After akong sigawan ni Gio ay naiyak na ako. Lumabas ako sa kwarto ng umiiyak. Ayoko pa namang may nakakakita sakin pag umiiyak ako.
Ang sakit pala talaga pag sinabihan kang ganun no? Yung talagang pinapamukha sayong makapal ang mukha mo, mahirap ka, wala kang kwenta. Parang gusto ko siyang sampalin at sigawan pero hindi ko magawa kase totoo ang sinabi niya.
Hindi siya lumabas nanaman buong mag-hapon at kahit kinakatok ko siya ay pinapalayas niya lang ako. Pero hindi ko na naisip na pumasok ulit. Ayoko na. Baka masaktan ulit ako sa sasabihin niya.
"Ija, pwede ba kitang makausap kahit sandali? May pag-uusapan sana tayong importante." Nakangiting sabi ni Mrs. Terviana. Kinabahan ako ng konti lang naman. Kaya pa naman huhu.
Tumango nalang ako at sumunod sakanya sa sala. Kaming dalawa lang ni Mrs. Terviana.
"Mrs. Terv-"
"Anong sabi ko sayo? Mommy ang itawag mo sakin diba?" Medyo naka-pout na sabi ng matanda. Hala, ang cuteeeeeee!
"Hehe. Sorry po. Mommy, ano pong pag-uusapan" Medyo naiilang ako pag tinatawag ko siyang mommy. Feeling ko pinagpapalit ko na si nanay huhu.
"As you can see, parang medyo malungkot ang apo kong si Gio. Buong mag-hapon siyang hindi lumabas." Medyo nalulungkot na sabi niya. Malungkot pala yun? Nakakainis pala siyang malungkot.
Ngumiti ako kay Mommy para kahit papaano ay mapangiti din siya. "Mommy, narinig ko po ang usapan niyo kanina ni Gio. Actually, parang sigawan nga po yon kung di niyo mamasamain hehe." Medyo natatawa kong sabi sakanya. Nagulat naman siya.
"Naku, pasensya ka na. Hindi niya sinasadya yung mga sinabi niya sayo kanina. Wag mong isipin yun, Yuri. I'm sorry." Mas lalo siya nalungkot. Wrong move.
"H-hindi po! Wag po kayong mag-sorry. Ako po dapat ang mag-sorry sa inyo kasi talaga pong walang hiya ako. Sorry po kasi hindi ko po mabayaran yung inutang kong pera sainyo. I'm very sorry po." Lumuhod ako sakanya para effective ang pag-hingi ko ng tawad. Sana effective!
"Ano ka ba, Yuri. Matagal na kitang napatawad. Wala na sakin yun." Nakangiting sabi niya. Napatayo naman at nag-thank you ng marami sakanya.
"Nandito na po ako nay- aray." Napa-upo ulit ako sa upuan. Masakit talaga sa pwet.
"Sabi na kasing dahan-dahan eh. Bumili akong kutsinta jan. Kain ka nalang." Ugh, I'm craving for kutsinta. Hahaha meganon?
Pagkatapos kong kumain ay napahiga ako sa higaan ko. Naiisip ko nanaman yung mga sinabi sakin ni Gio. Di ko maiwasang mapa-iyak dahil sa sakit niyang mag-salita. Alam mo yung pakiramdam na maiiyak ka nalang sa sobrang sakit at wala kang magawa kase totoo yung mga sinabi niya? Yung sana panaginip nalang ang lahat ng ito? Yung sana hindi ko nalang pinulot yung pera nung manlolokong yon? Sana, panaginip nalang lahat lahat. Sana...
*Kringggg!!**Kringgggg!!!*
Goodmorning!
Bumangon na ako sa higaan at nagbihis para pumunta sa pinagtatrabauhan ko. Medyo maaga akong umalis ngayon kase pupunta pa ako sa park kase gusto kong mag-liwaliw kahit saglit.
Naglakad na ako papunta sa malait na park. Umupo ako sa swing at buti hindi mainit. Hindi pa naman kase masakit sa balat ang sikat ng araw.
Habang medyo nag-s-swing ako ay may nakita akong isang batang lalake at babae na tingin ko ay magkasing edad lang. Masaya silang naglalaro at nagbibigyan ng laruan sa bawat isa. Naalala ko bigla yung kalaro ko din noon.