Chapter 13- WAY #6 (Part 3)

133 3 0
                                        

Chapter 13- Way #6 (Part 3)

Simula ng araw na iyon ay di na siya tinigilan ng anim niyang kaibigan.. Walang oras na di siya inaasar at tinutukso. Tila isang bangungot ang araw na yun para kay Shekairah. Isang bangungot na ang sarap kalimutan.

Lagi siyang inaasar ng mga kaibigan niya na may gusto na daw siya kay 'tanga' pero syempre itinatanggi yun ni Shekairah kasi yun ang totoo para sakanya. Sa loob din ng tatlong araw na yun ay walang 'tanga' na nagparamdam sakanya. Di ito nagpakita kay Shekairah na siya namang ikinakaba ng dalaga. Maraming pumapasok sa isipan niya kung bakit di na nagpapakita sakanya si 'tanga'. Isa na dito ang dahilan na baka itinigil na ni 'tanga' ang panliligaw at mas piniling iwasan na si Shekairah.

'Di pwede' naisip isip ni Shekairah

Sa tatlong araw na yun ay walang saglit na napapaisip si Shekairah at lagi siyang kinakabahan sa tuwing maiisip niya ang dahilang yun. May parte sakanya na tumutulak na paniwalaan yun pero meron din namang nagsasabi na katangahan lamang yun kasi tanging siya lamang ang magsasabi kung kaylangan niya na bang tumigil sa panliligaw.

Pero agad na sumagi sa isipan ni Shekairah yung mga sinabi niya kay 'tanga' nung nakaraang araw.

Napasapo niya ang noo niya at saka inis na binulong sa sarili...

"Parang sinabi ko na din pala na tumigil na siya. Tanga"

Inis niyang iniyuko ang ulo sa lamesa ng upuan niya. Paulit ulit niyang sinasabihan ng tanga ang sarili dahil sa ginawa niya. Tila para siyang baliw na kanina pa bulong ng bulong sa sarili na agad namang ikinataka nung anim na katabi niya.

"Masama na ang tama ni Ara.. Nakadrugs na ata siya" bulong ni Charlene sa iba nilang kaibigan

"Di yan nakadrugs. Inlove na ata ang loka kaya ganyan" bulong din ni Althea na ikinalaki naman ng mata nung lima.

"Di nga??" di makapaniwalang tanong nila kay Althea na nginisihan lamang niya

"Kilala natin si Ara. Di yan ganyan kumilos. Tignan niyo nga, si Ara ba ang nakikita niyo? Halos masira niya na yung desk niya kakapukpok ng ulo niya dun. Di ganyan katanga si Ara alam niyo yan" pagpapaliwanag ni Althea at saka marahang tinignan si Shekairah na bulong ng bulong sa sarili.

Nagtaka ang anim sa inaasta ni Shekairah. Tama sila, di ganyan si Shekairah kasi di niya ugaling gumawa ng mga bagay na magmumukha siyang tanga gaya ngayon.

"Inlove? Dahek! Nagbibiro ka ba Althea?" tanong ni Mitchel kay Althea

Napangisi na lang si Althea. "No, I'm not" seryosong sabi niya

"Everybody change guys. Even Ara can change" sabay ngiti sa lima at kumindat pa

Di makapaniwalang tinignan nung lima si Shekairah na ganun pa din ang ginagawa.

"Ilang araw ng di nagpapakita si loverboy at sa mga araw na yun napansin kong lagi siyang aligaga. Di siya mapakali at laging palingon lingon na para bang may hinahanap. Nadulas pa nga siya satin diba? Bigla na lang niya nabanggit si loverboy kahit na wala naman tayong sinasabing pangalan. She's totally over him. Sigurado ako dyan" nakangiting sabi ni Althea

"I agree" pagsang ayon naman ni Charlene dahilan para lingunin siya nung apat (Chloe, Mitchel, Ysai, Lily) ng nagtataka.

Nginitian niya lang yung apat at saka umupo ng maayos habang nakatingin sa sapatos niya at para bang may inaalala.

"Di lang si Althea ang nakakapansin nun. Before pa mang mangyari yung pagkadulas ni Ara ay naghihinala na ako. I even talked to Ara a few days ago. I ask her if it is okay if we can have a talk. A serious talk. But as Ara herself, she just ignore me thats why I start our conversation." napangiti siya nung maalala niya yung pagtataray sakanya ni Shekairah. Pinagpatuloy niya lang ang pag alala sa mga pinag usapan nila hanggang sa maalala niya yung reaksyon ni Shekairah nung may tinanong siya sakanya.

Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon