Spring One: Just Another Day

3.8K 119 18
                                    

Spring One: Just Another Day

..~*+*~*+*~*+*~..

“Bumangon ka na, Jin!”

Deadma. Wow. Hindi pa ba sapat ang lakas ng sigaw ko? Kulang pa? Bumuntong-hininga ako at naikuyom ang kamao ko. Kung hindi lang dahil sa pesteng lalaking ito, kanina pa dapat ako nasa Arco Iris.

“Jin! Ano ba!? Kapag hindi ka pa bumangon diyan, isusumbong kita kay—”

“Shut that loud mouth,” asar niyang sabi.

“Hindi ko ititikom ang bibig ko hangga’t hindi ka pa bumabangon! Ano ba!? Kung ayaw mong pumasok, huwag mo akong idamay!”

Bigla siyang umupo sa kama at asar na kinamot ang batok niya. “Dinadamay ba kita? Pakialam ko ba sa’yo? ‘Di pumasok ka kung gusto mo.”

Wow. Ang aga-aga, napaka-arogante niya. “Kung hindi ko lang tungkuling gisingin ka araw-araw at siguraduhing pumapasok ka sa unibersidad, hindi ako mag-aabalang pumasok sa isinumpang kuwarto mong ito!” sigaw ko.

“Pakialam ko ba sa tungkulin mo? Umalis ka na nga,” antok niyang sabi.

“Aalis talaga ako! Para namang gusto kong mag-stay rito eh. Bilisan mo! Kapag hindi ka pa bumangon diyan, makikita mo. Makakarating ito kay Sensei.”

“Sumbungera,” iritadong sabi niya. Umalis na siya mula sa kama. “O, ano? ‘Di ka pa aalis? Panunuorin mo akong magbihis? Manyak.”

Napanganga ako. “Ano kamo? Ako? Ako ang sinasabihan mong—”

“Just go away, please? My morning’s already ruined. Just go,” asar niyang sabi.

Asar akong tumalikod sa kanya at padabog na naglakad papunta sa pintuan. Isinara ko iyon nang malakas. Masira sana ang eardrums niya.

Grabe. Grabe talaga. Sobrang sagad ng attitude problem niya. Hindi ko talaga alam kung bakit noong nagsabog ng kasamaan ang kalangitan eh siya lang ang gising para saluhin ang lahat ng iyon.

Pumasok ako sa kuwarto at padabog na hinablot ang gamit ko. Bahala siya. Kung ayaw niyang pumasok, bahala siya sa buhay niya. Makakarating ito sa nanay niya.

Aalis na dapat ako noong naalala kong hindi pa pala siya kumakain. Leche. Leche talaga. Pati ang pagkain niya eh tungkulin ko pa. Kailangang ako pa ang mag-asikaso ng pagkain niya at siguraduhing nakakain na siya.

Hindi yata dapat fiancée ang tawag sa akin eh. Yaya. Buwiset. Ang tanda na niya. Buwiset talaga.

Dali-dali akong nagtungo sa kusina ng boarding house kung saan kami namamalagi. Binuksan ko ang gas at apoy. Kung puwede lang talagang siya na lang ang lutuin dito eh tapos ipakain sa balyena.

Nagluto ako ng itlog at hamon. Nagsangag na rin ako ng kainin. Nakakahiya naman masyado sa makapal niyang mukha kung tinapay lang ang ipapares niya sa ulam. Ipinagtimpla ko na rin siya ng gatas at kung puwede lang talagang lagyan ng insecticide ang gatas niya, kanina ko pa ginawa.

Pumasok siya sa kusina habang inilalapag ko ang pagkain niya sa lamesa. “Ano ito?” masungit niyang tanong.

“Malamang hindi malinaw sa katangahan ng mga mata mo ang mga iyan, ‘di ba? Kaya sasabihin ko na lang sa’yo. Pagkain ang tawag diyan,” sagot ko.

“Don’t use sarcasm on me.”

“Don’t use sarcasm on me,” ulit ko in a mocking voice.

Inangat niya ang pinggan at akmang babatuhin ako. “Lumayas ka nga sa paningin ko.”

“Talagang lalayas ako sa paningin mo. Diyan ka na. Mabulunan ka sana. At mapadpad sa impiyerno,” asar kong sabi at padabog na umalis.

“Ang sama ng lasa!” tawag niya mula sa kusina, pero hindi ko siya pinansin.

Song of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon