(13)

0 0 0
                                    

*Kringggg!!!**Kringggg!!!*

Goodmorning!

     As usual, nagbihis na ako at lumabas para mag-luto ng umagahan namin ni Gio.

    "Ano kayang magandang iluto?" Habang naghahanap ng pagkain sa ref. Buti nakakita ako ng bacon. Ang mamayang pananghalian ang wala kami. Maaya nga mamaya si Gio.

    "Palaka--" Nagulat ako kasi biglang nasa gilid si Gio. Napatalon ako. "Bat kasi nandyan ka?! Nakakagulat ka naman e." Naiinis na sabi sakanya. Ayoko ng ginugulat e.

     Natawa siya ng konti. "Ampangit mo talagang magulat. Mukha kang ewan hahaha." Tapos ay tinalikuran ako at siya naman ang nagbukas ng ref. GigIl mOe Xii aQoUe!!!

     Inirapan ko nalang siya at nagsimula nang magluto para sa kakainin namin.

     Habag kumakain kami ay di ko maiwasang titigan ang mukha ni Gio. Napakakinis ng mukha niya, matangos ang ilong, medyo singkit, pink na lips, tapos nakikita ko yung panga niyang gumagalaw dahil kumakain siya. Yung adams apple niya, gumagalaw din kapag umiinom siya. Sobrang gwapo niya pag ngumingiti siya.

     "Are you done staring? Cause you're making me awkward." Tsaka lang ako bumalik sa realidad ng biglang nagsalita si Gio. Gosh.

     Pagkatapos niyang kumain ay kumain na din ako. Da-dalawa nalang kami dito pero di pa kami sabay kumain ano? Well, baka kasi ma-awkward siya lalo pag sabay kami kumain. Ang gwapo niya talaga.

    

      "Gio, punta tayong Grocery store mamaya. Wala tayong pananghalian." Sabi ko habang naghuhugas.

     "Bakit di nalang ikaw?" Masungit niyang sabi. E kung alam ko lang sana yung daan diba?

     Umirap ako. "Alam ko yung daan?" Sungit ko ding sabi sakanya.

     "GPS." Tipid niyang sabi. Ginigigil talaga ako netong baklang to.

     "Samahan mo nalang kasi ako! Wala ka namang gagawin dito sa bahay." Medyo gigil kong sabi.

     "Woah. Ikaw ba yung amo ko? Bat parang ikaw dapat masunod dito?" Medyo gigil din niyang sabi.

     "Ikaw kasi e. Ayaw mo kong samahan." Mahinahon kong sabi.

     "E ayoko nga. May GPS naman e. Di ka na maliligaw." Pagtatanggi niya

     "Samahan mo na kasi ako. Para di ako sure na maligaw." Pagsusumamo ko.

     "Makulit ka din a. Ayoko nga sabi. Bahala ka na nga dyan." Pagmamatigas niya at pupunta na ng kwarto pero saktong natapos na ako sa hugasin kaya tinanggal ko ang globes ko at hinawakan siya sa braso.

     "Please?" Pagpapa-cute ko sakanya. Sana effective, sana effective!!!

     "Fine." At binawi niya yung braso niya. Napa-yes naman ako.

     Nagbihis na ako at hinintay si Gio. Ilang minuto lang ay lumabas na siya sa kwarto at sabay na kaming pumunta ng grocery store.

     "Anong gusto mong iluto ko, Gio?" Tanong ko kay Gio habang naglalakad kami sa meat section.

     "Kahit ano. Bahala ka. Bilisan mo lang." Masungit niyang sabi. Kumuha naman ako ng manok para magpa-fried chicken nalang ako. Tinatamad na ako magluto hehe.

     Nasa unahan si Gio at nasa likuran naman niya ako. Maghahanap sana ako ng flour kaso ay lalaking lumapit sakin at nginitian ako.

     "Annyeonghaseyo."(Hello.) Medyo nahihiya niyang sabi.

     "Annyeonghaseyo." Sabi ko din. Yun lang alam kong sabihin eh.

     "Jeo-neun dang-shin-eul cham ah-reum-da-eun sa-ram-ih-ra seng-gak-hab-ni-da." (I believe you are very beautiful person to me.) Mahaba niyang sabi pero napatawa nalang ako ng pilit dahil wala akong naiintindihan. Yung tawang natatae ka na pero may kausap ka pa.

     Natawa din siya. Ewan ko kung anong tinatawa niya. "Yuri." Nakita ko si Gio na nakangiti sakin at hinawakan ang kamay ko. "Kaja?" (Let's go?) Nagbigay naman ako ng nagtatakang mukha sakanya. Anu daw?

     "M-mianhaeyo." (Sorry.) Sabi ng lalaki at umalis na. Anong sorry?

     "Uy, anu yun?" Tanong ko kay Gio habang nakatingin siya ng masama sa lalaking papalayo.

     "Wala." Tipid niyang sabi.

     "G-gio." Sabi ng babae namin sa likuran. Napahinto kaming dalawa ni Gio. Humarap ako sa babae at nakatakip ang shades at mask ang mukha niya. May suot din siyang cap na black. Nanatiling nakatalikod si Gio.

     Pumunta naman sa harap namin yung babae. Hinawakan niya yung kabilang braso ni Gio. "J-jal jinesseo?" (How are you?) Tanong niya. Ano ba yan! Parang nasa outer space ako! Na-e-alien language ako.

     Napatingin si Gio sa kamay ng babae at binawi ito. Pilit na ngumiti si Gio. "Ije gwenchana." Sagot naman ni Gio.

     "G-geure?" (Is that it?) Napatango naman yung babae. Napatingin siya sa magkahawak naming kamay ni Gio. Omg, nabigyan malisya niya yata!

     Babawiin ko sana yung kamay ko kaso biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ano bang problema neto?!

     "Jeosaram nuguya?" (Who is she?) Mahinahon niyang tanong habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.

     Seryoso namang nakatingin ngayon si Gio sakanya. "Sanggwanhaji ma." (Its none of your business.) Sabi ni Gio.

      "Jeosaram nuguya?!" Pabulong pero mahahalata mo yung inis sa boses niya. Bat ba to galit?!

      "Tara na." Sabay hila niya sakin at sa cart namin. Parang nasa K-drama ako ngayon at walang subtitle. Di ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

      "J-jamkkanman!" Habol ulit ng babae. Linta ata to e?! Kapit ng kapit sa braso ni Gio. Nanatili namang nakatalikod si Gio sakanya.

     "Y-yeojeonhi saranghae." (I still love you.) Sabi ng babae habang nakayuko.

     Nanatiling poker face naman si Gio dahil tinitignan ko ang reaksyon niya. "Kojitmal." (Lies.) Sabi ni Gio at nagpatuloy lang sa paglalakad.

     "G-gio!" Kakapit ulit sana siya kaso pagkahawak pa lang niya sa braso niya ay kinabig na agad ni Gio ang kamay niya.

     "Gueumanhae!" (Stop it!) Sigaw ni Gio. Nagulat ako sa ginawa niya. Pati ang ilang dumadaan ay napapalingon sa amin. Malamang ay napansin yun ni Gio.

     "Jeoli ga." (Go away.) Medyo mahina na niyang sabi. Di na kami sinundan ng babae hanggang sa makalabas kami.

     Pabagsak na umupo si Gio sa sofa. Ako naman ay nilagay muna ang pinamili sa dining area. Mamaya ko na aayusin.

     Tumabi ako sakanya. "Sino ba yun?" Tanong ko sakanya. Parang mali yata tinanong ko siya dahil bigla siyang umiyak sa harap ko.

     Di ko alam pero bigla akong napayakap sakanya. Naiiyak din ako dahil parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya.

     Hinatid ko na siya sa kwarto niya at pinatulog doon. Umupo ako sa tabi niya at kumanta para mapatahan siya. Nang maramdaman kong tulog na siya ay aalis na sana ako kaso bigla niyang hinila yung kamay ko at pinahiga sa tabi niya. Magkatapat ang mukha namin at halos 3 inches lang ang layo namin sa isa't isa.

     "Stay here, Yuri." Sabi niya at yinakap niya ako ng mahigpit kaya muntik ko na siyang mahalikan. Pumikit nalang ako para hindi ko makita yung mukha niyang sobrang lapit sakin dahil sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako nun.

Love Rivalries, He's Mine! ~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon