Spring Ten: Hello
..~*+*~*+*~*+*~..
“At anong ginagawa natin dito sa library, ha, Jam?”
“Hindi ba obvious? Nagri-research tayo,” sagot ko kay Jelly.
“Huling tanda ko, English majors tayo. So why are we here sa section ng law?”
“Malamang dahil naghahanap ako ng tungkol sa violation on women’s right,” sabi ko.
Kumurap siya. “You’re still going on with that? Teka, bakit namumutla ka? May lagnat ka ba?”
Hindi ko siya sinagot dahil ayokong ikumpirma ang sinabi niya noon na kapag hinalikan ako ni Jin eh lalagnatin ako. Leche. Leche talaga. Kung hindi lang dahil sa kagustuhan kong mag-research ngayon eh hindi ako papasok. Dapat eh nanatili na lang ako sa boarding house at nagpahinga. Tutal ay maaga rin naman umalis si Jin at hindi nagpaluto ng agahan dahil ipagluluto raw siya ng girlfriend niya.
Oo… ng girlfriend niya.
Pumikit ako dahil sobrang nahihilo na ako. Agad inilagay ni Jelly sa noo ko ang palad niya. “OMG! I’m no medical expert, but you’re burning with fever!”
Bumuntong-hininga ako at iyon na ang huling narinig ko bago nablanko ang utak ko at dumilim ang paligid.
..~*+*~*+*~*+*~..
Noong iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Jin na nakatayo sa tabi ng clinic bed. “Bakit ka nilagnat?” bati niya sa akin. Inirapan ko siya at sinubukang umupo, pero pinigilan niya ako. “Humiga ka na lang.”
“Fine. Ewan ko,” sagot ko.
“Titimang-timang ka kasi. Sinabi ko na nga sa’yong magsanay ka nang gumanda ang lagay ng katawan mo.”
“Time in motion,” I snapped.
“Huh?”
“Review my time in motion,” sarkastikong sabi ko.
Kumunot ang noo niya at tinitigan lang ako. May umubo mula sa likuran niya at noong nakita ko kung sino iyon, kumurap ako.
“Hi,” bati ni Jasmin. “We haven’t been formally introduced before. I’m Jasmin Torres. Girlfriend ni Jin.”
Noong sinabi niya iyon, para akong binuhusan ng malamig na yelo at ewan ko kung bakit. Tumango ako at pilit na ngumiti. “Jamaica. Jamaica Jimenez. Uhmm, I’m…”
Napatingin ako kay Jin. Biglang nagsalita ulit si Jasmin. “Jin’s fiancée. I know. Sinabi niya.”
Muli akong napatingin kay Jin, pero ngumiti lang si Jasmin. “Ah. O… kay?” tumatanong sabi ko.
Ngumiti si Jasmin. “Don’t worry. I’m aware of it. It’s an arranged marriage, right?”
Tumango ako. “You could say that.”
“That’s okay. He is, after all, a Young. So it’s, well, normal. Then again, you don’t mind me naman, right? I mean, me being his girlfriend and—”
“No. Don’t worry. I’m fine with it,” dali-dali kong sabi.
Ngumiti nang malapad si Jasmin. “Then we’re cool!” masiglang sabi niya at saka ipunulupot sa braso ni Jin ang kamay niya. “By the way, are you okay?”
“Yes, of course. Just a mild fever,” sagot ko.
“Mabuti naman. So… can we go now? I mean… kasi we’re supposed to be on a date, pero biglang napabalik si Jin dito kasi sabi ng cousin niya eh nawalan ka raw ng malay.”
BINABASA MO ANG
Song of Spring
ChickLit“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”