# NO ONE IN THIS WORLD IS BUSY , IT IS ALL ABOUT PRIORITIES ?
*****
KHAYZEE POV
Kasalukuyan naming inaayos ang higaan namin . Gabi na din kasi at tapos na din ang aming mga trabaho . Nag uusap lang sina Manang Dulce at Carie Jane ng mga bagay na hindi ko maintindihan . Mafia i guess ?
Manang Dulce pwede po kaya ako magtuloy sa pag aaral ko ? Singit ko sa usapan nila . Nagtataka naman silang napatingin sakin .
Khayzee iha , si Ma'am Carryle lang ang makakasagot niyan nakangiting sagot ni Manang Dulce sakin . Napatango naman ako dahil sa sagot niya . Gusto ko talagang makapagtapos ng pag aaral ko . Yon lang ang tanging regalong maibibigay ko kay inay ?
Anong year ka na ba Khayzee tanong ni Carie Jane sakin .
Incoming fourth year sagot ko sa kanya . Napatango tango naman siya dahil sa sagot ko . Isang taon nalang makakagraduate na ko ng college . Sana payagan ako ni Ma'am Carryle . Kakausapin ko talaga siya bukas .
A-ah Manang Dulce , Jane iinom lang ako ng tubig . Nauhaw ako bigla eh paalam ko sa kanila . Nagnod naman sila sakin . Paglabas ko ng kwarto namin at saktong bubuksan ko na sana ang pinto ng kusina ng marinig kong may nagbubukas sa may main door . Dahil sa nacurios ako mas pinili kong sumilip . Baka magnanakaw eh ? Hindi ko mapigilan ang mapasinghap ng makita kong isang lalaking ubod ng gwapo ang nakita ko . Sakto kasi humarap siya kanina kaso hindi niya ako nakita dahil nagtago ako agad . Muli na naman akobg sumilip , susuray suray siyang maglakad . Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang nakahandusay na sa malamig na tiles ng sala . Paano ? Naglalakad pa naman siya kanina ah . Nakatulog pa ako . Dahil sa taranta ko agad akong tumakbo palapit sa kanya . Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya . Kissable lips , maamong mukha , mahabang pilik mata , matangos na ilong . Bakit ko ba siya inilalarawan . Mali ito ? Teka ! Siya siguro si Sir Matthew yong anak nila . Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko nga siya . Naalala ko kanina habang naglilinis ako nakita ko yong picture frame sa taas , siya pala yon . Tatayo na sana ako para humingi ng tulong kina Manang Dulce ng bigla niyang hawakan yong braso ko kaya halos mayakap ko na siya . A-amoy alak siya .
M-mian p-please d-dont l-leave m-me napatitig ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya . There's a part of me na nasasaktan ako . Mas lalo akong lumungkot ng makita ko ang isang butil ng luha na tumulo sa mata niya . Pinunasan ko ito subalit iba ang hatid nito sa akin . Para akong nakuryente sa saglit na pagdampi ng daliri ko sa mukha niya . Hindi ko alam kong anong pakiramdam to pero kailangan ko siyang iwasan . Mabilis na akong tumayo at halos takbuhin ko na makarating lang ako agad sa kwarto namin .
Iha bat ganyan ang ayos mo . Tumakbo ka ba ? Gulat na tanong ni Manang Dulce sakin . Hinabol ko muna ang paghinga ko bago ako sumagot sa kanya .
M-manang D-dulce may lalaki pong nakahandusay sa sala hingal na hingal kong sabi sa kanila . Hindi ko na nga halos namalayan na sumusunod na pala ako ulit sa kanila pabalik sa sala kong saan nandoon yong lalaking nakahandusay .
Oh my god ? Napatakip pa sa bibig niya si Jane ng makita niya si Sir Matthew .
Sir Matthew nag aalalang tawag naman ni Manang Dulce doon sa lalaki . Wala akong nagawa ng simulan nilang buhatin si Sir Matthew patungong kwarto niya . Natataranta naman akong naglagay ng maligamgam na tubig sa planggana at malinis na bimpo . Sabi ni inay kapag lasing daw ang isang tao ito ang mabisang gawin . Sumunod naman ako agad sa kwarto ni Sir Matthew .
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Sir Matthew pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat lahat sa mukha ko . Hindi ko alam na binibihisan pala siya . Iniwas ko nalang ang tingin ko . Ngayon lang ako nakakita ng ganon sa tanang buhay ko . Inilapag ko nalang ang dala ko sa gilid ng kama ni Sir Matthew . Nakatalikod na ako sa kanya at handa ko ng ihakbang ang isang paa ko ng nagulat ako dahil hinila niya ang braso ko saka siya nagsalita .
M-mian don't l-leave me a-again p-please nagtataka naman akong napatingin sa kanya . Nakapikit naman siya . Baka nagdedeliryo lang siya . Pagtingin ko sa dalawang kasama ko nakanganga silang nakatingin sa braso kong hawak pa rin ni Sir Matthew . Ano ba ang nangyayari . At sino ba si Mian ?
Bigla nalang sumakit yong ulo ko . Yong sakit na hindi mo gugustuhing maranasan . Ang sakit sobra ? Parang binibiyak yong ulo ko . Hindi ko na kaya . Umiiyak na ako sa sobrang sakit . What is happening to me . Ngayon lang nangyari sakin to .
Aaarrrrrggghhhh sigaw ko pa bago ako nawalan ng malay .
Narinig ko pang tinawag nila ako , Khayzeeee ....
Everything went black .....
----
Done Chapter 3 :) Vote and Comments are HighLy appreciated Guys ^_^
I Hope it Suits To Your Taste's again :) Ciao !!
Add Me on Facebook ( LEEN CHAN ) or ( MIAN LIUXSHINNE ) // ?
You can aLso Like our New Page on Facebook ( GODDESSYUNA'S STORIES ) ! NAHACK YONG DATING ACCOUNT KO :) I aLso Need an Active Admin To Care For our BeLoved Page :* PM Me For The other inFo's about That Admin Thingy ?
Xiexie 😍😘❤❤❤
#GoddessYuna ❤
YOU ARE READING
UNEXPECTEDLY YOURS
ActionHindi ko kayang pigilan ang sarili ko kapag nakakaamoy ako ng dugo . Gusto kong makakita ng maraming dugo . // Mian Athena Liuxshinne // --- Sa kanyang pagkalimot sa kanyang kinagisnang buhay nga ba ang siyang maghahatid sa kanya sa kapahamakan . *...