Chapter 9- Way #3 & 4 (Part 2)
Shekairah's PoV
***KINABUKASAN-SATURDAY***
*KRIIIINNNGGG* *KRIIIIINNNGGG*
Argh!! Pesteng alarm clock yan! Natutulog pa ako eh.. Bwisit!!!
Kinapa ko yung side table ko at saka hinanap yung maingay na alarm clock...
Teka...
Alarm clock? Wala naman akong alarm clock..
Agad kong minulat ang mata ko at kukurap kurap na tinignan yung kisame. Tulog pa ba ako? *kusot ng mata*
*KRIIIINNNGGG* *KRIIIIINNNGGG*
"Ay Leche!" naisigaw ko saka mabilis na umupo sa kama ko.
"Good Morning"
Napatingin ako sa kanan ko at laking gulat ko nung makita ko yung leche kagabi at leche araw araw.
"Tulog Mantika ka pala. Haha" sabi niya habang tumatawa at nilalagay yung alarm clock sa may side table ko. Di yun sakin at ngayon ko lang nakita yun.
Pinanood ko lang siyang gawin yun kasi medyo wala pa ako sa diwa ko pero mayamaya..
"Leche ka! Umalis ka dito! Sinong nagsabing pumasok ka dito?! Bwisit!! Layas!" inis na sigaw ko sakanya habang pinagpapalo siya ng unan palabas ng kwarto ko
"Teka.. Teka... Aray" daing niya habang sinasangga yung unan na pinapalo ko sakanya
"Bakit ka pumasok dito?!" sabay palo ng unan sa braso niya
"Bwisit ka!! Umalis ka dito!!" sigaw ko saka papaluin sana ulit siya kaso nakuha niya yung unan ko at inilayo sakin.
"Inaano ba kita?!" inis na sigaw rin niya sakin
Tinignan ko siya ng nanlilisik ang mata at saka kinuha yung payong na nasa tabi ko. Itinutok ko yun sakanya dahilan para mapaatras siya.
"Pag di ka lumayas ibabara ko to sa walang kwentang lalamunan mo! Layas!" sigaw ko
"Oo na. Langhiya" sabi niya saka bumaba na ng hagdan
Padabog kong isinara ang pinto at nagpakawala pa muna ng hangin bago bumalik sa kama ko.
Lecheng yun.. Ka aga aga nambibwisit!! Walang magawa sa buhay niya!! Argh!! Nakakainis!!
Salubong ang kilay na humiga ako ulit at pinikit ang mata pero di ako makatulog ulit kasi kapag pinipikit ko ang mga mata ko, ang nakikita ko ay ang walang kwentang pagmumukha nung tangang yun.
"Argh!!!" sigaw ko saka umupo
Di na ako makatulog dahil sa pesteng yun!! Sarap niyang patayin! Nakakainis!
Tumayo na lang ako at saka dumiretso sa CR ko at naghilamos.
'Bwisit na umaga dahil sa bwisit na tanga! Kainis!'
~~~~~~~~~~~~~~~
Kyle's PoV
Kainis na yun. Siya na nga ang ginising, siya pa galit. Langhiya.
Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Mama ng nakangiti..
"Ano? Nagising mo ba? Masaya ba siya nung nakita ka niya?" tanong niya sakin pero na pakamot lang ako ng batok ko
"Hindi po eh" sagot ko
"Huh?" nagtatakang tanong niya
"Nagalit po sa akin" sabi ko saka umupo sa sofa nila
![](https://img.wattpad.com/cover/15692963-288-k349250.jpg)
BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
Teen FictionI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...