Garlic’s POV
Hindi ko maisip na darating ako sa time na ganito, oo alam ko nagkakagusto ako, nagkakacrush pero hindi ko inexpect na iibig ako ng ganito katinde, yung pakiramdam ko na kapag hindi ko na siya nakikita walang kwenta lahat.
Nakakainis kase feeling ko nagiiba ako kapag nakikita ko siya, hindi ko din siya kinakausap para itago yung nararamdaman ko, alam ko masungit ako pero who cares yun ang paraan para itago ko yung nararamdaman ko.
“Garlic” Tumingin ako sa gawi kung saan narinig ko ang pagtawag ng pangalan ko, ng mapadako ang mata kung sino bigla atang nagdrible ang puso ko. Tinaasan ko siya ng kilay at ibalik ang tingin ko sa ginagawa ko.
Allison tinatawag niya ako pero hindi ko kailangan magpahalata na gustong-gusto ko siya, hindi nga dapat niyang malaman eh. Nagulat ako ng may bumagsak na kung ano sa harapan ko. Isang malaking notebook, lumingon ako at nakita ko nanaman siya.
“Be my date sa prom Garlic” Nanatili akong tahimik totoo ba’to inaaya niya ako? Paano kung trip lang pala. Paano kung joke lang’to. Paano ako? Paano yung puso ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
“Allison. .pwede ba wag ako ang pagtripan mo” Tumayo ako kinuha yung bag ko, nagulat ako ng hablutin niya yung braso ko at titigan ako.
“Hindi ako nangttrip garlic infact gusto talaga kita” Napataas ang kilay ako, nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung pisngi ko, agad akong lumayo nakaramdam kasi ako ng kuryente nakaramdam ako ng kilig.
“Pwede ba stay-away from me” kumunot ang noo niya at tumingin sakin bago ulit ngumiti.
“Be my date tapos titigil na’ko” Huminga ako ng malalim sabay tumango nakita ako ang pagyes niya ng malakas, hindi ko alam paano ko pipigilan mapangiti, masarap pala, masarap palang mapansin ka ng taong gustong-gusto mo.
Sumapit ang araw ng prom at ng pagtatapos lumipas ang ilang araw pero hanggang ngayon hindi parin niya ako tinitigilan infact sumobra pa, pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko sa ginagawa niya, isang sikat sa school namin ginagawa sakin ang mga bagay na ganito, he makes me feel special. Hanggang sa hindi ko narin nakayanan ang pagpapanggap, ang magpanggap na hindi ko siya mahal.

BINABASA MO ANG
Lovingyou Secretly (Completed)
Roman pour AdolescentsHow can I live when I stop doing the things make me want to live? - Allison Trevor