Four

3.6K 71 0
                                    

Allisons POV

 

Wag mo ako ismallin Allison, hindi na ako yung garlic na nakilala mo nuon Napangiti ako ng mapain, siguro nga nagabago kana, siguro nga hindi na ikaw yung garlic nuon, pero mahal parin kita nuon hanggang ngayon.

Nabuntong hininga na lang ako habang sinusundan ko ng tanaw ang anino niya, siguro kasalanan ko lahat bakit siya ganyan, at kailangan may gawin ako, para bumalik kami sa dati, para bumalik siya dati, alam ko hindi ganon-ganon kadali patawarin yung kasalanang ginawa ko, at hindi ko rin alam kung may chance na mapapatawad niya ako.

Tumalikod ako at pumasok ulit sa bar.

“Hi Trevor right? Nakita mo ba si Garlic?” Tumingin ako sakaniya.

“Umuwi na siya nauna, sumasakit daw ulo niya” Ngumiti siya sakin.

“Ah ganon ba? Thankyou ha”

“Welcome?” Inabot niya yung kamay niya sakin.

“Onion, I’m Onion” Napakunot yung noo ko sabay naman pagtawa niya, oh well hindi na ako nagtaka kung bakit siya mahal ng kaibigan ko.

“Kaming magkakaibigan unique ang mga pangalan namin, si Garlic yung kasama mo, si Mint naman yung kasama ni Javed, at si Pepper ang asawa ni Willson” She smiled.

“You mean?” Tumango siya.

“Yeah seasoning ang mga pangalan namin magkakaibigan” Natatawang sabi niya. Natawa na din ako.

“Ibang klase pala ang trip ng mga mama niya, magkakabigan ba mga nanay niyo?” Nagkibit balikat siya.

“Hindi ko nga alam eh, basta alam ko kaming apat magkakaibigan” Tumango ako.

Lovingyou Secretly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon