Spring Five: Not A Fairy Tale
..~*+*~*+*~*+*~..
Kahit na anong reklamo ko sa sitwasyong kinaroroonan ko, wala akong magawa sa ngayon kundi sumabay sa pag-agos ng buhay araw-araw. Akala ko ay magpapatuloy ang ganoong routine hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan.
“Ayun siya!”
“Seryoso?”
“Oo! Grabe, ang ganda!”
Dahil nadala ako ng matinding kuryosidad, napatingin ako sa tinutukoy ng mga estudyanteng nag-uusap sa paligid.
Dumapo ang mga mata ko sa isang babaeng nakasuot ng uniporme ng Arco Iris. Kalmado siyang naglalakad patungo sa building ng College of Fine Arts.
Naintindihan ko kung bakit siya pinagtitinginan ng mga tao. Hindi maikaiilang napakaganda niya. Mukha siyang anghel—mahaba at tuwid ang itim niyang buhok. Makinis at maputi, matangos ang ilong, manipis ang labi, may pagka-singit ang mga mata, at may katangkaran. Hindi lang siya mukhang anghel. Mukha siyang model.
Malamang isa na naman ito sa mga magiging campus crushes. Laganap sa Arco Iris iyan eh. Pero dahil mas malaki ang populasyon ng mga kalalakihan sa unibersidad, mas malaki ang bilang ng mga lalaking kinahuhumalingan ng mga babae at bading.
Tumalikod na ako para magtungo sa klase ko, pero may humila sa akin. “Problema mo?” tanong ko kay Jin.
“Tulungan mo ako.”
“Saan?”
“May gusto akong makuha.”
“Excuse me? Anong pinagsasabi mo?”
“Gumawa ka ng paraan. Basta gusto kong makuha iyon.”
“Ang alin ba?” medyo iritadong tanong ko.
May itinuro siya mula sa malayo. “Iyon. Gusto kong makuha iyon.”
Kumurap ako noong dumapo ang mga mata ko sa itinuro niya. Ang babaeng iyon—gusto niyang makuha ang babaeng iyon.
..~*+*~*+*~*+*~..
“At bakit?” tanong ko sa kanya.
“Gusto ko siya eh. At lahat ng gusto ko eh nakukuha ko.”
Napapikit ako. “Gusto mo siya? Teka, naririnig mo ba ang sarili mo? Gusto mo siya?”
Tumango siya. “Oo, bakit?”
“Magkakilala ba kayo?”
“Hindi. Ipakilala mo ako.”
“Okay ka lang? I can’t just walk up to a girl I don’t even know and introduce someone to her!”
“Eh bakit nagsasalita ka ng Ingles? Arte mo. Basta gawan mo nang paraan para magkakilala kami.”
“Seryoso ka? May lagnat ka yata eh,” sabi ko. Hihipuin ko na dapat ang noo niya, pero tinabig niya ang kamay ko. “Wow, thanks, ha. Concerned lang naman ako.”
“Basta gumawa ka ng paraan. Dapat bukas ay magkakilala na kami.”
“Huh? Sandali nga! Gusto mong magkakilala kayo. Gusto mong makuha siya. At pagkatapos?”
‘Ewan ko. Ano bang dapat gawin kapag nakuha ko na siya?”
“Gunggong! Ano ka ba!? Hindi siya isang bagay na kapag gusto mo eh makukuha mo!”
“Alam kong tao siya, Timang. Basta gusto ko siya.”
“Kasi?” I asked exasperatedly.
“Bagay kami eh.”
BINABASA MO ANG
Song of Spring
ChickLit“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”