Spring Eleven: Natural
..~*+*~*+*~*+*~..
“Po? Pero may klase po kami,” sabi ko.
“Huh. You can survive your classes after being on leave for five days,” antok na sabi ni Sensei Muse. “Just do it.”
“Pero, Sensei Muse, ano pong gagawin ko doon?”
“Just be with him.”
“Po? Baka po makaabala lang ako doon.”
“You won’t. You have to keep an eye on him.”
“Bakit po? Kaya naman po ni Jin ang sarili niya.”
“Huh.”
Napakamot ako ng ulo. “Sensei Muse—”
“That’s final. Go with him.”
Bumuntong-hininga ako. “Saang lugar po ba iyon?”
“You don’t have to know. Just go with him.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napanganga na lamang ako. Ngayon lang ako nakarinig ng instructions na sumama sa isang tao without knowing kung saan kami pupunta.
Noong lumabas ako mula sa opisna ni Sensei Muse, nakita ko siyang kausap si Jin. Dinig na dinig ko mula sa kinatatayuan ko ang pagpoprotesta ni Jin sa nanay niya.
“Naman, Ma! ‘Di puwede ‘yun!” sigaw ni Jin.
“Voice.”
Agad tinikom ni Jin ang bibig niya, pero binuksan niya rin ulit ito. “Naman, Ma—”
“Shut up and do what I say.”
“Pero bakit kailangan pang may warden?”
“Warden? You trying to make me laugh?”
“Ma, ‘di ako nagbibiro.”
“You think I’m joking? You want to do this or not? Save me the time and tell me. Jun’s on stand-by.”
Sumimangot si Jin. “Kaya ko ‘to.”
“Then what’s your problem?”
“Eh kasi kapag si Jun, siya lang mag-isa. Bakit kapag ako, may kasama pa?” reklamo ni Jin.
“Why do you compare? You and Jun are different.”
“Ayun nga eh! Naman, Ma! Favoritism ‘yun!”
“I don’t play favorites, Brat.”
“Mama!” asar na sigaw ni Jin. “Kaya ko na ‘tong mag-isa!”
“One more word, Jin Young, and I will shut that mouth of yours.”
Napaupo si Jin sa sahig at humalukipkip. Napailing ako. Kahit kailan talaga, isip-bata ‘tong lalaking ‘to. Tumawa nang mahina si Sensei Muse at tinapik siya sa ulo.
“Do well, my son. Make me proud,” mahina, ngunit narinig kong bulong ni Sensei Muse sa kanya.
Bumuntong-hininga si Jin at saka tumango. Tumango siya at saka yumuko. “Yes, Mother,” nanlulumong sabi niya.
Nagkibit-balikat ako at napagtantong tapos na ang usapan kaya’t lumapit ako sa kanila. Hinawakan ko si Jin sa braso. “Tara na,” aya ko sa kanya. Yumuko ako kay Sensei Muse bilang paggalang at saka hinila si Jin papalayo.
“Don’t worry. I won’t get in your way. Siguro may magandang rason ang nanay mo kaya niya ako pinasama sa’yo. Huwag mo na lang isipin iyon. Gawin mo na lang kung anong dapat mong gawin at sabihin mo na lang sa akin kung ano ang dapat kong gawin, okay?” sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Song of Spring
ChickLit“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”