Six

2.8K 55 1
                                        

Garlics POV

 

Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay, pero ng mapagtanto ko mali yung nararamdaman ko agad ko binura yung ngiti na yon, hindi pa ako nagtatagumpay hindi pa ako dapat maging masaya, hindi pa ako nakakaganti nagsisimula pa lang yung plano ko.

Nagsisimula pa lang. . . Matagal pa bago matapos at alam kong sa pagtatapos na ito, siya ang masasaktan ng sobra. Siya lang. . siya na lang.

“Saan ka galing?” Tinaasan ko ng kilay si Pepper.

“Somewhere, ikaw saan ka pupunta?” Bigla siyang namula.

“Makikipagdate ako Garlic please pumayag ka” Sino ba ako para hindi sila payagan? Tska nakikita ko naman na iingatan siya ni Willson takot niya lang sakin.

“Oo na, basta magingat ka” Tumalon siya ng yakap sakin.

“Thankyou Inay” Tumango lang ako, pumasok ako sa kwarto ko. Masiyado maraming nanyari, nakalimutan ko na hindi ako dapat magpaapekto sa salita at pinapakita niya, minsan na ako nahulog sa patibong na yon at sobrang mapanganib mahulog sakaniya. Sobra

Humiga ako, bakit kapag naiisip ko yung dati masakit padin? Ewan ko ba, sa tuwing naiisip ko na sinaktan niya lang ako para bang ora mismo gusto ko na gumanti sakaniya pero hindi pa pwede, hindi pa.

Hindi pa siya masasaktan ng sobra, gusto ko yung sobra. . yung tipong walang matitirang pagmamahal sakaniya dahil lahat ibibigay niya, gusto ko siya makitang umiiyak at nahihirapan.

Pinikit ko yung mata ko, bakit sa tuwing ipipikit ko yung mata ko mukha niya ang naalala ko. Naalala ko lahat, kung saan nagsimulang mahalin ko siya. And the saddest thing  ay yung akala ko talagang mahal niya ako. Pero sino ba naman hindi madadala sa salita at effort niya. Kahit siguro nung mga panahon na yon, kahit gumuho ang mundo siya padin ang pipiliin ko.

Pero sinayang niya, sinayang niya lahat. Hanggang sa magdilim ang paningin ko wala ako makita siya padin ang naiisip ko at iisang tanong lang ang pumapasok sa utak ko. “Bakit sa dinami-dami ng taong mananakit sakin bakit ikaw pa?”

Lovingyou Secretly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon