Spring Nine: The Taste
..~*+*~*+*~*+*~..
“Samahan mo ‘ko.”
Inirapan ko siya. “Saan na naman?”
“Sa volleyball court.”
Hinarap ko siya. “Huh? At anong gagawin natin doon?”
“Panunuorin si Jasmin.”
Muli ko siyang inirapan. “Excuse me? Kung panunuorin mo siya, bakit kailangang kasama pa ako?”
“Para mas marami ang magsi-cheer para sa kanya. Sa lakas ba naman ng boses mong iyan.”
Nagpamewang ako. “Pupunta ako doon para lang mag-cheer sa girlfriend mo? Gunggong ka ba? Teka, huwag mo nang sagutin. Gunggong ka nga pala. Bahala ka sa buhay mo. Mag-isa kang pumunta doon.”
Napaka niya talaga. Saan ka nakakita ng fiancé na aayain ang fiancée niya sa volleyball court para mag-cheer sa girlfriend niya? Minsan talaga eh balewala ang utak nitong si Jin eh. Sayang ang IQ. Useless.
“Hindi ako gunggong, Timang. Wala akong pakialam kung ayaw mo, basta sasama ka sa akin,” sabi niya habang kinakaladkad ako papalabas mula sa boarding house.
“Naman, Jin! Sabado ngayon eh!” reklamo ko habang kinakaladkad niya ako.
“O, tapos? Kabisado ko ang mga araw, ‘di mo kailangang sabihin.”
Napapikit na lang ako. Nakakainis siya! Nakakainis talaga!
Noong dumating kami sa volleyball court nasa loob din naman ng Arco Iris University, marami nang tao doon. May mga estudyante akong namukhaan. Ang mga players naman ay naroon na sa court at nagwa-warm up.
“Ayun siya,” nakangising sabi ni Jin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Jasmin na nakasuot ng volleyball jersey at nakatali ang madalas niyang nakalugay na buhok. May kailian ang suot niyang jersey shorts at fit na fit sa kanya ang suot niyang pantaas. Pinagmasdan ko ang hubog niya at hindi ko maikakailang fit na fit siya.
“Sexy niya, ano?” nakangising tanong ni Jin sa akin. “Iyan ang babaeng fit ang katawan. Hindi tulad mong lampa.”
“Whatever,” sabi ko habang iniirapan siya, pero ang totoo niyan eh medyo… fine, hindi medyo… kundi… natamaan ako doon. Kasalanan na palang hind imaging fit ngayon?
“Lampa. Dapat sa’yo eh nagsasanay o kaya sumasali sa mga sports eh,” dagdag niya pa.
Leche. Hindi ko na nga siya pinansin, dinagdagan pa ang pang-iinsulto sa akin. Sa inis ko, hinarap ko siya. “Nagsasanay? Sumasali sa mga sports? Bakit, Jin, sa tingin mo eh may oras pa ako para gawin ‘yun? Minsan eh tingnan mo naman kahit saglit ang time in motion ko. Makikita mong majority ng oras ko eh napupunta sa mga kaartehan mo,” malamig kong sabi sa kanya.
Kumurap siya at napatitig sa akin nang matagal. Inirapan ko na lang siyang muli at itinuon sa court ang mga mata ko.
Gusto ko rin namang maglaro ng volleyball noong high school, pero wala akong pagkakataon. Masyado akong naging abala sa pag-aaral para makakuha ng scholarship sa college at masyado rin akong naging abala sa pagtulong sa farm namin.
Habang maingay na nagsi-cheer ang mga tao sa paligid, tahimik lang akong nanunuod. Pansin kong tahimik lang din si Jin, pero noong tumingin si Jasmin sa direksiyon namin at ngumiti sa kanya, isinigaw ni Jin ang pangalan nito.
Bumuntong-hininga ako. Bakit ba ako nandito? Masyadong selfish talaga ‘tong si Jin—kinaladkad pa ako rito para lang mag-cheer sa girlfriend niya. Hindi man lang inisip na meron din naman akong ibang gagawin.
BINABASA MO ANG
Song of Spring
Genç Kız Edebiyatı“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”