Spring Two: Not So Bad

2.6K 117 7
                                    

Spring Two: Not So Bad

..~*+*~*+*~*+*~..

“O, eh ano ngayon? Pakialam ko ba sa pupuntahan mo?”

“Malamang wala kang pakialam at malamang hindi ako nagpapaalam sa’yo, ‘no. Nagsasabi lang ako, just in case titimang-timang ka na naman at hanapin ako mamaya pagdating mo galing sa unibersidad.”

“Hindi kita hahanapin kahit hindi ka na bumalik.”

Napanganga ako. Grabe. Siya na. Siya na talaga. Ang sama-sama niya! “Kung puwede lang akong hindi bumalik, ‘no.”

“Ah, oo nga pala. Wala ka nga palang magagawa kundi bumalik dito at pagsilbihan ako.”

“Gago! Hindi mo ako katulong! Fiancée mo ako!”

“Hindi ka ba kinikilabutan sa salitang ‘yan?”

“Mas kinikilabutan ako sa pagmumukha mo, Gunggong! Diyan ka na nga!” sigaw ko sa kanya at padabog na umalis mula sa kusina.

Sinalubong ako ni Jelly sa labas ng boarding house. “Ang tagal mo namang lumabas, Jam!”

“Eh paano, ‘yung magaling mong pinsan, umagang-umaga, namba-bad trip.”

“Sana nilason mo na lang.”

“Kung puwede lang talaga, matagal ko nang ginawa. Tara na nga. Baka mahuli pa tayo sa book drive.”

..~*+*~*+*~*+*~..

“Jelly! Ang dami nating nakolektang mga libro!” masiglang sabi ko habang pinagmamasdan ang mga kahon na naka-display sa plaza.

“Oo nga! Bilis, mag-inventory na tayo para mabenta na natin,” sabik niyang sabi.

Nangolekta kami ng mga donated second-hand books para ibenta. Ang makukuha naming pera ay ipambibili namin ng mga textbooks para i-donate sa public elementary school. Hindi man kalakihan ang perang makukuha namin mula sa pagbebenta ng mga lumang libro, kahit na papaano eh meron pa rin naman kaming maido-donate.

Noong natapos na kaming mag-inventory, nag-set up na kami ng stall sa Arco Iris Plaza para ibenta ang mga libro. Binigyan naman kami ng permisyo para gawin ito kaya hindi kami nag-aalalang mahuli o mapagalitan ng pulis.

“Books for sale!” sabay naming sigaw ni Jelly. “Books for a cause!”

Marami-rami rin ang lumapit at bumili ng mga second-hand books hanggang sa isang karton na lang ang natitira.

“Jelly! Nabenta natin halos lahat!” masayang sabi ko.

“True! Isang box na lang, Jam, isa na lang.”

“O.”

Nilingon namin ni Jelly ang pinanggalingan ng boses. Agad lumipad patungo sa kalawakan ang kilay ko. “Bakit ka nandito?”

“Huh. Tumutulong na nga, ganyan pa ang bati mo. O, bilis. Heto na,” sabi niya sa akin habang inaabot ang… kumpol-kumpol na cash.

“Anong gagawin ko diyan sa perang iyan?” tanong ko.

“Donasyon ang tawag dito, kung hindi mo alam. Kung sabagay, ano nga ba ang alam mo?” aroganteng tanong niya.

“Aba’t!” Susugod na dapat ako, pero pinigilan ako ni Jelly. Hinablot niya ang inabot na pera ni Jin mula sa kamay nito.

“Since sobrang laki ng donation mo, sige, you can take the whole box,” sabi nito sa pinsan.

“Huh. Ano namang gagawin ko sa mga basurang iyan? Keep the cash. I don’t need the trash,” aroganteng sabi ni Jin.

Song of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon