Spring Three: The Exchange

2.5K 114 7
                                    

Spring Three: The Exchange

..~*+*~*+*~*+*~..

“Jin Young!”

“Kuya, ang guwapo mo talaga!”

“Bad boy!”

Ngumisi si Jin. Umirap naman ako. “O, nandiyan na ang mga fan girls mo. Aalis na ako,” sabi ko habang naglalakad papunta sa main campus ng Arco Iris.

“Sandali,” sabi niya habang hila-hila ang backpack ko.

“Ano na naman?”

“Samahan mo ako mamaya.”

“Saan? ‘Di ako puwede. May tatapusin akong project.”

“Pakialam ko ba sa project mo? Basta samahan mo ako.”

“Saan ba? Sa impiyerno? Mag-isa ka.”

“Hindi, Timang. Sa plaza.”

“Huwag mo akong tawaging timang, gunggong ka. At anong gagawin mo sa plaza?”

“Bibili ng damit.”

Napapikit ako. “Bibili ka lang ng damit, kailangan mo pa ng kasama? Ayoko. Busy ako.”

“Pakialam ko? Basta samahan mo ako.”

Grr. He’s being a spoiled brat again. “Hindi nga puwede. At saka bakit kailangan mo pa ng kasama eh bibili ka lang naman ng damit?”

“Hindi ako marunong pumili ng damit.”

Napakurap ako. “Ano kamo? Eh sinong bumibili ng damit mo?”

“Mama ko. Ano ba? Ang dami mo namang tanong. Basta samahan mo ako.”

“Mama’s boy ka talaga eh, ‘no? Wala kang ibang alam na gawin kapag wala ang nanay mo,” asar kong sabi sa kanya.

“Bakit, ako lang ba? Sina Jiro rin naman, ah?”

“Nandamay ka pa ng kapatid. Bahala na nga mamaya.”

“Anong bahala na? Basta samahan mo ako. Kapag hindi mo ako sinamahan, isusumbong kita kay Mama at makakarating ito sa mga magulang mo. Malalaman nilang hindi mo ako inaalagaan nang mabuti.”

Nagpamewang ako. “Alam mo? Hindi fiancée ang kailangan mo eh. Yaya,” inisi kong sabi.

“Huh. Pareho lang naman ‘yun. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ng mapapangasawa ng mga Youngs? ‘Di ba ang pagsilbihan kami?”

Napanganga ako. Grabe. Siya na. Siya na talaga. “Wow, ha. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili. Diyan ka na nga,” sabi ko. Tinalikuran ko na siya, pero agad din akong humarap sa kanya. “Huwag mong lalahatin. Sa tingin ko naman eh hindi lahat ng Youngs eh katulad mo. Ikaw lang talaga ang naiiba. Alien. Cheh.”

Padabog ko siyang nilayasan. Kahit kailan talaga eh hindi kami magkasundo. Hindi ko talaga alam kung anong iniisip ni Sensei Muse kaya hindi niya binubuwag ang kasunduan sa pagpapakasal sa amin ni Jin samantalang halatang-halata naman kung gaano namin ka-ayaw sa isa’t-isa.

Noong natapos ang lahat ng klase ko para sa araw na ito, akala ko eh makakauwi na ako, pero hindi pa pala. Seryoso talaga siya eh. Seryoso siyang kailangan ko siyang samahang bumili ng damit. At seryosong hindi siya marunong pumili ng damit. Utang na loob.

“Ito. Saka ito. Pati ito,” sabi niya habang tinatapon sa harapan ko ang mga t-shirt na pinagkukuha niya sa isang shop.

Nasasalo ko naman ang mga lecheng damit na iyon, pero… “Ano ba!? Anong akala mo sa akin? Chimay mo?”

Song of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon