Spring Seven: Hidden in the Hearts
..~*+*~*+*~*+*~..
Pumunta ako sa building ng College of Finance para dalhin kay Jin ang lunch box niya. Naiwan niya kasi nang dahil sa kamamadali. Dapat daw maaga siyang makadating sa klase dahil gusto niyang makausap nang mas matagal si Jasmin.
Noong nakarating ako sa classroom nila, nakaupo siya sa tabi ni Jasmin habang ang huli naman ay nakatingin sa kanya. Nag-uusap sila. Medyo nag-alangan pa akong kumatok at istorbohin ang pag-uusap nila dahil baka maasar na naman si Jin at mag-away na naman kami. Pero dahil mahuhuli na rin ako sa klase ko kapag hindi ko pa ito inabot sa kanya, kumatok na ako.
“Excuse me? Jin?” tawag ko.
Napalingon silang dalawa ni Jasmin sa may pintuan. Nagbago ang mukha ni Jin na kanina lang ay parang nakatingin sa anghel. Ngayon ay parang nakakita naman siya ng insekto noong nakita niya ako. Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan.
“Istorbo. Ba’t ka ba nandito?”
Inirapan ko siya. “Well, sorry for trying to give you your lunch, ha. Naiwan mo po kasi.”
“Nag-abala ka pa. ‘Di ko rin naman ‘yan makakain ngayon eh.”
“Kasi?”
“Ipagluluto raw ako ni Jasmin ng tanghalian doon sa Home Economics Hall.”
“Ganoon? Sana naman sinabi mo kanina nang hindi na ako nag-abala pang magluto,” inis kong sabi. “Anong gagawin ko dito sa pagkain mo? Meron din akong baon.”
“Ipamigay mo na lang. Ibigay mo kay Jelly kung gusto mo. Alangan namang ako pa ang kakain niyan?”
Napanganga ako. Grabe. Ang harsh niya. Tinalikuran ko na siya at padabog na umalis. Iniwan ko sa entrance ang baon niya. Nag-iwan din ako ng note doon na nagsasabing donation iyon sa mga gutom.
Insensitive jerk. Really an insensitive jerk.
..~*+*~*+*~*+*~..
“Ba’t nakabusangot ang mukha mo?” tanong ni Jet noong naabutan niya ako sa kusina. “Oy, ibaba mo nga ‘yang kutsilyo.”
“Padaan nga,” narinig kong sabi ni Miki sa kanya. “Tabi diyan, Jet. Harang ka sa daan eh.”
“Hoy, Pansit, akala mo naman eh pag-ari mo itong boarding house na ‘to.”
“Eh kung isaksak ko kaya sa’yo ‘yang kutsilyong hawak ni Jam? Umalis ka nga rito. Overcrowded na ang kusina. Alis, alis!” sigaw ni Miki sa kanya. Noong umalis si Jet eh lumapit si Miki sa akin. “Hindi naman siguro ako ang sasaksakin mo niyan, ‘di ba?”
“Hindi, pero… masama ba talagang pumaslang ng tao?”
“Oo eh. Pero hayaan mo’t sasabihan kita kung allowed na tayong pumaslang ng tao. Meron din kasi akong papasalangin eh.”
“Sino? Si Jet? Bakit ba ganyan ‘yang mga Youngs?” reklamo ko. “Teka, ‘di ba lumaki ka kasabay nila? Bakit ganyan sila? Ang wi-weird nila.”
Tumango siya. “Ganoon talaga. You can’t have everything. They are gifted, but are also cursed. Sabi ko nga, you can’t have everything.”
“Huh? Cursed? As in… sumpa?”
Tumango siya. “Hindi mo alam? You should know about it, lalo na’t ikaw ang mapapangasawa ni Jin Young. And among the Youngs, he’s one of those na mahirap ngang kontrolin.”
“Kontrolin? Seryoso ka?”
“Oo. Unlike Jet and some of his cousins, isa siya sa mga lumaki sa pangangalaga ni Sensei Muse.”
BINABASA MO ANG
Song of Spring
Literatura Feminina“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”