(9)

0 0 0
                                    

     WAIT-- AS IN SASAMA AKO SA KOREA?! MAKIKITA KO NA SINA JIN SOON, LUCY, JELLY AT RIZZA?! Is this real?!

     Bumalik ako sa realidad ng narinig kong tumayo si Gio. Woah. Ang lungkot talaga ng mukha niya. Nakakaawa siya. Kahit na pinagsalitaan niya ako kanina, alam kong may pinagdadaanan yung tao na mabigat. Iintindihin ko na muna ang Baklang Gio.

     Nagligpit na kami ng pinagkainan nila. Pagkatapos ay pumunta na ako sa pwesto ko sa taas.

     Nagdadalawang-isip ako kung papasok ako o hindi pero nakita kong medyo nakabukas ang pinto niya. Wala akong naririnig kahit na anong ingay sa kwarto niya. Tahimik lang. Siguro, matutulog na siya.

     Sa huli, pumasok ulit ako. Wala na akong pakeelam kung pagsalitaan nananaman niya ako ng masasakit na salita. Im sorry, Mommy, dalawang beses ko nang sinaway yung rules.

     Nung pumasok ako ay nakita kong natutulog na siya. Nakatalukbong siya ng kumot.

     Lumapit ako at umupo sa side ng kama niya. "Kahit na masakit ang sinabi mo sakin, naiintindihan pa rin kita. Alam kong may problema kang mabigat kaya mo nasabi yun. Ganyan din ako minsan kaya naiintindihan kita. Malungkot ka? Sabihin mo sakin. I'll try my best to make you happy. Medyo nagtatampo lang ako sayo kase iniisip mo lagi na mukha akong pera, manloloko, walang hiya, at makapal ang mukha ko. Hindi ako ganun. Kailangan ko lang kase talaga ng pera para sa pamilya ko kase ako nalang ang inaasahan nila. I'm sorry kung nakakagulo ako sainyo. I'm sorry kung makapal ang mukha ko na manghiram at abusuhin ang lola mo. I'm so sorry." Medyo naiiyak na sabi ko. "O siya. Andito ako lagi sa tabi mo hindi bilang maid kundi bilang kaibigan na masasandalan mo." Napangiti ako at umalis na sa tabi niya. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at bumalik na sa pwesto ko.

     Nagpa-tugtog nalang ako ng kanta ng BadGirls, pampawala ng stress.

     Habang kasalukuyan kong dinadamdam ang kanta nilang Playing with fire ay pinapatawag daw ako ng daddy ni Gio. Omy. What is this all about?

     Nakita ko naman siyang umiinom ng kape sa salas at seryosong nagbabasa ng dyaryo. Nang makita niya ako ay ibinaba niya ang dyaryo at pinaupo sa harap na upuan niya.

     "So, di ko na kailangang magpakilala sayo, diba? Kilala mo naman ako hahaha." Tumawa siya. Nakitawa nalang din ako para safe huhu.

     "Hindi ka naman siguro robot para di maramdaman ang kinikilos ng anak ko. Hindi ganyan si Gio. Masayahin at makulit na bata yang si Gio. Mabait yan at hindi marunong manakit ng kapwa. Pero maraming pagsubok ang dumating sakanya. 2 weeks ago ay bumalik siya dito galing Korea. Medyo, hindi na maganda ang pakiramdam niya dahil kakagaling niya lang sa isang heartbreak. Mahal na mahal niya yung babae kaya ganun nalang siya masaktan. Inaya ko nga siya noon mag star city kaso lalo yatang na-badtrip dahil may nakatapon daw ng ice cream sakanya." Napakurap ako sa sinabi niya. So, kasama niya pala ang daddy niya nung time na yun? "Malamang nagtataka ka kung bat ngayon mo lang ako nakita? Pumunta akong Manila. Well, personal reasons. Pero isa yun sa talagang nakapagpa-damdam sakanya." Nakita ko ang mata niya na parang umiiwas sakin at namumula. Anong meron doon? "Osige na. Intindihin mo nalang ang anak ko, ha? Wag ka sana maubusan ng pasensya sakanya." Ngumiti siya at umalis na. Ako naman ay naka-upo pa din.

     So, tama nga ako na may dinadala lang siyang malalim na problema kaya ganun. I wanna know more about him.

     Pina-uwi na din naman ako ni Mrs. Terviana dahil mukhang wala na din akong gagawin. Nagkulong lang magdamag ulit si Gio.

     Binati ko nalang si nanay at pumunta na sa kwarto para magpahinga. Malamang, puno na nag utang si nanay sa tindahan dahil wala akong maibigay na pera sakanya. Bukas ko nalang siya tatanungin.

*Kringgg!!!**Kringggg!!!*

Goodmorning!

     Bumangon na ako at nagbihis. Saktong kalabas ko ay nakita ko si Nanay na naghahain ng pagkain.

     "Nay, kanino po kayo kumukuha ng pagkain niyo ni Trixie?" Agad kong tanong.

     Napangiti si Nanay. "Wala anak. Wag mo kaming intindihin ni Trixie. Nagwo-working student si Trixie at ako naman ay labandera jan sa tindahan ni Aling Rusing."

     "Nagwo-working student? Bat niyo po siya pinayagan? Baka mapagod lang po siya."

     "Hindi ate." Biglang sulpot ni Trixie. "Ako ang nagpumilit kay nanay na magwo-working student ako para di lang utak ang meron ako, pati sipag diba? Ganda ganda kong working student." Napatawa nalang ako kay Trixie pati si nanay.

     "Pasensya na kayo, di ko magampanan yung dapat gampanan ko. Aayusin ko din ito. I lab u ol."

     "I lab u too ate." At nagyakapan kaming tatlo.

     Sinundo nanaman ako ng driver nila. Goodness, kelan kayo makakakita na Personal Maid tas sinusundo? Galing diba?

     Bumalik na ako sa pwesto ko at laking gulat ko ng makita si Gio na nakatayo sa pintuan. Naka cross arms and legs siya at nakasandal sa may gilid ng pintuan. Naka-pajama at dark blue T-shirt na v-neck pa siya at messy hair. Makikita mo ng konti yung collarbone niya pero ang lakas ng dating.

     "Kanina pa kita hinihintay. Prepare some meal for me. Egg, bacon, and fried rice. With hot choco. I hate coffees." Yun lang ang sinabi niya at pumasok na. Na-miss ko tuloy si Baklang Gio!!!

     Masaya akong nagluluto ng mapansin ni manang. "Ang saya mo yata, ija?" Inilapag ko na ang pagkain ni Gio at Hot Choco nalang ang kulang. "Opo, manang. Nasa mood po ako e hehe." Pagkatapos kong ayusin lahat ay nagpaalam na ako kay manang.

     Naka tatlong katok ako ng bumukas ang pinto. Nakita kong nakabukas ang TV niya at parang naglalaro siya. "Mukhang naglalaro ka ah? Patingin." Kinuha niya lang yung tray at pinagsarhan ako ng pinto. Buset kang bakla ka!

      Pagkatapos ng mahigit 30 minutes kong paghihintay ay tapos na din siyang kumain. Hmp! Panget niya! Joke hehe.

      Halos sa linggong nagdaan ay ayos na siya. Bumabalik na siya sa dati na masungit pero mild nalang ngayon hehe. Napapagalitan kasi siya sa daddy niya.

      "You need to prepare for tomorrow, Gio. And you too, Yuri. Have a nice trip." Sabi ng daddy ni Gio. Oo nga pala, napag-usapan na namin ni nanay to. 6 months lang naman ako doon. Wala namang magawa si nanay. Nag-dramahan lang kami nun sa bahay. Huhu mamimiss ko kayo nay.

     "And also, Yuri, si Mommy may pinapabigay pala sayo. Nasa pwesto mo siya nakalagay. Check it later. Goodnight."

     "Sige po. Thank you." Tumango lang siya at umalis na. Maaga ang alis namin ni Gio bukas kaya matulog na tayo. Doon na matutulog sa pwesto ko.

     Pagkarating ko sa taas ay nakita ko ang isang makapal na coat. 5 silang iba-iba ang kulay pero makakapal na coat. Eto yung mga nakikita ko sa K-drama e. Yung may fur sa bandang hood. Ang cute! Thank you Mommy!

     Iniligpit ko na sila at nagpahinga na para sa bukas. Excited na ako. Goodbye Philippines! Hello Korea!

    

Love Rivalries, He's Mine! ~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon