(6)

5 0 0
                                    

So... Feeling ko nga, ako lang nakakita non. Geez. Ano ba, Yuri. Baliw ka! Baliw!

So nagtataka kayo kase di ako pumasok sa kwarto ng baklang Gio na yon? Simple. Dahil pinaalalahanan ako ni Mrs. Terviana ang don't's. Ewan lang kung bakit don't's lang ibinigay sakin.

>>> Flashback <<<

"So... Dahil dito ka na magtatrabaho, Yuri, kailangan mong malaman ang mga don't's." Sabay bigay sakin ng matanda ang isang papel.

Don't's

1. DON'T ever go to his room without his persmission. Even when he's there.

2. DON'T ever complain.

3. DON'T ever be late.

"Ma'am--"

"Oops." Sabay lagay niya sa labi ko ng daliri niya. "Mom. Mom ang tawag mo sakin. Isa yan sa rules dito." Inalis na niya ang kamay niya at nagtatakha naman akong tinignan siya.

"P-po? Bakit naman po? Eh--"

"Shhhh... Just follow the rules and you'll be safe."

"Si-sige po..." Nagkakamot na ulong umalis ako sa harapan niya.

>>> End of Flashback <<<

So.. That's why.

"Ms. Woman-that-spilled-the-ice-cream-on-my-shirt, can you give a glass of water? Thanks." Sigaw niya doon sa loob ng kwarto niya. Pssh. Nye nye nye.

Pumunta akong kusina para kumuha ng isang basong tubig na iniutos ng baklang Giovanni na yon.

"Eto na yung tubeeeeg!" Sigaw ko doon sa labas.

"Pumasok ka."

Nang malapit ko ng mabukas ng pinto ay bigla siya sumulpot sa harapan ko, saktong matatakpan ng katawan niya ang makikita ng mata ko sa loob ng kwarto niya.

"Thanks!" Ininom niya ng mabilis ang tubig at inabot ng mabilis sakin then he shut the door. Problema ng baklang yun?

Inilagay ko na sa marumihan ang baso niya at hinugasan. Bumalik ulit ako sa upuan ko at hinintay nalang ang susunod niyang utos.

Bumaba na ako dahil tanghalian na at tinawag na ako ng isang maid para kumain. Pagkatapos kong kumain ay kaagad akong bumalik sa pwesto ko.

Nakita kong nakatayo si Baklang Gio sa harap ng pintuan. Naka-cross-arms siya at masama ang tingin. "Yah! Ms. Woman-who-spilled-the ice-cream-on-my-shirt, 1:30 na! Make me some lunch!"

"Ano ba... Nat--" natigilan ako sa naalala ko. Hala! Nagtatrabaho pa nga pala ako!

"S-s-sorry Mr. Bakla este Mr. Gio! Anong gusto niyong kainin?" Aligagang tanong ko.

"Sheesh. Sabi na kasing wag nang... Aish! I want fish! Sushi! I want sushi!" Sabi niya sabay pasok sa room niya.

Sushi? Hala! Paano lulutuin yun?!

"Ahh... Excuse me po, Manang. Pero marunong po ba kayo magluto ng sushi?" Tanong ko sa medyo matandang babae.

"Sushi ba kamo, ija? Aba'y ekspert yata ako jan!" Sabay hila sakin ni Manang papuntang kusina.

"Ganito lang yan..." At itinuro niya sakin ang pagluluto. Infairness, magaling siyang magluto huh?

"Mr. Gio! Eto na yung tanghalian mo!" Sigaw ko sa tapat ng kwarto niya.

Binuksan niya at pinto at inabot ang pagkain.

Halos 15 minutes din akong naghihintay sakanya ng biglang tumawag si Nanay.

"Nay? Bakit Nay?"

(Kamusta ka jan? Alam ko na kung nasaan ka. Dapat kase sinabi mo sakin agad eh!)

"Sensya na, Nay. Eh--"

(Osiya. Napatawag lang ako para kamustahin ka. Pumunta nga pala si Chyra kanina dito. May dalang pagkain. Egg Pie. Sige na. Ibaba ko na 'to. Wala na akong load.) Sabay baba niya ng phone.

"Im done." Sabay abot sakin ni Baklang Gio ang tray.

Hinugasan ko ang plato na pinagkainan niya ng biglang dumating si Mrs. Terviana.

"Yuri, ija. Kamusta? Okay ka lang ba? Di ka ba masyadong inaalipin ng anak ko?"

"Hehe. Di naman po. Ayos lang po ako."

"O sige. Sabi mo eh. Magpapahinga lang ako sa kwarto ko. See you around!" Sabay alis niya.

Natapos ang buong araw na inuutusan ako ni Baklang Gio pag kakain siya.

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Agad akong sinalubong ni Nanay.

"Anak, bakit hindi mo sinabi? Na may ganoon kayong kontrata ng Doña?" Iginaya niya ako paupo.

"Nay, wala naman pong mangyayari kung sasabihin ko sainyo diba? Tsaka, ano nga palang sadya dito ni Chyra?"

"Inaaya ka niyang mag-shopping. Sabi ko ay wala ka. Nasa karinderya ka at nagtatrabaho. Pero may pumunta ditong guard ni Mrs. Terviana at sinabing doon ka nalang daw titira kase nagtatrabaho ka daw doon. Ang sabi ko ay pag-uusapan muna natin yon."

Hinawakan ko ang kamay ni Nanay. "Nay, hindi po. Hindi po ako pumapayag. Uuwi pa din po ako pagkatapos ng trabaho. 1 buwan lang naman daw po ang itatagal ko doon. Sige na, Nay. Tulog na tayo. Pagod na ako eh." Hinalikan ko sa noo si Nanay at dumeretso na sa kwarto.

Tinanggal ko ang uniporme ko at nahiga na kaagad. Sobra akong inaantok! Pero 1 month lang naman itatagal ko doon. Kaya 'to!

Sa buong isang linggo ay ganoon lagi ang nangyayari. Utos dito, utos doon. Minsan nga ay sinisigawan ako ni Baklang Gio kapag binubwisit ko siyang bakla. Ang cute niya kase. Namumula yung pisnge niya.

Nagpapatugtog ako ng kanta ng BadGirls sa labas ng kwarto ni Gio.

"Ano ba naman yan, Anee! Will you stop?! You're annoying!" Naiinis si Gio.

"Wala akong ginagawa sayo, Gio. Nagpapatugtog lang ako ng bagong kanta ng BadGirls." Totoo naman kasi. Nagpapatugtog lang ako ng kanta tapos maiinis siya. Sinong sira?

"Gio? How dare you call me Gio?!" Lumabas si Gio sa kwarto at nilapitan ako. Sobrang lapit.

Napalunok ako sa distansya namin. Sobrang lapit at kontig tulak lang ay mahahalikan ko na siya. "M-Mr. Gio. So-sorry." Lumayo siya at tinitigan muna ako. Pagkatapos ng ilang segundo ay mabilis siyang pumasok sa lungga niya.

"Hoo. My heart. Be still." Kinabog ko ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Habang naglilinis ako sa bandang pwesto ko ay may nakita ako sa ilalim ng upuan na isang picture.

"Woah! May picture si Bakla tsaka yung BadGirls? Paano 'yun?! Ang swerte mo naman Gio! Sana makapag papicture din ako!"

Lumabas si Gio at nakita niya ang picture na hawak ko. Kaagad niyang hinablot ito. "Should I fire you? Lagi mo nalang ginagawa yung hindi ko gusto! Nakakairita ka lang! Mas mabuti ngang di na talaga kita tinanggap at pinakulong nalang!" Galit na galit na sabi niya at padabog na pumasok ulit ng kwarto.

Anong problema nun?

Love Rivalries, He's Mine! ~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon