Spring Twelve: Mystery
..~*+*~*+*~*+*~..
“Aalis ka na naman? Saan ka ba talaga pumupunta?”
Ngumisi siya. “You don’t need to know.”
Sinimangutan ko siya. “Fine. Just come back alive.”
“Mahal mo talaga ako, ano?”
Kumurap ako. “Excuse me? Are you… are you out of your mind!?” I snapped. “I’m just doing my duty, you idiot!”
Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo eh,” nakangising sabi niya. “Pero kung sabagay, sino ba naman kasi ang hindi magmamahal sa akin? Sa talino at guwapo kong ito? Huh. Timang lang ang ‘di mahuhumaling sa isang Jin Young.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, akala ko ba sabi mo eh timang ako? So malamang ‘di ako mahuhumaling sa’yo.”
Ngumisi lang siya. “Kung ano man,” nakangising sabi niya. “Ja amata ne.”
Ano raw? Bago pa ako nakapagsalita, inunahan niya na ako.
“See you later.”
..~*+*~*+*~*+*~..
Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Nanginginig ang mga kamay ko. Napakagat ako ng labi. Inilapag ko ang ulam sa lamesa. Nabitiwan ko ang hawak kong sandok na kahoy at nahulog iyon sa lamesa.
Ano ba ito? Napapraning ako. Kinakabahan ako na natotorete na hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa sistema ko.
Noong narinig kong bumukas ang pintuan, agad akong lumingon. Halos maubos ang dugo ko sa katawan noong nakita ko si Jin na duguan.
“OMG! Jin Young!” sigaw ko at dali-dali siyang tinulungan papasok sa loob ng kubo. Inalalayan ko siya papunta sa kama at inihiga doon.
Hindi na ako nagtanong kung anong nangyari. Agad kong isinagawa ang dapat kong gawin. Binalaan ako noon ni Sensei Muse eh. Buong akala ko ay hindi ko masasaksihan ang sitwasyong ito. Buong akala ko ay sinasabi lang iyon ni Sensei Muse, pero… totoo nga. Totoo ang ganitong sitwasyon.
Mabilis kong hinubad ang suot niyang pantaas at hinanap ang pinagmulan ng dugong umaagos sa katawan niya. Nakapikit siya at malalim ang kanyang paghinga. Nanginginig ang kamay ko habang sinusuri ang buong katawan niya.
Nakita ko na ang mga sugat. Oo, mga sugat dahil hindi lang iyon iisa. Meron siyang sugat na malaki sa may bewang at braso. Sugat dahil sa matalas na bagay. Inamoy ko iyon para malaman ko kung may lason ba o wala. Sa awa ng langit, walang lason. Pero maraming dugo ang umaagos mula sa mga sugat na iyon. Dali-dali kong kinuha ang tela at mga gamot para gamutin siya.
“Hindi ko yata kaya ito. Kailangan kitang dalhin sa opsital,” natatarantang sabi ko.
Nanghihina siyang umiling. “No. Nobody should know about this.”
“Pero, Jin, mauubusan ka ng dugo!”
“I won’t,” nanghihinang sabi niya. “Just… just close the wounds.”
“Paano?” nanginginig kong tanong habang kinakalkal ang utak ko tungkol sa mga bilin ni Sensei Muse.
“If something sharp struck and imposed wounds on the body, confirm first if it is cleared from poison. Once done, examine the wounds and make sure that there are no traces of blade or glass in the wounds. Apply pressure on the wound to stop the bleeding and hurriedly clean them. I will teach you how to treat wounds from sharp objects without poison.”
At oo, aktwal niyang itinuro iyon. Nagulat ako noong humablot siya ng basag na bote at inihiwa iyon sa palad niya. Halos mapasigaw ako, pero mabilis niya rin itong ginamot.
![](https://img.wattpad.com/cover/16864177-288-k648613.jpg)
BINABASA MO ANG
Song of Spring
Chick-Lit“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”