Allison’s POV
I hope, I wish na narinig niya lahat ng sinabi ko, na sana naniniwala siya, nasa umoo siya, na sana ipaglaban niya na ako ulit, ngumiti ako sa mga tao sa pagibig radio, kahit na hindi ko siya kaharap, kahit na hindi ko pa alam ang sagot inaamin ko dinadaga yung puso ko, naduduwag ako baka hindi isagot ng mahal ko.
And it’s a failure to me, pero kahit na, kahit na ilang beses siyang tumanggi, kahit ilang beses, uulit-ulitin ko sakaniya yung mga salitang will you be my forever bliss, sakaniya ko lang yung nararamdaman yung bliss parang magic, kapag nandiyan siya sobrang saya ko na, sobra.
Lumabas ako ng pagibig radio, dumiretso ko sa bahay nila, who knows alam niya na, who knows narinig niya, who knows umoo pala siya, ayoko magisip ng negative ngayon ang gusto ko lang yung makita ko siya, at masabi ko sakaniya ulit kung gaano ko siya kamahal. Having a life without her is a mess, it was just a zombie life, yes you have your body but she had your heart, mind and soul. And I don’t want a zombie life, I want her for the rest of my life.
Dumaan ako sa isang flowershop, alam ko hindi na niya makikita to, pero kahit na, gusto ko malaman niya na kahit tumakbo siya, hahabulin at hahabulin ko siya. Ganon naman diba? Mahal ko siya pinabayaan ko, umayaw siya hinabol ko.
Well kahit ilang beses siyang umayaw, hindi ako susuko hanggang bumalik siya. Me with her was destiny, By faith I know I am the one for her.
Mga ilang minuto lang ang tinakbo ng sasakyan papunta sa bahay nila Garlic, Mabilis ako tumakbo papasok sa bahay nila, laglag ang balikat ko ng makitang wala ng tao sa bahay nila.
“Huli na nga ako” Napabuntong hininga ako, napakunot ang nook o ng pagpasok ko sa kwarto niya bukas ang radio?
“Hokai okay, may isang magandang binibi ang naligaw dito, hindi kaya siya ang nawawalang puso ng gwapong lalaking nagpunta dito? I think bagay sila hahahahaha. Hay pagibig nga naman well pakinggan po natin siya”
“Babe”
Kaboses niya, Garlic is that you?
“Hi babe. Alam mo kung sino ka puntahan moko at sasagutin ko yung tanong mo.”
Hindi ko alam kung anong irereact ko pero yun ata ang pinakamsayang sagot na nakuha ko sa buong buhay ako, para akong nagtest at nakakuha ng higher score, para akong nanalo sa lotto na hindi ako tumayo and yes it was priceless.
Garlic’s POV
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kinakabahan ako, pero kahit na alam kong kailangan ko saguti ang tanong niya, alam kong kailangan sumagot ako, dahil sa sagot ko nakasalalay ang happy ending namin dalawa, kung meron ba o wala, kung may chance ba o wala.
Huminga ako ng malalim, atat na atat na ako makarating sa radio station, kinakabahan ako, sana. . sana marinig niya din ang sagot ko sana malaman niya din na kahit anong mangyari siya padin an gang mahal ko.
BINABASA MO ANG
Lovingyou Secretly (Completed)
Teen FictionHow can I live when I stop doing the things make me want to live? - Allison Trevor