Chapter 4- The Paper (Part 2)
"Asan na ba yun?" inis kong bulong sa sarili ko
Hinalungkat ko yung nilalaman ng baul na naglalaman ng mga gamit ko nung bata pa ako at tinapon lahat ng mahahawakan ko palabas ng baul.
'Asan na ba ang bag na yun?!'
Nilabas ko lahat ng laman ng baul na yun pero walang bag akong nakita. Puro laruan lang na maalikabok. Tss. Pahirap naman ang bag na yun!
Sinipa ko yung baul at saka umupo sa gilid nung pintuan. Nandito ako ngayon sa bodega namin at hinahanap yung bag na naglalaman ng papel na may nakasulat. Basta mahalaga yun kasi magagamit ko yun.
Nahalungkat ko na lahat ng gamit dito sa bodega pero di ko talaga mahanap ang bag ko na spongebob.
Saang lupalop naman kaya ng bodegang to nakalagay yun? Di ko alam kung nandito pa ba o wala na yung bag na yun kasi matagal na nung huli kong nakita yun... 10 pa ata ako o 9..
Baka natapon na o naipamigay. Tss. Nakakainis naman! Pagdating na pagdating ko kanina ay pumunta na ako kaagad dito para mahanap yung lecheng bag na yun pero ano? Useless ang 3 oras na paghahanap ko kasi wala akong napala! Bwisit!! Di pa pati ako kumakain para dito tapos wala lang?! Leche!!
Inis akong tumayo na at sinipa yung mga nakakalat na gamit papuntang gilid. Saka ko na aayusin to kapag may oras ako.
Nang matapos na ako ay saglit ko pang pinagmasdan ang paligid at nagbabakasakaling makita ko yun pero wala eh...
"Haaay" pagbuntong hininga ko
Nakakapagod Pambihira!!
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa may pintuan pero nagulat ako nung may nakita akong dilaw dun sa likod ng pintuan. Agad akong tumakbo papalapit dun at hinawi yung jacket na nakaharang sa dilaw na yun...
"Leche" singhal ko nung makita ko yung dilaw na yun
Hinawakan ko yun saka tinignan ang paligid ng bodega...
"ARGHHHH!!!' sigaw ko sabay sipa sa baul na nasa gilid ko
"Leche naman oh!!! Sa tatlong oras na paghahanap ko sayo nandyan ka lang pala!!! Arghhh!!! Nakakainis!!!" nang gigigil na sabi ko habang tinitignan yung bag
Nagpakatanga ako kakahanap sa bag na to tapos nasa likod lang pala ng pintuan?! Pambihira!!! Sarap magpakamatay!!!! >___<
Inis akong lumabas sa bodegang yun at tinungo ang kwarto ko...
"Nahanap mo ba?" tanong sakin ni Mama nung madaanan ko siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di na huminto at sumagot na lang
"Op-----"
"Nasa likod ng pintuan yun eh. Nakita mo?"
Napalingon ako agad kay Mama nung sinabi niya yun....
"Alam mo kung nasan Ma?!" inis na sigaw ko sakanya
"Oo... Di ka naman kasi nagtatanong" sabi niya saka bumalik sa ginagawa niyang paghihiwa
Alam niya tapos di sinabi?!! Bwisit!! Ako na tanga!!!
"ARGHHHHH!!!!!" inis na sigaw ko saka ako padabog na umakyat sa kwarto ko
Walang hiya!!! Una nainis ako kasi nasa may pintuan lang pala matapos kong mahalungkat lahat ng gamit sa bodega. Mas tanggap ko pa sana eh kaso alam pala ni Mama tapos di sinabi sakin?! Leche talaga!!! >_<
Pabagsak kong sinara ang pintuan ko saka ako patalong umupo sa kama ko..
Ano pang katangahan ang magagawa ko ngayon? Meron pa ba? May mas sasahol pa ba sa nangyari sakin?! Parang nahawa na ako kay Lily! Puro katangahan!! Pambihira!!
![](https://img.wattpad.com/cover/15692963-288-k349250.jpg)
BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
JugendliteraturI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...