Chapter 19- Way #9 (With Him)
MacriSizzy/Crissy:
Dahil ang author ng storyang ito ay dakilang tamad at walang kwenta, i-fafast forward niya na ito sa uwian. Ganun kasipag ang author nito, walang pinagbago. Tss. Matatapos na lang ang storyang ito mukha paring tanga ang author. Haha. Okay, nilait ko na sarili ko *insert pout here*
But anyway guys, thanks for reading this story kahit na masama ang ugali ng bida. Ako na ang humihingi ng tawad sa KABAITANG pinakita ni Shekairah sa inyo. Bayaan niyo, papatayin ko siya sa huli para naman makabawi kayo. Buwahahaha.. XD Pero humihingi talaga ako ng tawad sa sobrang katamarang pinaiiral ko. Hinahabol ko kasi yung bakasyon kasi sa pasukan yung IDMP na ang gagawan ko ng update. Nakaplano na ang lahat kaya naman kung kailangan na hanggang hating gabi akong gising para lang matapos to, ginagawa ko. Pinaghihirapan ko din naman ang mga ginagawa kong bawat chapter kaya sana maintindihan niyo. :)
So, yun lang naman ang ipuputak ko ngayon. Salamat sa pagbasa nito!! Sana maintindihan niyo!! Thank you very much!! *Muuaaaahhhh* ^__^
****U W I A N****
"Kai gala naman tayo" sabi sakin ng katabi ko na sino pa nga ba? Tss.. Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng Kai.
Tinignan ko siya at saka tumingin ulit sa mga gamit kong pinapasok ko sa bag ko. Nandito kami sa room at kanina niya pa ako kinukulit ng kung ano ano.
"Ngayon?"
"Oo sana, magiging busy na kasi ako sa susunod na araw kasi may practice na kami sa basketball"
Sinuot ko na yung bag ko at saka maayos na tinignan siya..
"Basketball? Naglalaro ka nun?"
"Psh. Oo naman" sabay ngiti sakin
"Ako nga MVP ng batch natin eh" pagyayabang niya sakin
Napakunot lang ang noo ko at di makapaniwalang tinignan siya.
"Pinagloloko mo ba ako?" tanong ko sakanya at saka tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"MVP? Ikaw?... Sa liit mong yan?" di makapaniwalang tanong ko sakanya
Agad na nanlaki ang mga mata niya at saka inis na tinignan ako..
"Maliit?! Sa tangkad kong to maliit pa ako?!" sabay turo sa sarili niya
Napangisi ako sa naging ekspresyon niya at saka iiling iling na sinagot siya..
"Sino namang nagsabi sayong matangkad ka ha? Mas matangkad pa nga ata ako sayo..Tss"
"Anong mas matangkad...Tignan mo nga oh" sabi niya habang sinusukat ang height ko at tinitignan kung sino ang mas matangkad.
"Isang dangkal ang lamang ko sayo! Wag kang mayabang!" inis na sabi niya sakin
Tinulak ko siya papalayo sakin at nakangisi na tinignan siya..
"Mukha kang tanga.. Niloloko ka lang eh..Masyado kang defensive. Tsk"
Napataas ang gilid ng labi niya at saka inis na kinuha ang bag ko.. Nagulat naman ako kaya hinila ko yun pabalik.
"Anong ginagawa mo?"
"Ako na magdadala" nakangiting sabi niya at saka hinila ng malakas yung bag
"Anong magdadala? Anong tingin mo sakin walang kamay? Akin na nga yan!" Sinubukan kong kunin ulit yung bag ko pero inilayo lang niya at sinuot na yung isang strap nun sa kanang balikat niya.
"Ayaw kong mapagod ka" sweet niyang sabi na inirapan ko lang
"Tumigil ka dyan tanga ha.. Ibalik mo na nga yan sakin! Leche ka!" inis na sabi ko pero nginitian lang niya yun at saka dahan dahan na inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pero natigilan ako at parang napako nung malapit na malapit na talaga ang mukha niya sakin at nararamdaman ko na yung paghinga niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15692963-288-k349250.jpg)
BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
Teen FictionI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...