(5)

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng dramahan namin ni Chyra sa kwarto ay lumabas na kami at nagulat kami nung makita sa Nanay at Trixie na nasa labas ng kwarto ko.

"N-nay, T-trixie. Anong g-ginagawa niyo dito?" Sabay lunok ko na baka narinig nila ang pinag-usapan namin.

Niyakap lang ako ni Nanay at ni Trixie.

"Anak, Yuri, pwede mo naman sabihin saakin kung sobrang nahihirapan ka na sa buhay natin. Pangako, gagawa ako ng paraan para maiahon tayo sa hirap. Pasensya na at itong buhay lang na'to ang maibibigay ko sayo. Sana'y maintindihan mo ko, Yuri Anee." Sabi ni Nanay habang umiiyak.

"Ate, I'm sorry kung nahihirapan ka dahil sakin. I'm sorry kung hingi ako ng hingi ng pera para sa luho ko. I'm so sorry, ate." Si Trixie naman at umiiyak din siya.

"A-ano ba kayo. Ginagawa ko 'to para sa'tin 'no." At di ko na din napigilang umiyak. Muli, nagdramahan nananaman kami sa labas ng kwarto.

Matapos ang dramahan ay nag-kwentuhan naman kami nila Trixie, Chyra at Nanay sa salas. Sobrang dami naming napagkwetuhan at tawanan.

"Babye, Yuri! Sa susunod, mag-i-sleep-over ako dito. Hihi. Babye!" Paalam ni Chyra dahil 10:00 na ng gabi.

"Sige. Ingat ka. Salamat sa oras mo." Nakangiting sabi ko habang kumakaway sakaniya.

"Babyeeeeee!!!" Sabi niya habang kumakaway.

Pagkatapos non ay pumunta muna ako ng salas para isipin ang gagawin ko. Alam kong manloloko si Elezie na yon dahil nakita ko kanina sa Facebook na siya daw ay si Portacia Ramirez. Isa siyang Illegal Recruiter. Mahigit 500,000 na daw ang natangay niyang pera kasama na ang perang binigay ko. Nahuli siya kanina pagkatapos kong ibigay ang pera dahil sa may nakakita sakaniya na niloko niya.

"Anak, bakit hindi ka magpahinga don? Gabi na oh. Alam kong pagod ka." Sabi ni Nanay.

"Nanay, ano na pong gagawin ko?"

"Ano pa ba, edi sabihin mo don sa Doña na pinag-utangan mo."

"Dapat pala nakinig ako sainyo dati, Nay."

"Anak, kalimutan mo na ha? Basta mag-focus ka sa present. Wag mo ng balikan yun." Natatawang sambit ni Nanay.

"Parang humuhugot ka, Nay, ah? Haha. Osige po. Magpapahinga na po ako. Goodnight po." Sabay halik sa pisnge ng Nanay ko at pumunta ng kwarto para matulog.

Kinabukasan

Welcome to Terviana Mansion

"Goodmorning po. Anjan po ba si Mrs. Terviana?" Tanong ko sa guards. Nakakatakot pa din mga hitsura nila.

"Bakit? May appointment ba kayo sakanila?" Tanong nung guard na nasa kaliwa.

"No, I don't have. Pero pwede ko ba siyang makausap?"

"What's your name po, Ma'am?" Tanong nung guard na nasa kanan naman.

"Yuri Anee Mariano po."

"This way, Ma'am Yuri." Yumuko ang dalawang guards at tinuro ang daan.

"Ma'am, asan na po ang bag niyo, kukunin ko ho. Dadalhin ko na po sa loob." Sabi ng isang maid habang nakayuko. Ang gara. Pang reyna ang datingan ko dito ah?

Ang mga maids ay nakahilera kaliwa't kanan sa loob ng malaking pinto at nakayuko sila.

"We've met again, Yuri, Ija." Sabi ni Mrs. Terviana at pinaupo ako sa sofa sa salas.

"M-Mrs. Terviana..." Sabi ko na kinakabahan.

"Yes, ija?" Nakangiting sabi ng matanda.

"A-ano po... Di ko p-po mababayaran yung inutang ko... So y-yung--"

Love Rivalries, He's Mine! ~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon