Chapter 12- Way #6 (Part 2)
3rd Person's PoV
(Macrissizzy/Crissy: Pasamantala lang to guys, gusto ko lang kasing mabigyan ng pansin ang anim na kaibigan ni Shekairah at sa tingin ko ay itong 3RD PERSON'S POV ang makakagawa nun. Sana mainitindihan niyo. 1-2 chapters lang naman ang itatagal nito kaya please understand.
And one more thing, pwede bang hingiin ang suggestions niyo kung ayos lang ba ako magnarate kapag 3rd Person's PoV? Please....Gusto ko kasi malaman para naman alam ko kung dapat ba akong gumamit ng ganitong PoV sa iba kong stories.. Sana makapagcomment kayo ^_^
~KAMSA ^_^)
3rd Person's PoV
Inis na naglakad si Shekairah papuntang room nila.. Tila naimpyerno siya kung makasalubong ang kilay niya sa sobrang inis.
Tanging 'Leche' at 'Bwisit' ang naiisip niya kapag naaalala niya ang 'paglalandian' kuno ni Kyle at yung babae na kung tawagin niya ay 'higad'. Sobra siyang naiinis sa babaeng yun na di niya alam na kapatid lang ni Kyle. Oo, kapatid niya lang yun kaya ganun na lang kung makangisi ang magkapatid kanina nung magreact si Shekairah ng ganun. Kitang kita nila na nagseselos si Shekairah sa kanilang dalawa.
Galing ibang bansa ang kapatid ni Kyle, si Kyla.. Kararating lamang nito ngayong umaga kaya ganun na lang kung makadikit kay Kyle kasi sobrang miss niya na ang kakambal niya. Ilang taon silang nagkahiwalay kasi sa America nag aral si Kyla at si Kyle naman ay nagpaiwan dito sa Pilipinas dahil sa ilang rason.
Isa sa mga rason kung bakit ayaw sumama ni Kyle sa America ay dahil sa kakambal niya. Ayaw niya itong kasama kasi lagi siyang isinasama sa mga gulong pinapasukan niya. May pagka brat kasi itong si Kyla na ayaw na ayaw ni Kyle sa isang tao.
Sa kabilang banda.. Nakarating na sa room si Shekairah. Tulad ng nagawian, dinaanan lamang niya ang anim niyang kaibigan na nagtataka naman kasi nakasalubong ang nanaman ang kilay niya.
"Tss" naisinghal na lang niya at saka inis na umupo sa upuan niya.
Alam ng anim na badtrip nanaman siya kaya naman di na nila kinulit at nanahimik na lang kasi baka sakanila lang maibuntong ni Shekairah ang pagkainis niya.
Masyado na nilang kilala ang kaibigan nila kaya naman naiinitindihan nila at pilit na pinapahaba ang pasensya kahit minsan ay naiinis na din sila sa ugali ni Shekairah.
Naupo na lang ng maayos si Shekairah at pilit na inaalis ang pagkasalubong ng kilay niya. Naiinis siya at lingid sa kaalaman niya kung bakit nga ba. Bakit nga ba ganun na lamang siya mainis sa magkapatid at bakit masyado siyang apektado sa nakita niyang 'paglalambingan' ng magkapatid
'Nagseselos ba ako?' naitanong niya sa sarili niya na agad din naman niyang inangalan.
'Ako magseselos? Sa kanila? Leche!' naisip isip niya at saka nagpangalumbabang tumingin sa bintana.
Kung tutuusin ay natatangahan na din siya sa ikinilos niya kanina at oo, alam niyang para nga siyang nagseselos kung makipagsagutan kay Kyla pero pilit niyang ipinapasok sa utak niya na ganun lang talaga siya at normal lang sakanya na magreact ng ganun. Ayaw niya kasing nakakakita ng mga PDA na tao. Bitter na kung bitter pero ganun talaga siya.
Ilang minuto na ang lumipas at medyo nawawala na ang pagkakasalubong ng kilay niya pero nandun pa rin ang inis na di niya alam kung bakit nga ba siya naiinis.
'Ibalik mo na sakin ang papel' naalala niya ang mga katagang binitawan niya kanina kay Kyle. Agad siyang napailing at tila nakokonsensya sa sinabi niyang yun.
'Bakit ko ba sinabi yun?' inis na tanong niya sa sarili.
Naiisip niya na baka sa sinabi niyang yun ay tumigil na si Kyle sa panliligaw niya at dun nakaramdam siya ng pagkainis sa sarili niya. Ang akala niya ay naiinis lang siya kasi parang nanghihinayang siya na wala na siyang pahihirapan pa.
BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
Teen FictionI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...