Spring Eighteen: Nightmare
..~*+*~*+*~*+*~..
Ilang araw kong hindi tinantanan si Jin. Lumalayo siya at iniiwasan ako hanggang sa isang araw, bumuntong-hininga siya at hinarap ako.
“Jamaica, ano ba? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Malaya ka na,” mariing sabi niya.
“You just don’t decide that on your own, Jin Young! You’re being unfair!” I snapped.
“Then what? Jamaica, wake up. You’re not tied to me anymore. You’re free now.”
“Jin, ano ba? Ikaw ang gumising. Nag-iinarte ka lang eh.”
Bumuntong-hininga siya. “Hindi ako nag-iinarte. Gumising ka na, Jamaica. Tapos na ang bangungot mo.”
“Bangungot?” nauutal kong tanong.
Ngumisi siya. “It was just a nightmare, right? All those years with me… those were just nightmares. But you’re awake now, Jamaica. You’re awake now.”
“Jin—”
“Please move on with your life,” sabi niya sabay tumalikod sa akin.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Isang bangungot? Isang bangungot nga ba ang mga taong nakasama ko siya? Pero parang… hindi. Hindi iyon isang bangungot…
Hinabol ko siya. “Jin Young!”
Saglit siyang huminto. Agad ko siyang niyakap mula sa likuran. “Please, Jin? Let’s stop this and go back to the past, okay? Okay?”
Matagal siyang hindi nagsalita at gumalaw, pero halos bumagsak ang puso ko noong unti-unti niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. “Back to the past? That’s right, Jamaica. We’re going back to the past—before we met. And before you had your fate tied with mine. So stop this… and wake up. Everything is over. Your nightmare is over.”
Iniwan niya akong umiiyak habang pinanunuod na lamang ang likod niyang papalayo. “Nightmare?” mahinang tanong ko habang umiiyak. “You are not a nightmare, Jin Young.”
..~*+*~*+*~*+*~..
Gabi-gabi akong umiiyak mag-isa sa dorm room ko. Gabi-gabi ko ring tinatawagan si Jin, pero iniiwasan niya ako. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. I feel so… alone. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Oo, may choice akong bumalik sa Arco Iris, pero… ayoko. Ayokong bumalik doon nang hindi ko kasama si Jin.
Nalalapit na ang graduation, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Saan ako gagraduate? Dito sa Isla? O babalik ako sa Arco Iris? Kahit saan naman ay puwede, pero… parang wala na sa akin iyon kung saan. Dahil last sem na rin noong dumating kami ni Jin dito sa Isla, wala nang masyadong requirements sa amin for graduation dahil naipasa na namin iyon noong nasa Arco Iris kami. Hindi na rin kami obligadong pumasok sa klase.
Sa madaling salita, parang nakatambay na lang ako rito sa Isla. Parang palaboy-laboy at walang ginagawa kundi hanapin si Jin. Naisip ko lang na dati-rati, siya itong tila ba’y dependent sa akin noong nasa Arco Iris kami. Palagi niya akong hinahanap kahit na puro utos lang ang habol niya. Naisip kong mas mabuti naman iyon… mas mabuti ‘yung noon… kaysa ngayon.
… dahil ngayon ay hindi na niya ako kailangan.
Ngayong araw na ito, tuluyan na akong hindi pumasok sa klase. Wala na rin naman kasing gagawin. Naghihintay na lang ng graduation. At katulad ng sinabi ko, nakatambay lang ako sa Isla.
“A scene from a painting of a broken bride.”
Nilingon ko ang nagsalita. Pamilyar siya. Kaklase ko siya sa isang subject ko. “Huh?” tanong ko. “Anong sinasabi mo?”
BINABASA MO ANG
Song of Spring
Genç Kız Edebiyatı“When spring starts singing, the ice of cold winter melts… and so does the heart.”