(11)

0 0 0
                                    

    Habang pauwi kami ay iniinis ko lang si Gio. Ang cute niyang tignan pag nakakururot yung kilay niya haha!

     "Crush mo yun no? Ayiie. Nagkaka-crush ka pala?" Nasa elevator na kami at iniinis ko pa din siya hihi.

     "Stop it, Yuri. Papalayasin kita eh." Ooh. Napipikon na si baklang Gio.

     Habang nasa hallway na kami ay iniinis ko pa din siya sa babaeng yun. Di na niya pinapansin kasi pikon na siya.

     Habang papalapit na kami sa unit ni Gio ay may nabangga akong lalaki. Nagmamadali yata siya.

     "S-sorry, miss. I'm running late. I'm very sorry." Sabi niya habang tumatakbo siya.

     Bumalik ako sa realidad ng marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ni Gio. Dali-dali akong pumasok dahil baka pagsarhan ako netong baklang to.

     Agad-agad pumunta si Gio sa kwarto niya. Padabog niyang sinara ang pinto at ni-lock. Dahil dakila akong chismosa ay itinapat ko yung tenga ko sa pinto para marinig ko kung anong ginagawa niya.

     "Why, why, why, why, why?! Sh*t! I hate this place! I hate everything!" Tapos ay humagulgol siya. Nainis yata siya ng sobra saken.

     Dahil nakokonsensya ako ay kumuha ako ng papel at ballpen. Nag-sulat ako ng  'I'm sorry. :(', ipinasok ko doon sa ilalim na pinto ng kwarto niya. Sana matanggap niya.

     Dahil hapon pa lang naman ay napagdesisyonan kong mag-bake. Magse-search nalang ako sa internet.

     Habang hinihintay ko yung cookies na binebake ko ay hindi ko maiwasan na isipin kung bakit ako nandito. May magandang dulot din pala yung manlolokong Elezie na yun. Kung hindi niya ako niloko, malamang, wala ako ngayon dito. Di ko makikilala ng buo si Mrs. Terviana. Di ko rin siguro makikita si Gio. Di rin siguro kami pupunta ng star city ni Chyra at matatapunan ng ice cream si Gio. Siguro, mas masaya siyang naglilibot nun sa star city. Nakakatawa lang na napakaraming nangyari sakin simula nung lokohin ako ni Elezie. Naiinis ako sakanya dahil sa panloloko niya pero natutuwa din ako at the same time kase nandito ako ngayon sa Korea. Pangarap kong bansa.

     Luto na yung binebake kong cookies at inilapag sa dining area. Naiihi naman ako kaya iniwan ko muna saglit yung cookies.

     Pagbalik ko ay wala na yung cookies! Tinignan ko na sa buong dining area kaya lang di ko makita! Nagugutom pa man din ako.

     Nakita ko si Gio na medyo red ang mata tsaka ilong. May dala siyang plato- YUNG PINAGLAGYAN KO NG COOKIES!

     Nanlumo nalang ako ng walang natira ni isa sa cookies na ginawa ko. Bagsak-balikat akong pumasok sa kwarto at tiniis ang gutom. Ayoko na mag-bake. Tinatamad na ako.

*Kringgg!!!**Kringgg!!!*

Goodmorning!

     Sa sobrang pagdamdam ko sa cookies na yun ay di ko namalayan na nakatulog pala ako. Grr Bakla ka talaga Gio!

     Sa sobrang inis ko ay nagtagal ako sa banyo. Iniisip ko pa din yung cookies! Huhu.

     "Bat ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay."

     "ANAK KA NG COOKIES! B-bakit ba?! Wag ka nga naghihintay jan! Nakakagulat ka naman." Medyo gulat na sabi ko sakanya. Nakakainis! Ang aga-aga tapos inubos niya pa yung cookies ko kahapon! Hmp!

     Tumawa naman siya ng konti. "Di ka pa rin ba makamove-on sa cookies? Ampanget ng hitsura mo. Magbake ka ulit ng cookies. Damihan mo na para dalawa tayong kakain don. Magtimpla ka pa pala ng milk para sakin." Tumawa ulit siya at tumalikod na. Na-estatwa naman ako. Ang gwapo niya pag nakangiti.

     Gaya nga ng sinabi niya, dinamihan ko yung cookies na ginawa ko. Para naman makakain ako sa ginawa ko no!

