WHAT THE HECK?!
Maaga akong nagising ngayon at pumunta ng sala para tignan sina Gio at yung lalaki pero guess what?! They made a mess!
Nagkalat ang mga boteng soju at chichirya. Nilalanggam na nga yung mga kalat nila sa sahig dahil siguro kahapon pa nakakalat yun. Tiwasay naman silang natutulog sa sofa! Malamang, nalasing tong mga to.
Nanggigil nalang ako at nilinis yung kalat nila. Umagang-umaga, yun ang bubungad sakin?! Pwede naman siguro silang uminon ng maayos at hindi makalat diba?! Grr!
Pagkatapos kong linisin ang kalat nila ay nagluto ako ng soup dahil panigurado ay may hang-over yung dalawang yun. E kung di nalang kasi sila nagpakalasing kahapon diba?! Edi wala silang hang-over ngayon?! Grr talaga!
"Yuri." "Ay lasing!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Si Gio talaga ang hilig manggulat.
Napangiti siya ng onti at umupo sa dining table. Nako, kung hindi ka lang cute tignan kahit kakagising mo lang, malamang nasapok na kita. Joke hehe.
Naglapag ako ng soup sa harap niya. Dumating naman bigla yung lalaking kainuman kahapon ni Gio. Infairness, gwapo din. Cute din pag bagong gising hehe.
"Ang sakit ng ulo ko! Penge nga ako ng soup, miss." Nakangiting sabi niya sakin. Sus. Kung sanang di ko narinig yung mga sinabi niya kagabi, malamang kikiligin pa ako neto. Kaso babaero siya eh! Mas lalo lang akong nainis ng ngitian niya ako.
Napairap nalang ako at binigyan din siya ng soup. Sana mapaso ka. Tss.
"Nga pala, aalis na ako pagkatapos kong kumain. Well, school thing." Sabi ng lalaki. Duh.
"Fine. Yuri, bake some cookies." Maikling sabi ni Gio at nagpatuloy sa pagkain.
"Y-yuri?" Nagugulat na tanong ng lalaki. Problema neto?
"Yeah. That's her name. What's the problem?" Tanong ni Gio sakanya na parang nagtataka din sakanya.
"N-nothing. Tapos na akong kumain. Masarap ang soup mo, Miss Yuri. See you around." Nakangiti siyang lumapit sakin at hinalikan ang kamay ko. Nagpaalam na din siya kay Gio at umalis na. Pa-fall!
"Dont mind him, Yuri." Sabi ni Gio. Nagkibit balikat nalang ako at nagbake ng cookies para kay Gio hihi.
"Yuri." Tawag sakin ni Gio. Wow, sikat na sikat yata pangalan ko ngayon ah?
"Yes, Mr. Gio?" Nakangiting sabi ko at nag-aaktong inosente. Pagtitripan ko lang haha!
Nagtataka na yung mukha niya. Naka taas ang isa niyang kilay. "What with that face? You're creeping me out." Sabi niya. Haha! Ang cute cute mo talaga!
Nag-pout ako. Nagpapabebe. "Hmp. Bakit ba?" Kunwaring nagtatampo kong sabi. Nag cross-arms pa ako sakanya at nakakururot ang kilay. Mabwisit ka sana.
"Stop being like that, Yuri. You're annoying." Irap niya sakin. Aba, umiirap din tong baklang to?! Baklang bakla talaga!
"What? I am annoying to you?" Pabebe pa ring sabi ko. Medyo malungkot kunwari ang boses ko at nagpa-puppy eyes. Nabubwisit na siya eh. Ang cute talaga!
Tumingin siya sa kabila. "Tss. S-stop that. I need to go somewhere tomorrow." Sabi niya at tumikhim muna bago umalis. Cutie.
Natawa ako ng konti sa mukha niya. Namumula kasi siya e."Ok. Anong oras ka aalis?" Normal ko ng sabi sakanya.
"Bandang 7 PM. I just need to meet someone. Just stay here, ok?" Sabi niya.
Nag-thumbs up ako sakanya kahit sa loob-loob ko ay gusto kong sumama. Ayokong maiwan dito duh. Tsaka gusto ko ding lumibot.
Pupunta sana akong sala para manood at mag-isip ng gagawin kaso pinigilan ako ni Gio. Hinawakan niya ang wrist ko. Napatingin naman ako sa wrist ko at sakanya. Medyo kinilig ako sa ginawa niya. Maharot ka, Yuri!
"G-gusto mo bang sumama?" Sabi niya at parang nag-aalangan pang tanungin ako. Medyo nagulat ako kasi first time niya akong ayain. Madalas kasi, ako ang nangungulit sakanyang samahan ako.
"S-sure. Saan ba?" Tanong ko sakanya. Tinanggal na niya ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Nooooooooo! Wag mong tanggalin. Echos hehe.
Napangiti naman siya sakin. "Basta." At umalis na siya sa harapan ko. Pumunta siyang Gaming Room.
Napangiti naman ako kasi medyo kinikilig ako. Kung nandito lang si Chyra, malamang, nabugbog ko na yun. Ma-message nga si Chyra. Namimiss ko na siya.
Chyra Menze
Active now.'Chyra! Namimiss na kita! Kamusta ka?'
Kaagad naman na-seen ni Chyra.
'Eto, ayos lang. Namimiss na din kita, Yuri! Huhuhu. Ang lungkot dito kase wala akong kausap. :('
Na-touch naman ako sa sinabi niya. Hanggang sa lumipas ang isang oras na nag-uusap kaming dalawa ni Chyra. Miss na miss ko na talaga tong babaeng to!
'Sige na, Chyra. Maglilinis pa ako. Ingat ka jan lagi ha? :*'
'Oo naman. Basta sabihin mo lang sakin pag minamaltrato ka niyang baklang yan ha? Naku, di ako magdadalawang-isip na pumunta jan. Kahit na magalit si Dad. I love you!'
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
'Oo sige. I love you too.'
Sabi ko at nag-log out na. Lumabas ako at nagwalis walis saglit kahit na medyo malinis na tong loob ng unit. Pampalipas oras lang hehe.
Pagkatapos ay pumunta akong terrace sa taas. Alam kong maaga pa pero gusto kong mapag-isa, well, feeling ko kasi nag-iisa naman talaga ako dio sa unit. Di ako masyadong pansin ni Gio e. Busy siyag iniiyakan yung one true love niya. Psh.
Buti nalang at nakasilong ang terrace. Na-upo ako at pinagmasdan ang katapat ko- ang Namsan Tower. Nag-aalala na ako sa sarili ko kasi tuwing nakikita ko si Gio, madalas na tumitibok ng mabilis ang puso ko. Lalo na kapag may eksenang lapitan ng mukha ganun ganun. Ewan ko ba. Kinikilig ako sa maliliit na bagay na ginagawa niya. Do I like him? Nope. Malamang, na-e-excite lang ako dahil nandito ako sa bansa kung saan nadito ang BadGirls na paboritong koreanong grupo ko. Nandito din ang mga crush kong artista. I don't like him. Masyado lang siguro akong nagpapasalamat sakanya dahil nasaiisang bansa nalang kami ng mga paborito kong artista. Tsaka siguro naaawa ako kay Gio kasi alam mo na, sobra siyang nasaktan sa pagkawala ng minamahal niyang babae. Tss, malaman ko lang kung sino yon, masasaktan kung saken e! Echos hehe.
Kasalanan bang aminin sa sarili kong unti-unti na akong nahuhulog kay Gio?