Spring Nineteen: Young Lady
..~*+*~*+*~*+*~..
Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan noong nabitiwan ko ang isang baso ng tsaa.
“How many times I told you to handle it with care?” masungit na tanong ng sensei ko sa akin.
Tumango na lamang ako at saka lumunok. Alam ko naman iyon eh at ilang sunod-sunod na araw na rin akong hindi nakakabasag. Ngayon na lang ulit at hindi iyon pinalampas ni Sensei Haruko. Pinalo niya ang mga daliri ko gamit ang mahabng stick na hawak-hawak niya.
“Clean it up!” sabi niya at agad ko namang pinulot ang mga basag na porselana. Dahil sa kamamadali ko, nasugatan ang kaliwang hintuturo ko.
Inulit ko ang proseso at sa kabutihang palad ay hindi na ako nagkamali. Wala na ring nabasag na porselana. Noong natapos ang klase, nagpaalam na ako kay Sensei. Pagkatapos kong magbihis at linisin ang sugat ko, lumabas na ako mula sa tea house.
Naroon si Jelly sa labas at nakaupo sa isang silya, hinihintay ako. “My gosh. Tutubuan na ako ng buntot dito sa paghihintay sa’yo,” reklamo niya.
“Buntot? Hindi ba’t dapat ugat?” tanong ko. “Bakit kasi hinintay mo pa ako?”
Inirapan niya ako. “Because I’m so bored.”
Umiling ako. “Umuwi ka na kasi.”
He gave me a horrified look. “Uuwi ako mag-isa? Pagkatapos kong tumakas mula sa Arco Iris, uuwi akong mag-isa? OMG lang, baka salubungin ako ng mga katana doon,” nangingilabot niyang sabi.
Nginitian ko siya nang tipid. “Jelly, sa tingin ko naman eh hindi ka mapaparusahan.”
“I doubt it. I mean, umalis kaya ako nang walang paalam!” he wailed.
“Bakit kasi hindi ka nagpaalam?” tanong ko.
“Oh, we’re having this discussion na naman? Well, alam mo namang hindi ako papayagan, right? But I was feeling bored that time talaga and sumakto pa sa kadramahan ng peg niyo ni Jin, so I fled from Arco Iris and went to Isla. At siyempre nadatnan kitang titimang-timang na nagdadrama doon sa dorm room mo,” umiirap niyang sabi.
Sinimangutan ko siya. “Excuse me, Jelly, pero hindi ako titimang-timang at lalong hindi ako nagdadrama noon.”
“Well, kung hindi ka nagdadrama, itigil na natin itong pagpapakadalubhasa natin dito sa Japan at umuwi na sa Arco Iris.”
“Hindi nga ako nagpapakadalubhasa,” I protested.
Muli niya akong inirapan. “Hindi ka nagpapakadalubhasa? Eh anong tawag mo sa ginagawa mo? Pagka-graduate mo sa Isla, lumapit ka kay Sensei Muse para tulungan kang makapunta rito sa Japan. Siyempre kasama ako, ‘di ba? Maganda kasi ako. So pagdating dito, anong ginawa mo? My gosh! Inaral mo ang lahat ng mga dapat pag-aralan ng isang Young Lady eh hindi ka na naman isang Young Lady!” he snapped. “My gosh, Jamaica, wake up! Don’t do this for Jin!”
“I’m not doing this for Jin,” I snapped back. Heto na naman kasi kami. Ilang beses na namin itong pinagtatalunan ni Jelly eh. “I’m doing this for myself.”
“For yourself? Really? Eh ito ba talaga ang gusto mong gawin? Ang maging professional chef? Ang maging master weaver? Ang maging tea ceremony sensei? Kasi sa pagkakaalam ko, English Major ka at pangarap mong pagturo!” madramang sabi ni Jin.
“I can always teach English anytime I want, which I do as part time here,” I reminded him.
“Pero imbes na part-time lang, mag-full time ka na lang! You’ll earn millions!”
BINABASA MO ANG
Song of Spring
ChickLit“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”