     Nang matapos na ang lahat ay kinatok ko na yung kwarto niya para makakain na siya. Kumuha ako ng 3 cookies na malalaki para makakain ako. Ang sarap pala ng gawa ko haha!

     Andyan nananaman yung masungit niyang mukha. Kakatawa niya lang kanina eh!

     Habang kumakain siya ay di ko napansin na nakatitig na pala ako sakanya. Kanina kase tumatawa siya tapos ngayon ang sungit ulit ng mukha niya.

     "What? Stop staring at me. That's rude." Sabi niya habang nakatingin sa bintana ng dining area at sumusubo padin sa cookies.

     "Bat ang sungit mo?" Bigla kong tanong sakanya. Curious lang. Hindi niya ginalaw yung ulo niya pero yung mata niya ang nakatingin sakin.

     Binaba niya yung cookies at hinarap ako. Nagsalumbaba naman siya at mapungay ang mata niya. Parang bored siya kumbaga. "Ano sa tingin mo?" Tanong niya. Same expression.

     "Sabi naman sakin ng papa mo, mabait kang bata pero parang hindi naman? Ang sungit mo kaya." Sabi ko. Napataas naman siya ng kilay.

     "Nagkwentuhan kayo ng daddy ko?"

     Napalunok ako sa tono ng pagtatanong niya ngayon. Parang mali ata na sinabi kong nag-usap kami ng daddy niya. "H-hindi naman sa ganun. Nasabi niya lang sakin." Tinitigan ko siya para maniwala siya. Maniwala ka, please, please, please.

     "Ok." Yun lang ang sinabi niya at umalis na. Di ko alam kung anong gagawin nun.

     Niligpit ko na yung pinagkainan namin tapos lumabas ako saglit para magliwaliw. Mayroon naman akong GPS kung sakaling mawala ako hehe. Maglalagay nalang ako ng letter sa ref para alam niya na lumayas ako saglit. Hindi naman siguro siya magagalit.

     Pagkapasok ko sa elevator ay nakita ko yung lalaking nakabangga sakin kahapon. Mukhang di naman siya nagmamadali ngayon. Relax lang siya eh.

     "Oh? You're the one that- ano nga kasi yun?-that ano... Umm... Basta. You're the-" Kakausapin ko sana sa english language kaso sobra akong nahihirapan.

     Tumawa naman siya ng konti kaya narinig ko yung boses niya. Medyo malalim pero maganda sa pandinig. "Pwede ka naman magtagalog, miss. Hahaha." Feeling ko namula ako dahil sa kahihiyan. Tagalog din pala tong isang to eh.

     "A-ah, e-eh ganun ba? K-kala ko english speaker ka hehe." Nahihiyang sabi ko sakanya.

     Ngumiti naman siya sakin kaya nakita ko ang pantay na ngipin niya. "Sorry nga pala kahapon. Medyo na-le-late na ako kaya im rushing. I didn't saw you kaya nabangga kita."

     "Ok lang yun. Saan ka ba papunta nun?" Tanong ko.

     "Hospital. My girlfriend was there. Tumawag yung parents niya na nag-aagaw buhay siya kahapon. Pero namatay pa din siya pagkarating na pagkarating ko doon sa room niya. You know the last words she said to me? 'Take care, I love you very much.'"  Napangiti naman siya kaso yung malungkot na ngiti. Napatingin nalang siya sa harap.

     "S-sorry, hindi ko alam. Im sorry. Condolences." Sabi ko sakanya. Pagkatapos nun ay bumukas na ang elevator.

     Sabay na kaming lumabas. "Thanks. See you around." Pagpapaalam niya. Well, that's life.

     Bumalik ako sa Namsan Tower para maglibot ulit mag-isa. Ewan, feel ko lang yung scene dito sa Legend of the Blue Sea hihi.

     "Oh, its you again. Kakakita lang natin kanina a?" Nakangiting sabi ng lalaki kanina sa elevator. Hmm... Oo nga no?

     "Well, ganyan talaga haha. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang sabay kaming naglalakad.

     "Wala naman. Dito ko kasi madalas dinadala yung girlfriend ko nung buhay pa siya. Na-mi-miss ko lang siya." Tumingin siya sakin at napangiti. Malungkot na ngiti nanaman.

     "Ahhh... Kung di mo mamasamain, anong kinamatay niya?"

     "Sa cancer. Pinilit niyang lumaban pero wala talaga e. Hindi kinaya."

     Minsan, kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, sila pa ang sobrang nasasaktan, ano?

Love Rivalries, He's Mine! ~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon