamanghang sabi niya.
"I know, right? Hahaha. Pwede ka bang matulog dito? Mag-kwentuhan tayo!" Excited na sabi ko sakanya.
Tinawagan naman niya ang papa niya at pinayagan siya. Napa-yes at tumili kami sa kwarto. Lumabas kami ng patago dahil baka makita kami ni nanay. Mahirap na, baka mapagalitan at hindi na pinayagang matulog dito si Chyra.
Bumili kami ng makakain sa isang convinience store malapit samin. Bumili lang kami ng ilang tsitsirya tsaka inumin like chuckie, dutchmill, tsaka vitamilk. Di naman kami umiinom ng alak no. Hahahaha.
Dahan-dahan din kaming pumasok at buti nalang walang tao sa sala. Malamang, tulog na sila.
Puro kami tawanan ni Chyra dahil sa mga kwento niya tungkol sa buhay niya sa US. Talagang masarap ang buhay niya doon dahil parang wala siyang pinoproblema.
"Ikaw? Magkwehtho kha namhan shakin." Sabi niya habang puno ng tsitsirya ang bibig niya.
"Eto, masaya naman kami ni nanay at Trixie. Kahit papaano ay nakakaraos kami." Natatawa kong sabi kasi kain ng kain si Chyra. Hindi halata sa mukha niya na mahilig siyang kumain.
"E yung sa trabaho mo? Kamusta?" Uminom naman siya ngayon ng vitamilk. Masarap to, actually.
"Ay oo, naalala mo yung nakabangga satin nung bumili tayo ng ice cream nun? Sa star city?"
Parang naiinis siyang tumango habang iniinom ang dutchmill blueberry flavor. May galit pa yata to sakanya eh.
"Amo ko siya." At dahil dun, muntik na niyang maibuga ang iniinom niya. Halatang gulat siya sa sinabi ko. Nakakatawa ang hitsura niya hahahaha.
"Ganyan din yung mukha ko nung malaman kong amo ko siya. Apo siya nung pinag-utangan ko at kailangang pagsilbihan ko siya ng isang buwan ng walang bayad para mabayaran ko yun." Natatawa pa din ako kase gulat na gulat pa din yung hitsura niya.
"Masyado ka bang pinapahirapan nung lalaking yun? Nako, kung malaman ko lang, papakulong ko sila!" Galit na sabi niya. Natawa naman ako.
"Ano ka ba. Hindi no! Mabait sila sakin lalo na yung nanay niya, si Mrs. Terviana." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Basta, kapag pinahirapan ka nila, sabihin mo sakin ha? Nako nako." Naiiling niyang sabi pero iniba ko na ang usapan hanggang sa makatulog kami dahil inaantok na kami.
*Kringgg!**Kringgg!*,
Goodmorning!
Nagising ako pero nakita kong tulog na tulog pa si Chyra with matching tulo laway pa. Pinicturan ko siya gamit ang phone niya at ginawa kong wallpaper niya. Magugulat yun panigurado. Hahahaha.
Bumangon na ako at nagbihis para pumunta sa pinagtatrabahuhan ko. Makikita ko nananaman si Baklang Gio grrr.
Inaya ako ni nanay na mag-umagahan. Lumabas na si Trixie at sumabay na samin. Sabay na kaming lumabas ni Trixie since papasok na siya sa eskwelahan.
"Ms. Yuri, sakay na po kayo. Pinapasundo na po kayo ni Mrs. Terviana." Sabi nung driver nila. Parang hindi naman ako nagtatrabaho sakanila e.
"Ma! No! I will not! Hinding-hindi ko na gugustuhing makita ulit si Ri--" Sigaw ni Gio. Bakit niya sinisigawan si Mrs. Terviana?
"Edi magtino ka dito sa pamamahay ko, Giovanni! Galangin mo ang mga maids natin dito! Lalong lalo na ang personal maid mo!" Galit na sigaw din ni Mrs. Terviana.
"Yun?! Yung walang hiyang nangutang satin tapos hindi babayaran?! Ma, bakit kasi ang lambot ng puso mo?! Isang buwan?! Isang buwan lang siya magtatrabaho?! Aba, wala pa yun sa kalahati! Dapat ay pinakulong mo nalang siya, Ma!"
*Pak!*
"Hindi kita ganyang pinalaki, Giovanni! Simula ng iwan ka nung babaeng yun ay nag-iba na ang ugali mo! Hindi ikaw si Giovanni na pinalaki ko ng maayos! Wala kang karapatan na sabihan ng ganyan si Yuri!" Umiiyak na si Mrs. Terviana.
Narinig ko namang padabog na umakyat si Gio at pabagsak niyang sinara ang pinto.
Pagkatapos ng ilang segundo ay pumasok na ako sa pintuan. Halatang kakagaling lang sa iyak ni Mrs. Terviana. Mugto ang kanyang mata at sumisinghot pa siya.
Hindi ko pinahalata na narinig ko ang usapan nila. Binigyan ko naman ng isang magandang ngiti si Mrs. Terviana kahit na pilit. Nasaktan ako sa sinabi ni Gio.
"Yuri, Ija. Puntahan mo na si Gio dun. Baka gusto na niyang kumain. Magdala ka na ng pagkain niya dun." Nakangiting sabi ni Mrs. Terviana. Halatang pilit. Tinalikuran na niya ako at pumunta siya sa kwarto niya. Hindi ko maiwasang mainis kay Gio dahil sa inasta niya.
Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay umakyat na ako at kinatok ang pinto ng kwarto niya. Humihikbi siya. Umiiyak.
"Umalis ka, Yuri. Di kita kailangan." Sigaw niya.
Ikinabit ko ang tray sa mesa malapit sakin. Bahala na. Lalabagin ko na yung batas na ginawa sakin ni Mrs. Terviana.
Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako ng dahan-dahan. Nakita naman ako ni Gio ng isara ko ang pinto.
"What are you doing here?! I said, get out! GET OUT!" Lumapit sakin si Gio pero hindi niya ako hinahawakan. Sinisigawan niya lang ako.
"Anong karapatan mong pumasok sa kwarto ko?! Isa ka lang manloloko! Pati ng mama ko, lolokohin mo?! Hibang ka na ba?! Alam mo kung anong tawag sayo? MAKAPAL ANG MUKHA! MAKAPAL ANG MUKHA MONG LUMAPIT AT MANGUTANG PERO HINDI MO BABAYARAN! MANLOLOKO!" Sinisigawan lang ako ni Gio. Habang ako naman ay unti-unting naiiyak.
Sana pala, hindi nalang ako pumasok para hindi ako masaktan sa mga sinasabi ni Gio. Sana, hindi nalang ako nagmagandang loob na pagaanin ang loob niya.