Chapter 10- Way #5
Shekairah's PoV
***W E D N E S D A Y***
"Dali na.. Sumama ka na kasi"
"Leche! Ayaw ko nga!" sabay tapik sa kamay niyang nakahawak sa braso ko
"Tss. Parang ngayong gabi lang naman. Sige na" pangungulit ulit niya sakin
Tinignan ko siya ng masama at saka dahan dahang nagsalita.
"A-YAW KO!" sabay tingin na ulit sa notebook ko at nagpatuloy sa pagsulat. Leche.
"Tss.. Bat ba ayaw mo?"
Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paggawa ng listahan ng mga dapat kong reviewhin. Next week na kasi ang Third Periodical Exam namin at nagsisimula na akong magreview para naman mareview ko lahat. Pero may lecheng lalaki na patuloy akong kinukulit. Tss. Bat ba kasi naiwan ako kasama nito? Wala kasi yung anim at kanya kanyang gawain sa mga clubs na sinasalihan nila. Sabay sabay na may meeting ang mga clubs ngayon pwera na lang sa club na sinalihan ko, ang Teatro. Wala kasi yung adviser ng club namin kaya bukas pa ang meeting namin. Tss. Nakakainis nga eh kasi wala akong magawa kundi ang sumama sa tangang to. Ayaw ko namang maiwan sa room noh. Ang ingay ingay at saka wala akong masyadong close sa mga naiwan dun kaya naman nung niyaya ako ng lalaking to ay sumama na lang ako. Taga Teatro din yan kaya wag na kayong magtaka kung bakit kasama ko yan. Tss. Ngayon ko lang nga nalaman na yun din pala ang club ng tangang yan. Tsk.
"Shekairah.. Sumama ka na kasi" pangungulit ulit niya
Naibaba ko yung ballpen ko at saka inis na tinignan siya.
"Bakit ba gusto mo akong sumama sa party'ng yun?! Leche. Pumunta ka mag isa kung gusto mo!" sigaw ko sakanya
Parang nanlumo naman siya at napayuko na lang. Tss. Kainis.
Kinuha ko na ulit yung ballpen ko at nagpatuloy sa ginagawa ko pero di ako makapagconcentrate kasi paulit ulit kong naririnig na nagbubuntong hininga si tanga.
Tss. Bwisit!
Tinignan ko siya at saka napairap.
"Ano bang meron dun at gustong gusto mong pumunta dun?" mahinahong tanong ko sakanya dahilan para maiangat niya ang ulo niya
"Birthday ng Bestfriend ko" sagot niya
Napairap naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng seryoso at saka walang gana na nagsalita.
"Edi wag kang pumunta" inis na sabi ko na agad namang ikinakunot ng noo niya
"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya
"Bakit? Kasi gusto ko.. Tanga" sabay irap
"Pero---"
"Way number 5.. Do everything I want.. EVERYTHING" sabi ko sakanya
Tinignan niya ako saglit at mayamaya naman ay napasanday siya sa upuan niya.
"Wag naman yan Shekairah. Bestfriend ko yun kaya dapat pumunta ako" pangangatwiran niya
Sumanday din ako sa upuan ko saka nagcross arms.
"Ano naman? Edi sige... pumunta ka ng matapos na ang katangahan mo sakin" mataray na sabi ko na ikinatahimik naman niya.
Edi natahimik siya. Leche. Yan lang pala katapat mo. Tss.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko habang siya naman ay nanahimik na lang.. Mukhang nag iisip. Tss.. Di ko naman totohanin yun. Di naman ako ganun kasama, tinitignan ko lang kung anong pipiliin niya.

BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
Teen FictionI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...