“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”
..~*+*~*+*~*+*~..
Prelude
..~*+*~*+*~*+*~..
“Stand up and meet her, Jin.”
Bumuntong-hininga ang isang batang lalaki noong narinig ang pamilyar na boses na iyon. Binagalan niya ang kanyang pagkilos na naging dahilan ng pagpasok ng kanyang ina sa loob ng kuwarto. Tinaasan siya nito ng kilay kaya’t wala siyang nagawa kundi bilisan ang kanyang pagkilos.
Padabog na lumabas mula sa kuwarto si Jin. May mga ibang tao sa labas, ngunit dumapo ang kanyang mga mata sa isang batang babaeng nakayuko. Dahan-dahan nitong inangat ang kanyang ulo, ngunit agad din naman itong yumuko.
Nababagot siyang tiningnan ni Jin. “Puwede na po ba akong umalis?” tanong niya sa kanyang inang nakatayo sa tabi niya.
“Manners,” malamig nitong sagot sa kanya.
Alam niya kung anong ibig nitong sabihin kaya’t kahit na labag sa kanyang kalooban, bumuntong-hininga na lamang siya at lumapit sa batang babae.
“I’m Jin Young.”
Inangat ng batang babae ang kanyang ulo. Namumula ang kanyang pisngi. “Ako si—”
Bago pa niya natapos ang kanyang sinasabi ay tumalikod na si Jin, ngunit hindi rin ito nakaalis dahil nahagilap niya ang matatalim na mga mata ng kanyang ina. Napalunok siya at muling humarap sa batang babae.
“Ano ‘yun?” tanong niya rito.
Kumurap ang batang babae. Bahagya itong napaatras at yumuko.
“Jamaica. Ako si Jamaica Jimenez,” pakilala nito.
“The one you’re going to marry someday,” pagtatapos ng ina ni Jin.
..~*+*~*+*~*+*~..
http://dyosamalditacreations.tumblr.com/
http://twitter.com/TheDyosaMaldita
BINABASA MO ANG
Song of Spring
Chick-Lit“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”